Brainrot Side Story End

3 1 0
                                    

Enough of drama.

Nagising si Jeah sa hospital at naroon si Anton at si Hanni. At first, balisa pa siya pero pinaliwanag ni Anton na kagagawan ito lahat ng kaniyang ama. Simula pagkabata ay pinepersuade na siya na kaniyang ama na sumunod sa kaniyang mga yapak pero gusto mamuhay nang mapayapa ni Anton.

Kaya ang ginagawa ng kaniyang ama ay gawing hostage ang mga taong kaniyang iniingatan at iblackmail siya. Kaya nilusob ng mga bodyguard ni Anton ang warehouse na kinalalagyan ni Jeah.

"You mean, napagkamalan akong jowa mo ng papa mo?"

"I'm sorry..." Nag-iwas ng tingin si Anton.

Saka pa napansin ni Jeah na parang wala na ang tense na atmosphere sa pagitan ni Hanni at ni Anton. Nagtaka siya.

"Bati na kayo?" pang-uusisa ni Jeah.

"Actually, kami na." Nahihiyang tugon ni Hanni.

Namula naman si Anton. "Ni-reveal mo naman kaagad! Diba sabi ko na huwag muna."

"You see," nag-explain si Hanni kay Jeah. "Sinabi kasi ni Anton sa akin ang totoo, na nagpanggap lang siya na hindi niya ako gusto para protektahan ako mula sa kaniyang ama."

"Pero nag-usap na kami ni Dad," pagdudugtong ni Anton. "At tinanggap niya na na ayaw kong maging heir ng isang mafia group gamit ang mga connection ni Hanni. May-ari kasi ito ng Pham group na isang business conglomerate. Ayun, dahil sa isang investment... pinayagan na kami ni Dad na... maging kami."

Nagkatitigan silang dalawa. At mula sa mata ng isa't isa ay nakaramdam sila ng mga paru-paro sa kanilang mga puso. At sumibol ang bulaklak ng pagmamahal.

Napatitig din si Jeah sa dalawang love birds.

"Muntik na akong mamatay kahapon tapos naglandian lang pala kayo!?"

The End

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Room 309 [ Minji x Taesan FF ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon