Si Jeah ay naglalakad uli papunta ng school. Pero ngayon ay sinugurado niya na na may dala siyang payong. Kahapon kasi ang init sa umaga tapos bigla nalanng umulan ng buong araw. Hanggang ngayon ay pinapatuyo niya pa rin ang mga librong nabasa kahapon.
Walang malay siyang napatingin sa katabi. Naglalakad ito ng nakayuko, pero nakilala ito ni Jeah. Ito yung exchange student na nagdrama sa harapan niya kahapon. Ang rason kung bakit nabasa lahat ng gamit niya!
Magpapalabas na sana ng galit si Jeah ngunit napahinto ito nang mapagmasdan ang mukha ng babae. Namamaga ang mata nito na parang buong gabi umiyak, at layag sa kaniyang mga mata ang kawalan at paghihinagpis.
Tinikom ni Jeah ang bibig at tahimik na nagpatuloy sa paglalakad.
"Hanni!" Biglang may boses na tumawag sa malayo. Sabay napalingon ang dalawang babae. May lalaking tumatakbo palapit and Hanni flinched.
Nakilala rin ito ni Jeah, yung lalaking pinsan na hindi pinsan ni Hanni.
Huminto ito sa harap nilang dalawa. Namamaga rin ang mga mata at haggard ang histura.
"Hanni... let me explain--"
"Jeah, diba may sinasabi ka?" Inangkla ni Hanni ang kamay kay Jeah.
Biglang nasali si Jeah sa convo. No, wait, ba't alam ni Hanni ang pangalan niya?
Hanni was looking at her, her eyes screaming for help. Jeah understood and tried her best to supplement the conversation.
"Oo, sabi ko basa lahat ng gamit ko kahapon."
"Haha, ako nga rin nabasa kahapon--"
"Hanni, can we talk?" Biglang sabat ni Anton.
Hanni shot him a glare. "Can't you see I'm talking with my friend? Alis."
Akala ni Jeah na matatapos na ang lahat pero biglang inangkla rin ni Anton ang kaniyang mga braso sa kabilang braso ni Jeah.
Anton smugged. "What do you mean? She is also my friend. Clubmates kaming dalawa."
He's right. Kapareho silang nasa Astronomy Club pero never pa sila nag-uusap. Well, ganoon din naman kay Hanni. Classmates sila ni Jeah pero ngayon pa sila first time nagkaconvo.
At ngayon pinag-aagawan na siya ng dalawang taong may LQ. Tulong.
BINABASA MO ANG
Room 309 [ Minji x Taesan FF ]
Teen FictionWhat happens when the person you looked up to the most, start crumbling before your eyes? Find out, as we journey with Minji and Taesan together at room 309.