Nagbulag bulagan lang si Bea sa mga nanliligaw ni Jho.
Lihim syang nasasaktan. Kahit sanay na sya sa mga ganito ay parang kakaiba ngayon.
Malalim ang sakit na nararamdaman nya.
She is still the same Bea na palakaibigan, matulungin at malambing.
Jho : Bhe, kumusta ka na?
Napangiti si Bea.
Bea : Para namang di tayo nagkikita araw araw. Magka room mate po tayo baka nakakalimutan mo.
Jho : Oo naman. Pero, di naman tayo nagkakausap.
Bea : Busy ka, e.
Napaisip naman si Jho.
Oo nga. Trainings, acads, dinner or lunch outside. Iniinvite kasi sya nila Isaac at Marci.
Jho : Sorry ha.
Bea : Don't be. Dami mo kasing tagahanga, e.
Jho : Tagahanga talaga?
Bea : Hmn. Manliligaw.
Jho : Manliligaw lang naman yon.
Bea : Okey lang yan. Normal lang. Dalaga at maganda ka naman kasi. Malakas ang seks appeal.
Jho : Wow! Kaibigan talaga kita!
Bea : It's true kaya!
Jho : Pero, totoo naman yon, hahahahaha!
Bea : Sana, makatagpo ka ng tunay na magmamahal sa yo. Yong di ka iiwan.
Jho : Seryoso natin, a!
Bea : Minsan, kailangan din natin mag seryoso. Minsan lang naman.
Jho : Sana rin. Nasaan kaya sya?
Bea : Nasa paligid lang yan.
Jho : Simple lang naman dream ko. Maka graduate, magka work, mag asawa at magkaanak!
Nalungkot si Bea sa huling sinabi ni Jho.
Di nya mabibigyan ng anak ito.
Bea : Pinagdadasal daw yan. Na sana, bigyan ka ng kabiyak na magmamahal sa yo ng totoo at dadamayan ka sa lahat. Magka pamilya.
Jho : Sige, sige! Starting mamayang gabi, ipagdadasal ko na yan.
Bea : Y-you do that.
Jho : Ikaw?
Bea : What about me?
Jho : Ano pangarap mo?
Bea : A. Maka graduate rin. Work.
Jho : Yon lang?
Bea : Ano pa ba dapat?
Jho : No lovelife? No family of your own?
Bea : Ha ha ha. Bawal nga di ba?
Jho : Sabagay. Pero, malay mo, makatagpo ka ng magmamahal sa yo at mahal mo rin. Tapos maging kayo! E, di happy, happy!
Natawa kaming dalawa. Naalala namin si coach Tai.
Napaisip naman si Bea.
Natagpuan na nya. Pero napakalabo.
Straight sya.
Di nya ako magugustuhan kahit kelan.
Bea : Bata pa naman ako.