A/N: This takes place in another universe so it's completely unrelated. And something I wrote on a whim, while high on Oreo.
- - -
Si Jeah ay naglakad papuntang school. Mainit ang panahon ngunit nakalimutan niya ang kaniyang payong. Kaya wala siyang choice kung hindi ipatong ang bag sa ulo para magsilbing panakip sa umaapoy na init na init ng araw. Tumatagaktak ang pawis sa kaniyang noo at sumasakit ang kaniyang ulo sa init kaya hindi namalayang may nakabangga siya habang naglalakad.
"Paking shet. Tumingin ka nga sa dinadaanan mo," naiinis niyang sabi.
Nakapikit ang mata ni Jeah dahil sa masakit na sinag ng araw. Pero nang hindi siya makarinig ng tugon ay binukas niya ang mata at nakitang nakasalampak sa sahig ang isang babae. Nakauniform ito ng kagaya niya ngunit mukha itong banyaga.
"Hanni, okay ka lang?" May tumawag mula sa malayo at tumakbo ito para kalungin ang babaeng natumba.
"Okay lang ako, Anton." Nagpagpag siya at tumayo. Ngunit biglang nawalan ng balanse at napakapit sa lalaki.
Anton's gaze shifted into Jeah and he shot her a furious glare. Jeah unconsciously flinched.
"How dare you hate my Hanni, my loves so sweet?!"
Natuod si Jeah sa kaniyang kinatatayuan. Si Hanni pala ang kaniyang nabangga at nandito na rin si Anton, ang pinsan ni Hanni. Ang bagong exchange student galing Vietnam at US.
"Anton, diba sabi ko huwag mo akong tawaging my loves. Kaya namimisunderstand tayo palagi eh kasi dikit ka ng dikit sa akin."
Tinitigan siya ni Anton at nagulat si Hanni. Ito ang unang pagkakataon na nakita niyang ganito ka seryoso si Anton.
"Hanni, may ipagtatapat ako sa iyo."
Napalunok si Hanni sa matinding pressure at hindi napaimik.
"Ang totoo kasi... hindi tayo magpinsan."
Gumuho ang mundo ni Hanni. Bata pa lang sila ay tinatago niya na ang pagkagusto kay Anton dahil alam niya na bawal. Ipinagkait niya ang sarili sa kaniyang damdamin at namuhay siya nang may poot, galit, paghihinayang, at kalungkutan sa puso. Ngunit napagtanto niyang walang silbi ang kaniyang pag sasad girl dahil hindi pala sila magkamag-anak.
"Anton..." Hindi na mapigilan ni Hanni ang pagraragasa ng kaniyang damdamin. "Sa totoo lang, matagal ko na tong gustong sabihin pero mahal kita."
Nanlaki ang mata ni Anton. At kumirot ang puso ni Hanni ng makita itong nag-iwas ng tingin.
"Sorry, Hanni. Kaibigan lang talaga ang tingin ko sa iyo."
Ang totoo ay mahal rin ni Anton si Hanni ngunit napilitan siyang itago rin ang kaniyang pagmamahal dahil anak siya ng isang Mafia boss at ipapapatay ng kaniyang ama lahat ng mga babaeng nagugustuhan niya. Kaya nagsinungaling siya in the first place na magpinsan sila ni Hanni.
Patakbong umalis si Hanni, tumutulo ang kaniyang mga luha sa pisngi. Kasabay noon ay ang pagbuhos ng ulan. Nasalampak si Anton si sahig habang kinukubli ng ulan ang pagpatak ng kaniyang mga luha.
Nabasa ang bag ni Jeah.
BINABASA MO ANG
Room 309 [ Minji x Taesan FF ]
Novela JuvenilWhat happens when the person you looked up to the most, start crumbling before your eyes? Find out, as we journey with Minji and Taesan together at room 309.