02

18 2 0
                                    

[Taesan's POV]

Inaabangan ako na mawala...

kaso lang ang malala,nadapa,
kaka tingala... 


"Sa'n ka punta?"


"To the moon," sagot ko at napahinto sa ginagawa.


"Road trip?"


"Broom br-- teka ano ba pinaguusapan natin?" Nilingon ko si Haerin na nakaupo kaniyang mesa sa may dulo ng room at mukhang kanina niya pa ako inoobserbahan.


Napakibit-balikat siya. "Di ko rin alam." 


Ang galing kausap.


Iniwan ko siyang prenteng nakamasid pa rin sa akin at bumalik sa pagsusuklay ng aking buhok sa harap ng salamin.


Dinampot ko ang hair gel sa mesa and coated my fingers with a considerable amount. Then ran my fingers to the back of my head, used the tip of my comb to scatter some strands to dress my forehead. It looked awkward. Ginulo ko ulit ang buhok at muling nagsimula.


"Mr. Pres.," biglang sambit ni Haerin. "Naalala mo pa yung time na bagong bigay sa atin tong room nato for student council use."


Nagpokus ako sa pag-sstyle ng buhok. "Oh, baket?"


"Yung hindi pa busy sa mga lovelife nila ang members natin. Tapos nag-uunahan tayong pumili ng mesa. Pinili ko yung walang alikabok tapos nag-uunahan kayo ni secretary jan sa pinakamalaking mesa."


"Oh?" I answered, not really listening.


"Tapos kaniya-kaniya tayong nagshare sa mga plano nating dalhin sa room."


"Hmm..."


"Pinagsabihan mo pa si Grade 11 representative kasi plano niyang maglagay ng full-length mirror sa room, unnecesary kamo. Mr. Pres?"


"Hmm..?"


"Isang oras ka ng nakatutok sa salamin."


Napaigtad ako at saka ko napansin na mukha na akong basang sisiw sa dami ng gel na nilapat ko sa buhok.


Nagpatuloy si Haerin. "Hindi ko na alam kung mental hospital o simbahan ang tatawagan ko. Baka kasi sinapian ka na."


"Ang OA mo naman. May lakad lang ako."


Nag-iwas ako ng tingin saka dumeretso sa bag ko kung saan kumuha ako ng tissue at pinampahid sa kamay at sa buhok ko. Samantala, sinusundot ako sa tagiliran ng hiya.


Muling nagsalita si Haerin. "Sa'n ka punta? Date?"


Room 309 [ Minji x Taesan FF ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon