[ Haerin's POV ]
So, hi guys, my name is Haerin at POV ko to hehe. Nakatunganga lang ako sa poster na nakakabit sa pader sa tabi ng mesa ko. Nakalagay kasi roon yung picture naming mga members ng Student Council. Pitong tao ang naroon at tag-iisa kami ng lamesa dito sa SC room.
At aba, hindi pa nga natatapos ang first sem, mag-isa nalang ako dito sa room. Wala talagang silbi ang gobyerno.
Noon naman ay dalawa kami ni Taesan tumatambay dito tuwing lunch. Wala kasi yung kaibigan. Pero simula nung Monday, hindi na siya natambay rito. Apat na araw na siyang missing. Tinatamad din akong bumisita sa room niya.
Guys, mag-file na ba ako ng police report?ʚ₍ᐢ. .ᐢ₎ɞ ᕱ⑅ᕱ ᕱ⑅ᕱ ʚ₍ᐢ. .ᐢ₎ɞ
Please pardon me if I keep on switching languages. I can't write in both full Tagalog and English.[ Third Person POV ]
Monday - Kangkong cereal at yakult
Tuesday - Pizza at chuckie
Wednesday - Adobo at milk bar
Thursday ngayon at pasimpleng naglalakad lang si Taesan sa hallway. Gayunman, lingid sa kaniyang kaalaman na nangongolekta na siya ng mga tingin sa mga estudyanteng napapalingon ang habang naglalakad siya dahil sa ere nito ng dignidad.
"Magandang tanghali, Pres." bati ng isang estudyante.
"Good nooon rin." Sinuklian siya ni Taesan ng isang maliit na tango at ngiti.
Napaka-cool, calm, and collected niya talaga! Di napigilang mapatili ng ibang mga babae. Napaismid nalang ang mga lalake at tinanggap ang pagkatalo.
Lingid sa kanilang kaalaman na ang cool, calm, and collected na si Taesan ay halos atakehin na sa puso sa lakas ng pagpintig nito. Konti na lang ay magtatatalon na siya habang naglalakad dahil sa excitement.
May bitbit na naman siyang pagkain at tinatahak niya ang hallway patungo ng room 309.
Marahan niyang tinulak pabukas ang pinto, carefully minimizing the creaking of the door, and was greeted by the familiar dim ambience of room 309. Nakasara lahat ng mga bintana pati kurtina, at nag-iisang electic fan ang nakabukas.
At nasa ilalim nito, sa isang airmchair sa gilid ng room, natutulog si Minji.
Ito ang eksenang nadadatnan niya tuwing lunch. Hindi nakatakas sa isipan ni Taesan na baka aparisyon lang itong lahat, a hopeless hallucination granted by the gods out of pity. But the slow silent heaving of Minji's back reassures Taesan that she's breathing, she's real, and she's here.
Pinigilan ni Taesan mapatili.
Nilapag ni Taesan ang kaniyang bitbit na Fried Chicken at ice cream sa tabi ni Minji, lumapit rito at pinagmasdan ang mga mata nitong nakapikit, ang mahahaba nitong mga pilikmata, ang pula nitong--
Wait I should stop staring at her! Mukha akong stalker.
Aatras na sana siya pero biglang may lumipad na langaw sa harapan niya at dumapo sa buhok ni Minji. Taesan freaked out.
Dahan-dahan niyang nilapit ang kamay para bugawin ang langaw when something snapped and he felt a hand gripping his wrist.
Taesan's heart somersaulted. Minji is awake! And she's glaring at him with disgust.
"Who are you and what are you doing?"
Taesan's heart was beating so fast he couldn't breathe. "I-I-I'm Taesan," he managed to utter.
"What do you think you're doing huh, Jaesan? Before, nag-iiwan ka lang ng pagkain, ngayon hihipoan mo na ako?"
She knew?
"Uhm, Taesan, hindi Jaesan..."
Her grip tightened and Taesan flinched. She spoke with gritted teeth. "Shut up, creep. I don't care. Answer me, what the hell do you think you're doing."
Creep... She called me a creep, Taesan cried deep inside.
"I... Ano... may langaw kasi sa buhok mo."
She cocked her head. "Isa pang sinungaling, irereport kita sa guidance."
"Ayun oh!" Napasigaw si Taesan sa panic. "Yung langaw!" Tinuro niya ang dalang chicken at may langaw ngang lumilipad sa taas nito.
She eyed him with skepticism before slowly letting go. Namula ang pulsuhan ni Taesan at hindi pa rin mapigil ang pag toogs toogs ng kaniyang puso, sa kaba at kilig. Ikaw ba naman hawakan ng crush mo.
"And why exactly are you doing this... leaving lunch or something. Mukha ba akong charity case?" Pagalit na tanong ni Minji.
