01

19 3 1
                                    

[Taesan's POV]

"Taesan, you have to attend the school administrators' meeting next week."

"Taesan, can I get an update on the program outline for the university festival."

"Taesan, about the..."


"Taesan..."

Taesan dito! Taesan doon!


Napahampas ako sa lamesa ko at bahagyang nagliparan ang sandamakmak na papel na nakakalat.


Ginawa niyo nalang sana akong katulong imbes na Student Council President, may sweldo pa yun. May leave. Samanatalang ako na estudyante pa lang, mamamatay na sa kaka overtime.


Buti nalang nag-iisa lang ako sa room, libre akong magdabog.


*Knock knock*

Napaayos ako ng upo at saktong bumukas ang pinto ng student council room. At napa-sigh out of relief nang makitang si Haerin lang pala ito, ang SC treasurer.


"Akala ko teacher na naman tas gagawin na naman akong alipin," patawa kong sabi.


Ngumiti din siya, tapos sumimangot.


"Actually oo, pinatawag ka ni Ma'am Ramirez sa room 309."


Potah!

Bumagsak ang ngiti mula sa aking mukha at pinandilatan ko ng mata si Haerin sa galit na ngayo'y nagpipigil ng tawa. Tapos ay sarkastiko siyang nginitian bago lumabas ng room patungo kay Ma'am.


Great! Another utos!

Habang naglalakad sa hallway, marami ang bumati sakin, at isunuot ko ang aking professional smile.


"Huy Mr. Pres., pahingi ako notes sa calculus ah!"


Napaikot ako sa nagsalita. Yung kaklase kong walang ginawa kung hindi magML sa klase ay ngayo'y feeling close.


Nginitian ko siya, kahit na umaapoy na ako sa galit. "Sure, send ko na lang sa class gc mamaya."


Tumawa naman siya. "Send mo na lang din answers sa assignment, mabait ka diba?"


Halos pumutok ang ugat ko sa leeg.


Nagsitawanan sila ng mga barkada nila. Hindi na ako tumugon, at umalis. Kasi baka the moment I open my mouth, 'P*tangina mo' ang lalabas sa bibig ko. Delikado na. Muli komg sinuot ang ngiti habang nilalakbay ang hallway.


"Good afternoon, Ma'am." Bati ko habang papasok ng room.


Iminuwestra niya ang bakanteng upuang nasa harapan niya. Isang dating classroom ang room 309 na hindi ginamit this school year kasi mas onti ang estudyanteng nag-enroll compared last year. Gayunman ay mukha parin itong ordinaryong classroom, nasa 40 ang upuan, at nakatitig pa rin sayo ang mukha ng founder ng aming skwelahan na nakapaskil sa ibabaw ng blackboard.


Direktang nasa harap ko si Ma'am na nakaupo sa teacher's table at may tinatype sa selpon nitong naka keypad pa. Matindi ang silaw ng araw sa room 309 kaya hindi ito ginamit. At ngayong alas 4 na ng hapon, ay tila nagniningning na ginto ang mga puting buhok sa ulo ni ma'am at mas naaninag ang kulubot sa maamo nitong mukha.


Naguilty tuloy ako sa pagmura sa kaniya kanina. Sorri na.


"Hijo." Inangat nito ang tingin sa selpon.


"Yes, ma'am?"


"May pakiusap sana ako."


I internally sighed. Wala na akong takas. "Ano po, ma'am?"


"May estudyante kasi ako. Panaka-naka lang siyang pumapasok eh. But I can see that she's smart. She just doesn't have the motivation to go to school. Maybe you can help her?"


What? At gagawin pa akong babysitter?!

"Ma'am, sorry di po ako psychologist. I might not be able to help po with people undergoing mental or emotional turmoil," mahinahon kong sabi.


But she was persistent. Lumapit siya sa upuan ko and clasped my hands. "I know, hijo. But maybe you can approach her, like as a friend. Because I know you have a good heart."


Bullseye! Sakit ng tama nung 'good heart' ah!


Her eyes were pleading. Naramdaman kong dumaloy ang pawis ko mula sa noo pababa sa'king leeg habang nag-iisip ng kung anong palusot ang akma.


I started, "Pero kasi ma'am, busy--"


Saktong tumunog ang pagbukas ng pinto. Pareha kaming napalingon. At natigil ang mundo ko.


Napabitaw ako kay ma'am para kurutin ang sarili. Sa loob ng tatlong taon ay makailang beses siyang bumisita sa panaginip ko.


The sunlight painted her with a golden glow. She looked almost unreal.


Nag-expect akong magising at mawala siya sa paningin ko pero unti-unti lang lumalakas ang tunog ng kaniyang sapatos against the tiled floor. Kasabay nito ang nakakabinging pagpintig ng puso ko nang magtagpo ang aming mga mata.


"Minji..."


She's here. She's right in front of me. After 3 years, she's finally here, standing 5 feet away. I wanted to touch her, to confirm that she was real. But my body stood frozen.


She looked taller, her hair grew, her facial features matured. But she was still as beautiful as I remembered her.


"Hijo? Did you hear me?"


Napaigtad ako nang biglang hawakan ni Ma'am ang braso ko.


"P-po?" My voice was shaking.


"It's her. I would like to ask you to conduct after-class lessons with her, so she could catch up. Okay lang ba, hijo? Ah, by the way, her name is--"


"Minji. I know," I interrupted.


Ma'am Ramirez clasped her hands in delight. "Oh, so you already knew each other."


Yes. And I've been looking for her.

"No, I don't know him."


My head shot towards Minji who was glaring at me, apprehensive. My heart ached with that unfamiliar look, more so when she said,


"Who are you?"


ʚ₍ᐢ. .ᐢ₎ɞ ᕱ⑅ᕱ ᕱ⑅ᕱ ʚ₍ᐢ. .ᐢ₎ɞ

4 years ago...


"You're Taesan, right?"

I looked up from my dirt-stained hands and towards a girl, leaning in with an outstretched arm. Her figure casted a shadow from the soft sunlight, and her smile illuminated my sight.

My tears stopped. "Uhm... ba't mo alam pangalan ko?"

She grinned. "Of course! Kasi from this day on, I will be your friend. Tara, madumi jan sa sahig."

I took her hand and was about to let go when she clasped it on her own and shook it.

"I'm Minji, by the way. Nice to meet you."

Room 309 [ Minji x Taesan FF ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon