Brainrot Side Story 04

3 1 0
                                    

Sabay naglakad paalis ang mga alipores ni Sullyoon at ngayon ay naging biktima ng mga mapangutyang mga titig si Jeah.

Pero hindi doon nagtapos ang lahat. Wala pang ilang mga hakbang ay may tumawag kay Sullyoon.

"Hoy, Sullyoon!"

Mabibigat ang mga hakbang ni Hanni papalapit sa kanilang lamesa. It turns out, sinundan ni Hanni si Jeah kasi hindi niya masikmurang manatili sa classroom kasama si Anton.

Sullyoon's face lit in delight. "Hanni! Finally kinausap mo na ak--"

Pak!

It was like the clap of the lightning at nag-echo ito sa buong canteen. May estudyanteng nabitawan ang kaniyang lemonade dahil sa gulat. At ang tanging tunog na narinig ay ang mahinang pag-ugong ng mga electric fan.

Nakalapat ang kamay ni Sullyoon sa namamaga nitong pisngi, eyes as wide as saucers. Pinilit niyang ngumiti. She must always look good in front of Hanni. Even if Hanni was shooting daggers with her eyes.

"Hanni? You're here." Sullyoon's voice was chippy as usual.

"Stop your bullshit," She replied with gritted teeth. "What did you do?"

Sullyoon cocked her head. "What did I do wrong? I was just keeping pests away from you." She regarded Jeah with a bitter look, then shifted with a smiling gaze towards Hanni.

Hanni's eyes darken.

"Sullyoon. Lay another hand to my friend and I swear I'll--" She stopped and turned to Jeah who was silently enjoying the drama. "Tara, Jeah. I have spare uniform in my locker."

Lumabas sila ng canteen at doon pa nag-resume ang pagkain ng mga estudyante, dala-dala ang bagong chika na na-witness.

"I'm sorry." Biglang salita ni Hanni. Ilang minuto na silang tahimik na naglalakad pero ngayon pa siya nagsalita.

Jeah was flustered in response. "Huwag ka magsorry, di mo kasalanan! Baliw lang talaga yung si Sullyoon..."

"Yeah, actually. Simula nung magtransfer ako rito, binubugaw niya lahat ng mga lumalapit sa akin kasi gusto niya akong irecruit sa grupo niya. Kaya ayun, wala masyado akong kaibigan haha." Nahihiyang kuwento ni Hanni.

"Aba gago naman pala yun Sullyoon na yun. Don't worry, sasampalin ko yun kung magkita kami uli."

"Sorry..."

"Ba't ka nagsosorry uli?!"

"Hindi, I mean... Sorry kasi nadamay ka pa dito sa... sa lahat. Sa pag-aaway namin ni Anton. It's just... I guess nasaktan talaga ako sa naging sagot niya kahapon. At para mag-act siya na parang nothing happened kanina. Still the same noisy Anton. Parang nainvalidate ang feelings ko."

Gustong ipoint-out ni Jeah na hindi yun totoo. Kahit na nakakainis si Anton ay kita ni Jeah na ginagawa niya ito para mapansin siya ni Hanni. Na parang gusto niyang ibalik ang lahat sa dati: na tuwa ang nasa mga mata ni Hanni, hindi galit.

Nagpatuloy si Hanni. "Sorry, napashare ako ng wala sa lugar, haha." Nahihiyang tawa uli ni Hanni habang bakas sa kaniyang mata ang kalungkutan.

Hinawakan ni Jeah ang kaniyang kamay at huminto sila sa paglalakad.

"No, don't be sorry. Pwede kang magshare sa akin, anytime and anywhere. That's what friends are for, diba?"

Napangiti si Hanni. For the first time today, her heart didn't feel heavy. Gusto niya uli maiyak pero hinablot niya na lang ang kamay ni Jeah at sabay silang tumakbo pabalik ng classroom.

Wala silang nadatnan.

"Eh... I'm pretty sure may spare PE shirt ako rito... Oh my god! Sinuot ko last week!"

"Haha, okay lang. Baka meron sa clinic," natatawang tugon ni Jeah kasi ang cute tingnan ng nagpapanic na Hanni.

"Girls, what's the problem?"

Parang pusang tumalon, tumakbo, at nagtago si Hanni sa likod ni Jeah at galit na tinitigan si Anton.

"Wow, Jeah, anong nangyari? Ang tanga mo naman, ba't ka nabasa..." Umalingasaw ang matamis na amoy. "Milktea?"

"Ba't mo tinatawag na tanga si Jeah!" Galit na reklamo ni Hanni.

Pero hindi siya nilingon ni Anton. "May extra shirt ka ba?"

Naglipat ang tingin ni Jeah mula kay Anton, papunta kay Hanni, pabalik kay Anton. "Papahiramin sana ako ni Hanni kaso nagamit niya na extra shirt niya."

Anton smiled proudly. "You shouldve told me. Ang easy lang ng problema niyo."

Dinukot ni Anton ang phone mula sa bulsa at may tinawagan. "Hello... Yes, magdala ka nga ng school uniform... No, pambabae, small. Pati na rin sabon at shampoo. Asap." At pinatay ang tawag. 

Walang limang minuto ay may lalaking nakasuit, nakasunglasses, at may earpiece ang tumatakbo palapit sa grupo. 

"Sir, yung pinapadala niyo po," hinihingal nitong saad.

He dismissed him with a cold shoulder at inabot niya kay Jeah ang uniform. Nakanganga lang si Jeah the whole time at si Hanni ay walang reaksyon, na pawang normal lang lahat ng nangyari.

Ano bang sindikato itong napasukan niya.

Iyon lang ang laman ng isip ni Jeah habang naliligo sa shower sa gymn. Naging mapayapa naman ang the rest ng kaniyang klase... ish. Though nag-aaway parin ang dalawa sa kaniyang harapan. At least walang Sullyoon na nambubully sa kaniya.

They bid their goodbyes at sinundo ng mga kaniya-kaniyang sasakyan sina Anton at Hanni. Naglakad pauwi si Jeah.

Sa dami ng nangyari kaninang umaga, ang gusto nalang ni Jeah ay humilata sa higaan at manood ng kdrama. Ready na siyang magpahinga. Nang biglang may tumakip sa kaniyang bibig at humagkan sa kaniyang katawan. Nagsisipa siya sa ere pero bigla siyang nanghina at nawalan ng malay.

Room 309 [ Minji x Taesan FF ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon