32|101. Kakatwang panaginip

4 2 0
                                    

Ako'y naglakad sa liwasan
binibining ubod ng kariktan
agad agad kung natanaw
sapagka't puso ko'y pinukaw

Anupa't hindi ko mawari,
tika ikaw na yata nagmay-ari,
ng pusong nagdalamhati,
nang kahapong sawi't pighati,

Dahan-dahan kang lumapit,
dala ang ngiting mapang-akit,
na adhikang makisayaw,
sa ilalim ng tirik ng araw.

Ngunit ako'y nagulantang,
ika'y unti unting naparam,
ng walang bahid na paalam,
kaya nilamon ng kalungkutang.

Ako'y biglang nagising,
sa panaginip kung lasing,
ngunit salamat binibini,
sa tagpong ako'y pinangiti.


pls. vote and comment po!

One hundred one poetries for Psyche [on going]Where stories live. Discover now