Friday ngayon at wala silang training. May meeting daw ang mga coaching staff. Maagang nagising si Jho. Napatingin sya agad sa kama ni Bea. Mahimbing pa itong natutulog at balot na balot ng kumot.
Kinapa nya ang noo ni Bea.
Normal na naman ang init nito.
Di natuloy ang lagnat nya.
Napangiti si Jho.
Pumasok na sya sa banyo para maghilamos at toothbrush. Pagkatapos ay bumaba na sya.
Nagluto sya ng breakfast. Sinangag, eggs, bacon at hotdog. Nagtimpla na rin sya ng gatas.
Jho : Bhe, gising ka na. Breakfast is ready!
Di pa rin gumagalaw si Bea.
Jho : Bhe. Wake up ka na. Lalamig na niluto ko.
Hinimas himas nya ang balikat ni Bea.
Gumalaw naman ito.
Bea : Hi. Good morning. Aga mo yata.
Jho : 7:30 na po.
Bea : Wala naman tayong training ngayon.
Jho : Kailangan mo kumain ng maaga para makainom ka ng gamot at para mas lumakas ka pa!
Bumangon na si Bea. Nag banyo muna ito pagkatapos ay umupo na sa harapan ni Jho.
Jho : Inumin mo ang gatas.
Bea : I don't drink milk.
Jho : Iinumin mo yan ngayon!
Bea : Very strict mo naman.
Jho : Hoy! Para sa ikabubuti mo yan!
Napa roll na lang ng eyes nya si Bea at ininom na ang gatas.
Jho : Walang tira, ha?
Bea : Opo.
Nilagyan na ni Jho ng pagkain ang plate ni Bea.
Jho : Kain na.
Naglagay na rin si Jho ng pagkain sa plate nya.
Bea : Sarap ng luto mo.
Jho : Simpleng almusal lang naman ito.
Bea : Masarap pa rin. Usually, I don't eat rice sa morning. Pero, napakasarap ng fried rice mo.
Jho : Binobola mo pa ako. Kain ka pa.
Bea : Opo, boss.
Jho : May pasok ka today? Pahinga ka muna.
Bea : Wala akong class whole day. May lakad ang prof ko.
Jho : Ako din. Walang class.
Bea : Thank you for taking care of me.
Jho : Room mate tayo kaya, dapat alagaan natin ang isa't isa.
Bea : Hmn. Treat kita ng lunch. Tsaka kahit anong gusto mo.
Jho : Sure ka?
Bea : Yes!
Jho : Naku! Baka magsisi ka!
Bea : Nope. Malaki ang budget ko.
Jho : Yabang! Porke rich kid!
Bea : Di ba palagi mo ako niyaya na lumabas? Ito na yon.
Jho : Akala ko ba ete treat mo ako? Di kasali dito ang pagsama sa akin pag inaaya kita!
Bea : Sure, okey.