Part 8

79 4 1
                                    


Parang umiiwas nga si Bea kay Jho.  She sees to it na may mga kasama sila pag lumalabas.  DI nya hinahayaang silang dalawa lang.  Bihira lang sya pumapayag na silang dalawa lang ang kakain sa labas o gagala.  Marami syang mga dahilan.

Jho :  Bhe, mall naman tayo!  Kaka bored na dito sa dorm.  Wala naman tayong training mamayang hapon.

Bea :  Huh?  M-may long quis ako bukas, e.

Jho :  Ganon ba.  Sige.  Si ate Ella na lang, baka nandito na yon. 

Lumabas na si Jho sa kwarto nila.

Nagkunwari naman na nag aaral si Bea.

Naawa na nga sya kay Jho.  Mahilig sya nitong yayain kumain o tumambay lang sa starbucks.

Sa susunod siguro, papayag na sya.


After ng training sa umaga ay may class na agad si Bea.   Whole day ang class nya.  May 30 minutes lang na bakante, pagkatapos ay training na naman sa hapon.

Her head feels numb na sa maghapon na lecture at may isang subject pa na may surprise quis.  Mabuti na lang at nabasa na nya in advance ang lesson.  Kundi, patay sya.

Nilapag na ni Bea ang gym bag nya sa bleachers at umupo sya sa tabi.  Sumandig sya agad at ipinikit ang kanyang mga mata.

Ella :  Okey ka lang, Bei?

Nagsalita si Bea pero nakapikit pa rin ang mga mata.

Bea : I am okey, ate Ella.

Ella :  Mukhang pagod ka yata.

Bea :  Whole day po ang class ko today. 

Ella :  My G!  Grabe naman!  Bakit ba yan ang pinili mong sched?

Bea :  Wala na kasing ibang sched, ate. 

Ella :  Jho!

Kararating lang ni Jho at dumiretso na ito kung nasaan sila Bea at Ella.

Jho :  Hello, ate Ella!  Hello, bhe!

Ella :  Mukhang masama ang pakiramdam ng bhe mo.

Napatitig naman si Jho kay Bea.  Kinapa nito ang noo nito.

Jho :  Medyo mainit ka, bhe.  Lika, pahinga ka na.  Ipapaalam kita kay ate Ly.  Sandali lang, ha?

Patakbo ng umalis si Jho.

Napakindat naman si Ella kay Bea.

Ella :  Ma swerte ka may Jho kang friend.

Bea :  Ate Ells, okey lang naman ako, e.

Ella :  Pahinga ka muna.  Pag di naagapan yan, baka magtuloy tuloy na!

Napakamot na lang sa ulo nya si Bea.


Jho :  Akin na ang susi mo?

Bea :  Kaya ko mag drive.

Jho :  Isa!

Bea : Ito na.

Jho :  Sakay ka na.

Sumakay naman si Bea sa passenger seat.  Pinaandar na ni Jho ang kotse ni Bea.

Jho :  Hanep!  Ngayon lang ako makapag drive ng BMW!

Bea :  Kotse pa rin naman ang ibang brand.

Jho :  So smooth.

Napasandig na si Bea sa upuan at ipinikit ang mga mata.

Bigla na lang syang gininaw.


Jho : Nandito na tayo sa dorm, bhe.

Tahimik lang na bumaba si Bea. 

May kinuha namang paper bags si Jho sa back seat.

Nag take out sya sa jollibee kanina at bumili sya ng soup.

Tulog si Bea kaya di nito alam.

Jho : Upo ka muna dyan.

Kumuha na si Jho ng shirt at shorts ni Bea.

Binasa din nya ang handtowel.

Jho :  Hubad na.

Bea :  Huh?

Jho :  OA mo.  Meron din ako nyan!

Namula si Bea. 

Bea : Ako na, kaya ko pa naman linisin ang katawan ko.

Tumayo agad si Bea at kinuha ang damit na kinuha kanina ni Jho sa closet nya.  Pumasok na sya ng banyo.

Napangiti na lang si Jho.

Jho :  Arte naman.  Magkapareho lang naman kami.

Hinanda na ni Jho ang pagkain sa mesa.  Naglagay na rin sya ng tubig.

Paglabas ni Bea ay namumula na ang mukha nito.

Jho : Upo ka na.

Nagdasal na sila.

Jho :  Nalipasan ka yata ng gutom.

Bea :  Di ako nakapag lunch kanina.  30 minutes lang kasi ang vacant ko.  Malayo pa ang building ng susunod na class ko.

Jho :  Bakit yan ang pinili mong sched?

Bea :  E, wala si sir necs week, travel sya.  Kaya nag double class sya ngayon.

Jho :  Pahamak naman yan!  Ikaw napeperwisyo!

Bea :  Hayaan mo na.

Jho :  Nganga!

Napanganga na lang si Bea.  Para kasing galit ang boses ni Jho.

Bea :  Are you mad?

Jho :  No!

Bea :  You are mad.

Jho : Pinapabayaan mo kasi ang sarili mo!  Irreplaceable ang mga sarili natin kaya dapat pakaka ingatan.  Sana.  Sana nagbaon ka na lang ng sandwich kanina.

Bea :  Sorry.

Jho :  Bakit ka ba nagso sorry?

Bea : Galit ka, e.

Jho :  Pinag alala mo kasi ako!

Bea :  Sorry na nga.

Jho : Okey.  Inom ka ng juice.  Higupin mo ang soup na ito para pagpawisan ka.

Sumunod na lang si Bea.  Baka magka world war pa pag umalma pa sya.

Pagkatapos nila kumain ay nagligpit na si Jho.

Jho :  Inumin mo ito.  Para di matuloy ang lagnat mo.

Bea :  Thanks, Jho.

Jho :  Your welcome!  Higa ka na. 

Humiga naman si Bea.  Kinumutan sya ni Jho at hinalikan ni Jho sa pisngi nito.

First time sya hinalikan ni Jho.  Parang nakoryente sya.

Uminit naman ang mukha nya sa ginawa ni Jho.

Lord.  No, please.

Jho :  Goodnight, bhe.

Bea :  G-goodnight, Jho.



Memory LaneWhere stories live. Discover now