Pag nasa room sila Bea at Jho ay puro kwentuhan at biruan silang dalawa. Minsan naman, kapwa lang sila tahimik. May kanya kanyang ginagawa.
Gumagawa ng assignment. Nagpapa music o nagbabasa.
They played some games, too. Minsan kasali ang ibang ALE or movie marathon.
Nagagawa nila yon pag training lang meron sila. Pag sem break.
May mga times na nagtu tutor si Bea kay Jho. Well, matalino naman kasi si Bea.
She wants to be doctor sana. Pero, napakatagal bago maging doctor kaya business course na lang kinuha nya.
Nagugustuhan na rin nya ito. Manang mana sya sa daddy nya. Businessminded.
Jho : Maasahan ka talaga, bhe. Iba na ang may ka room mate na matalino!
Bea : Thank you, thank you!
Nag bow naman si Bea.
Jho : Alam mo? Di pa kita nakitang nagalit! You always have a ready smile for everyone! English yon, ha?
Natawa na silang dalawa. Bihira lang si Jho magsalita ng English. Marunong naman sya syempre! Hiyang lang talaga sya sa Tagalog.
Bea : I am willing to help naman, always. Maliit na bagay.
Jho : Treat kita ng meryenda, bhe. Lika na!
Nagpahila na lang si Bea kay Jho. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay nya.
Sa yellow cab sila kumain.
Bea : Mahal yata dito.
Jho : Okey lang yon! Mahal naman kita, e!
Namula si Bea sa sinabi ni Jho.
Jho : As friends!
Bea : Akala ko, hahahaha!
Dumating agad ang order nila at kumain na sila.
Jho : Napansin ko lang, bihira tayong magkasama na tayong dalawa lang. Oo, nagkakasama naman tayo sa galaan pero as a group.
Bea : Mas masaya pag marami.
Jho : So, di ka masaya ngayon?
Bea : No. Masaya ka kaya kasama at kausap. No boring moments. Kahit nga tahimik lang tayo pareho, e.
Jho : Feeling ko, parang close na tayo, pero parang hindi naman.
Bea : Ano yon? Meron bang ganon?
Jho : Oo. Tayo.
Bea : Magkakaibigan tayo.
Jho : But, palagi ka tumatanggi pag niyayaya kita kumain sa labas o tumambay lang.
Bea : B-because I don't want to f-fall in love with y-you.
Binitawan ni Jho ang pitcha na hawak nya and she cross her arms.
Jho : Ayaw mo ma in love sa akin?
Bea : Yes.
Jho : Hello? Kakain lang naman tayo. Mamamasyal, ganon.
Bea : Don naman nagsisimula yon di ba?
Jho : Na conscious na tuloy ako sa yo. Di naman ako ma i in love sa yo, e. Kaya kahit ma in love ka, no effect pa rin.
Bea : I am just taking care of my heart. And I know that you are straight. Never pa ako na in love sa hindi straight.
Jho : O?
Bea : Yeah.
Jho : Mapili rin pala ang puso mo.
Bea : I don't know.
Jho : Ang dali mo pala ma in love.
Bea : Nope. Pag gusto ko ang isang tao, gusto ko. At di ka naman mahirap mahalin. May sense of humor kahit sa mga ka close mo lang. Slim and secsy. Mas matangkad ako sa yo. Maganda ka rin. At ang importante, mabait.
Namula na si Jho. Di nya alam na ganon pala ang tingin ni Bea sa kanya.
Jho : So, in love ka na sa akin?
Bea : Hindi pa. But, I like you a lot.
Jho : Hmn. Papunta na yon, a!
Bea : Kaya nga. I limit the time that I am with you. Alone.
Jho : Paano yan? Magka room mate tayo?
Bea : Tulog naman tayo parati. Tsaka, ayaw ko rin na malayo sa yo ng tuluyan. We are friends, right?
Jho : Right. Watch tayo ng movie after dito.
Napataas ang kilay ni Bea. Natawa naman si Jho.
Bea : You are.....
Jho : What?
Bea : Wala.
Nag kwentuhan pa sila. Di na seneryoso ni Jho ang sinabi ni Bea. Akala nya na nagbibiro lang ito.
They watched a movie later.
Jho : Madali lang sa iba ang ma in love. Makilala nila tapos magiging magkaibigan, magliligawan, maging sila. Tapos after many years magpapakasal. Simpleng buhay lang. Ang iba naman, may heartbreak o mga heartbreak muna bago makilala ang para sa kanya.
Bea : Maybe, you need to learn your lesson first.
Jho : Kailangan masaktan muna?
Bea : Hurts makes us stronger. Not weaker.
Jho : Ikaw na talaga!
Bea : I love to read din kasi.
Jho : Matanong nga kita. May hindi ba maganda sa yo? Wala kasi akong makitang pangit sa pagkatao mo!
Bea : Hahahahaha! Lahat ng tao may maganda, may pangit din. Di mo pa naman ako kilala. Wala pa ngang isang taon na magkakilala tayo.
Jho : Basta.
Bea : Uwi na po tayo.
Jho : Okey.