No. To be honest, mukha kang pusang kailangan iwanan ng pagkain.
Instead ang sagot ni Taesan ay: "Concerned lang ako. Binilin ka kasi sa akin ni Ms. Ramirez."
"Ugh, that annoying hag. Always so hell bent on me not failing, attending classes--" She stopped, realization reflected in her eyes. "Ibig sabihin ikaw yung pinakilala ni tanda. Yung weirdong kilala ako."
I'm a creep, I'm a weirdo, napakanta nalang si Taesan sa isip.
Nanatiling nakatingin si Taesan kay Minji. Hindi mabasa ni Minji ang laman ng mga mata ni Taesan. Wala rin siya sa mood na ientertain ito. Kaya tumalikod siya at muling binaon ang ulo sa mga braso sa lamesa ng airmchair.
"Nga pala," pagsisimula ni Taesan. "Friday bukas... baka free ka sa hapon. Ano..." Ilang segundong natahimik si Taesan, bago niya binawi ang sinasabi. "Wala."
"Aalis ka or aalis?"
"Kainin mo yung lunch... sana. Sayang kasi." Ang naging tugon ni Taesan bago siya tuluyang umalis.
Sa pagsara ng pinto ay muling natulog si Minji.
ʚ₍ᐢ. .ᐢ₎ɞ ᕱ⑅ᕱ ᕱ⑅ᕱ ʚ₍ᐢ. .ᐢ₎ɞ
Kinabukasan ay nagdalawang-- no, nagtatlo, nag-apat, naglimang-isip si Taesan kung bibisitahin niya ba uli si Minji sa room 309. The bento box he bought felt heavy on his fingers. Concerned pa rin siya para kay Minji kasi baka hindi na naman yun nag-lunch pero at the same time takot siya na baka mas magalit ito sa kaniya at tawagin na naman siyang weirdo.
Paikot-ikot siyang naglakad sa SC room at nakamasid lang si Haerin. Masaya siya dahil naconfirm niyang buhay pa si Taesan pero at the same time, nababahala dahil sa kilos nitong parang balisa.
"Kakainin mo yan o hindi? Akin na lang."
Walang naging tugon si Taesan, at biglang umalis ng SC room na parang nagmamadali.
Nakapagdesisyon na si Taesan. Bahala na kung sumpain siya ni Minji basta mapakain niya ito. Nangangayayat na si Minji. And the shortest way to a woman's heart is through her stomach. Malakas ang pag-gaslight ni Taesan sa sarili habang binabaktas ang room 309.
Wala siyang nadatnan.
Hindi ito ang room 309 na kaniyang nakagawian. Walang Minji na natutulog sa gitna ng madilim na room. Sa halip, nakabukas lahat ng mga bintana at maaliwalas ang silid na parang panaginip lang ang lahat ng nangyari this week.
"Pres? -Nu ginagawa mo jan sa abandoned room?" Si Hanni, ang vice president.
Pinilit niyang ngumiti. "Wala, inspection lang."
He kept his smile until nakabalik siya ng classroom niya, swallowing the bitterness he felt in his throat. He stared at the bento box he laid on his desk, and ate. Eating felt like swallowing crushed concrete. Friday ngayon at may bentang sushi sa canteen. Paborito ni Minji ang sushi.
Tumunog ang bell nang hindi nauubos ni Taesan ang pagkain. Club time na. Tuwing Friday ng hapon ay walang academic class at nagsilabasan ang mga estudyante sa room. Napilitan ring umalis ni Taesan, ginagamit kasi ng isang club ang kanilang classroom.
Perhaps it was some wistful thinking or pointless hope that he found himself walking again towards room 309.
What was he expecting?
Hindi niya mapigilang mapatawa nang makita niya ngang may tao sa room mula sa maliit na bintana ng pinto. Nababaliw na ata siya. Lalo na noong bumukas ito at niluwa si Minji na mukhang irritated.
"You're late. Akala ko ba 1pm tayo magsisimula."
"... Huh?" Nagsasalita ang kaniyang imahinasyon.
"Malapit na yung exam, akala ko ba i-tututor mo ako."
May langaw na lumipad sa nakangangang si Taesan.ʚ₍ᐢ. .ᐢ₎ɞ ᕱ⑅ᕱ ᕱ⑅ᕱ ʚ₍ᐢ. .ᐢ₎ɞ
Bonus Scene
Noong umalis si Taesan matapos siyang awayin ni Minji.
Minji: Nakalimutan ko siyang pagsabihan na ang pangit ng food choices niya. Adobo at milk bar? Seriously... muntik pa akong magkaLBM...

BINABASA MO ANG
Room 309 [ Minji x Taesan FF ]
Teen FictionWhat happens when the person you looked up to the most, start crumbling before your eyes? Find out, as we journey with Minji and Taesan together at room 309.