Part 16

85 5 4
                                    


Pinagpatuloy ko lang ang boring kong buhay.

Bumabangon dahil kailangan.  Kumakain dahil nagugutom.

Pumapasok sa office dahil wala namang ibang gagawin.

My lola pala has given me an  inheritance.

So, I don't need to work.

I will live comfortably without having a job.  But, nakakasawa naman mag gala o tumambay lang sa bahay.  So, I chose to work.  To kill the boredom.

Naubos na ang chocolate ko sa personal ref ko kaya dumaan ako sa grocery.

Kumuha na ako ng hersheys.  Belgian chocolates.  Nakita ko ang cadbury.

Naalala ko na naman sya.

Kaya ayaw ko magpunta ng mall dahil sigurado may magpapaalala sa akin sa kanya.

Wala sa isip ko na kumuha ng madaming cadbury chocolates.

Kumuha na rin ako ng sari saring chips at nagbayad na ako.

Nag ikot ikot muna ako sa mall.  Ehersisyo na rin, malamig pa.

Napahinto ako sa paglalakad at nakatitig lang sa babaeng naglalakad palapit sa akin.

She wears shorts and white shirts.

Parang nong college lang kami.

She looks young pa rin, but, there are bags around her eyes.

Napahinto rin sya sa tapat ko.

Nagtitigan lang kami ng ilang segundo.

Finally, I find my voice.

Bea :  Hi!

Ngumiti na rin ako.

Jho :  Hello.

Bea :  Galing training?

Jho :  Oo.

Bea : Galingan mo, ha?

Napangiti sya.

May kinuha ako sa paper bag at ibinigay sa kanya.

Bea :  Here.  Chocolates.  Favorite mo pa rin 'to?  Nakita ko kasi kaya kumuha ako.  Makikita pala kita ngayon.

Jho :  W-ag na.

Bea : I insist.  Kailangan mo ng energy lalo na during training.

Kinuha na rin ni Jho ang madaming cadbury.

Jho :  T-thank you.

Bea :  Your welcome.

Jho :  Mag isa ka lang?

Bea : Yeah.  Galing ako sa office at dumaan lang para mag buy ng chocolates.  Naubusan na kasi ako ng stock sa ref ko.

Jho :  I see.

Nagtitigan na naman kami.

I miss her.

I miss her so much.

Jho : Hmn.  K-kain tayo.

Bea : Okey.

Naglalakad na kami at nag iisip kung saan kakain.

Jho :  Gutom na gutom ako, e.  Pamatay na naman training namin.

Bea :  Buffet?

Nagliwanag naman ang mukha ni Jho.  Parang bata lang.

Sa Vikings kami kumain.

Madaming kinuhang pagkain si Jho.

Lamon na talaga ito.

Magana na kaming kumain.  Nakatingin lang ako sa kanya.

Sinusulit ko ang moment habang kasama ko pa sya.

Pumayat yata sya.

Bea :  You should eat more.

Jho :  Dahil payat ako?

Bea :  Opo.

Jho :  Secsy lang ako.

Bea :  You look thin to me.

Jho : Okey.  Nagkasakit kasi ako.  Kakabalik ko lang sa training namin.

Bea : I am glad that you are well na.  Kain ka lang ng kain, ha?

Jho :  Oo naman!

Bea : How are you?

Jho : Okey naman.

Bea : Kayo ni Nico.

Jho : Okey din kami.

Bea : Good to hear.

Jho :  Wala ka pa ring jowa?

Bea :  May jowa na ang gusto ko.

Nag ngitian na kami.

Jho :  Sira!

Bea :  Yeah.

Jho :  Agree ka na sira ka?

Bea :  Okey lang maging sira.  Masarap kaya magmahal.

Jho :  Ewan ko sa yo.

Bea :  Mabuti at naka recover ka na sa injury mo.

Jho :  Not 100% pa rin.  But, going there na.  Ingat na ingat ako sa pagtalon.  Baka wrong landing na naman.

Bea : Practice your landings.  Nakakakaba kasi mga landings mo.

Jho :  Naka concentrate kasi ako sa pagpalo.  Nakakalimutan ko ang pag land ng tama.

Bea : Practice it.

Jho : Bakit di ka na naglalaro?

Bea :  Nakakasawa na rin.

Nanlaki ang malalaki na nyang mata.  So cute.

Jho : Love na love mo kaya volleyball.

'Dahil iniiwasan na naman kita.'

Yon ang gusto kong sabihin kay Jho.

Bea :  I need to try some other things.  Di naman ako bumabata.

Jho : E, bakit kami?  Mga until 30 or 32 lang naman ang volleyball. Tapos, ibang work na naman until retirement.

Bea :  Nagsawa na nga ako.

Jho :  Di ako naniniwala.

Nagkatitigan na naman kami.

Ako ang unang nagbawi.

Bea : Bahala ka.

Inihatid ko si Jho sa car nya and nabigla ako ng e hug nya ako.

She kiss my cheeks pa.

Jho :  Di mo ako hahalikan sa noo?

Natawa naman ako.

Hinalikan ko na sya sa noo nya.  Nakita kong napapikit sya.

I almost cried kissing her forehead.

Ang tagal na di ko ito nagagawa sa kanya.

It hurts so much.

Jho :  Thanks for dinner!

Bea :  Your welcome.  Ingat ka.

Jho : I will!

Sumakay na sya at pinaandar na ang kotse nya.

Nakatingin lang ako sa papalayong sasakyan ni Jho.

Matagal akong nakatayo at nakatanaw pa rin kung saan nawala na ang kotse nya.

Malungkot na akong nagpunta sa kotse ko at nag drive.

Hay.


Memory LaneWhere stories live. Discover now