Di alam ni Bea kung obligation ba nyang panoorin talaga ang lahat ng mga games ni Jho!
Galit na galit ito pag di sya nakapanood! Ano daw syang klaseng kaibigan, di nagbibigay ng support sa close friend nya!
Palagi namang reason ni Bea na may work din sya at hindi sa lahat ng oras ay nakakalabas sya kahit office hour pa.
Jho : Pag gusto, palaging may paraan! Pag ayaw, napakadaming dahilan!
Sabay walk out.
Sinusubukan talaga ang pasensya ni Bea ng babaeng ito.
Napasuntok na lang sa hangin si Bea.
Sumunod na rin sya dahil alam naman nya na sya manlilibre ng dinner.
Habang kumakain sila ay ayaw tumingin ni Jho sa kanya. Pero magana naman itong kumain at nag ekstra rice pa ang bruha!
Napuno na rin si Bea.
Denedma nya na rin si Jho.
Para silang mga robot na kusa at sabay ng tumayo at lumabas ng restaurant.
Pagdating sa condo ay lumabas na si Jho at kinuha naman ni Bea ang napakadaming bulaklak ni Jho na bigay ng mga fans nya.
Automatic na hinatid ni Bea si Jho sa unit nya.
Pabalibag na binuksan ni Jho ang pinto at pinapasok si Bea.
Ibinalibag din ito pasara.
Nabigla pa si Bea.
Bea : Kung galit ka sa akin, wag mo idamay ang door mo.
Jho : Pinto ko yan kaya wala kang pakialam kung ano gawin ko!
Bea : Ayan na mga flowers mo!
Jho : THANK YOU!!!
Pasigaw nitong sabi.
Bea : Bakit ka ba galit, ha?
Jho : Di ako galit!
Bea : Di daw galit. E, nakasigaw ka kaya.
Jho : Trip ko lang!
Bea : I said, I was so busy kanina kaya na late ako sa pagpunta.
Jho : Late? Ang late ilang minutes lang! 3rd set ka na nakarating! Di mo na nakita ang mga palo ko na puro naka point! Wala tuloy nagche cheer sa akin!
Bea : Yon lang, kamahalan?
Jho : Stop that!
Bea : KA MA HA LAN! KAMAHALAN!
Jho : Stop that sabi, e!
Bea : Para kang reyna kung umasta! Gusto mo , nasusunod ka palagi! Akala mo na ikaw lang ang inaatupag ko!
Napatungo na si Jho.
At natahimik ng ilang minuto ang condo ni Jho.
Napatingin si Bea sa kisame at huminga ng malalim.
At ibinalik ang paningin kay Jho.
Bea : Umiiyak ka?
Jho : Hindi.
Naglakad na si Jho at pumasok sa kwarto nya.
Napapikit si Bea.
My God!
Sinundan nya si Jho sa room nito at nakita nya ang dalaga na nakahiga sa kama in a petal position.
Naawa naman agad si Bea.
Bea : Bakit ka umiiyak?
Jho : Umalis ka na. Salamat sa paghatid at sa pa dinner. Paki lock na lang ang pinto.
At nagtalukbong na ito ng kumot.
Nakita ni Bea na gumagalaw ang kunot.
Umiiyak pa rin sya.
Lalabas na sana sya pero di nya kayang iwan si Jho sa ganitong situation.
Umupo si Bea sa kama at kinuha ang kumot.
Tumambad sa kanya ang mukha ni Jho na punong puno na ng luha.
Pinahid na ito ni Bea gamit ang kamay nito.
Bea : Tahan na. I am sorry. I'll come early neks time.
Pagdating sa babaeng ito ay napapa sorry na lang si Bea kahit di nya kasalanan.
Jho : Promise?
Bea : Promise.
Jho : Sabi nong commentator na maganda na daw form ko pag napalo ako. Nagbalik na nong college pa tayo at di mo yon nakita at narinig, huhuhu!
Bea : I'll watch the replay sa tv.
Jho : Iba pa rin pag live.
Bea : You can show it to me now.
Hinampas naman ni Jho si Bea.
Jho : Sira!
Bea : Tahan na.
Napayakap na si Bea kay Jho at hinagod hagod na nito ang likod ng dalaga.
Jho : That feels good.
Humiga si Jho.
Jho : Higa ka rin.
Napahiga naman si Bea.
Jho : Hagod mo likod ko.
Bea : Opo, kamahalan.
Nahampas na naman ni Jho si Bea.
Bea : Joke.
Tahimik lang sila na magkayakap habang nakahiga at hinagod hagod ni Bea ang likod ni Jho.
Walang nagsasalita.
They are contented hugging each other lang.
After fifteen minutes ay mahimbing ng natutulog si Jho.
Dahan dahan namang inalis ni Bea ang kamay na nakayakap sa kanya.
Bago sya lumabas ng kwarto ni Jho ay hinalikan nya ang noo nito.
Mabigat ang pakiramdam nya ng tuluyan na syang lumabas ng unit.
'This is bad.'