Necs week pa ang start ng mga class namin kaya magaan pa ang schedule. Training sa umaga at hapon lang ginagawa namin. Gala minsan.
Ly : Okey ka lang, Bea?
Bea : Yes, ate Ly! Mababait pala ang mga ALE.
Ly : Oo naman. Medyo mga baliw lang minsan!
Bea : Hahahahahaha! Okey yon. Para di boring.
Ly : SInabi mo pa.
Den : Hello, Bei!
Bea : HI, ate Den!
Den : Okey ka na ba sa team? Naka adjust ka na?
Bea : Opo. Di naman sila mahirap pakisamahan.
Den : Yeah. Mga kalog mga yan!
Ly : Yan nga sinabi ko kay Bei.
Bea : I am so glad na nasali ako sa team na ito.
Ella : Hello all! Nagugutom na ako mga bes! Hello, baby besh!
Bea : Hi, ate Ella.
Den : Parati ka namang gutom, besh!
Ly : Shower na tayo para makakain na.
Ella : Yeeey! Thank you, besh Ly!
Napapailing na lang sila Ly at Den.
Sa mcdo silang lahat kumain. Treat ni Ly kaya todo order si Ella.
Jia : Hoy, ate Ella, kaya mo ubusin yan?
Ella : Kulang pa nga ito, e!
Ponggay : Ate Ells, grabe ka na talaga! May sawa ba dyan sa tyan mo?
Ella : Oy! Ponggay, wag mo ako pakialaman!
Trey : Ells, diet din pag may time!
Ella : Sa nakakamatay ba naman na pa training ni Bundit, kailangan ko ng ekstra energy!
Kim : Ekstra taba kamo.
Ella : May sinasabi ka Kim?
Kim : Wala po, ate Ells!
Ella : Jho, ayaw mo na sa food mo?
Jho : Huh?
Den : Ella, wag mo pakialaman ang pagkain ni Jho!
Ly : Tama na yan, Ella. Napakadami mo na nga inorder, e.
Ella : Tinatanong ko lang naman kung mauubos nya. Sayang ang grasya!
Bea : Jho will eat that, ate Ells. She just eats slowly.
Ella : Tigilan mo nga ako sa kaka English mo, De Leon!
Den : What's wrong with that?
Ella : Isa ka pa, besh!
Ly : Hayaan mo sila kung saan sila comfortable magsalita, besh Ella.
Napakamot na lang sa ulo nya si Ella.
Pagkatapos nila kumain ay naglakad lakad lang muna sa mall.
After thirty minutes ay umuwi na rin sila.
Umakyat na sila lahat papunta sa kani kanilang mga rooms.
Deanna : I miss my bed!
Maddie : Hala, matulog ka na Wong!
Deanna : Matutulog na talaga ako! I am so sleepy na!
Napangiti na lang si Bea. Parang bata itong si Deanna.