The gossip worsened.
Hingal na akong tumatakbo ng five laps sa isang Oval dito malapit sa escuelahan. Last subject ang PE at mabuti na lang dahil pakiramdam ko ay baka hindi pa tapos ang oras ay nangangasim na ako!
Nagtatagiktikan na ang pawis ko nang matapos ang ilang nakamamatay na laps. Mas gugustuhin ko pang mahimatay sa kaharap ang numbers kaysa mahimatay na kinakalaban ang impyerno!
Nang makarating sa designated benches ay naringgan ko na naman ang pangalan ni Lorenzo Felerienzeno-Escalaez. Walang tapos ang talak ng tao. 'Di na yata mabubuhay ang mga ito nang hindi napapakealaman ang buhay niya.
I sighed heavily.
The rumors have gotten worse, as they blabbed around.
Simula nang napatagal ang absent niya sa klase at pagd-drop ng isang minor subject ay halos lahat sila'y naga-assume na magd-drop na siya bago matapos ang preliminaries ngayong last semester.
Some professors are disappointed in him. Isa na siya sa tumatakbong latin honors pero mukhang mauudlot pa 'yon. Like what Eunice said, he protects his studies, but I guess he loves his mother more than his dreams.
Ang ilan ay gustong bumisita at magbigay tulong pero natatakot tumawid sa sumpa ng kamalasan.Professors supported him with setting up his schedules, yet they allege he refused aside their offer.
Pinapalabas na sobrang naghihirap na ang pamilya nila. Lumalala na ang sakit ng Ina niya at parang hindi na maaagapan ng gamot. Help was late attended. Nasa binggit na raw talaga at segurado na. And they assume if his mother dies, he'd continue studying.
Masyado lang silang OA. He doesn't drop any of his majors yet. Magbabago pa ang isipan niya. His mother might survive the fight unexpectedly by asking for a miracle. They should not shower in negativity na magreresulta ng possitivity. People who believe in them need to pray... not to write what's yet unwritten.
"Let's go, boys! Ten lapse!" Ani ng bakla naming professor bago tumakbo sa gilid ng bench malapit sa starting line.
"Ang init! Ubos na bote ko!" Eunice beside me ranted. "Shocks! 'Di ko na talaga kaya! P'wede bang magpalit na muna ng white tee shirt? Nakalimutan ko perfume sa boarding house!"
Matapos ang sampung lapse ng boys ay pinauna na kami. Dumeretso kami sa gym dahil nando'n na naman ang mga gamit namin. I found my bag beside Eunice's. Dinampot ko 'to bago tinilapon ang sarili kungsa'n na lamang.
"Saan tayo after nito?" She asked exhaustedly.
Ngumuso ako, hingal na hingal pa rin. "Kahit saan!" I paused breathlessly. "Tusok-tusok kaya?"
We both agree with my idea. Wala na kaming ibang naisip kun'di ang kumain na dahil gutom na gutom na rin! Ikaw kaya tumakbo sa malaking oval na 'yon. Swerte't ko hindi pa ako nahimatay doon. Nakakainis pa naman ang pagkakaguluhan ko tapos dudumugin 'pag nagising. Iyon na nga lang ay kung may pake ang mga tao sa 'yo.
Dumeretso kami sa mga stalls at vendors at naghahanap ng pwesto para makapagsimula nang magtusok-tusok. May kwek-kwek, fishball, kikiam, squidballs, hotdogs, ice tubig, 'tsaka palamig.
Dinumog na rin ang ilang vendors na may mga isaw at dugo. Gusto ko sana ng dynamite kaso dinudumog na rin. Mabuti nga't tapos na ang klase ng mga highschool sa katabing escuelahan namin.
"May Sarmiento na palang papasok dito!" Ani Eunice.
Nagtaas kilay ako. May nakasalpak pa na kwek-kwek sa bibig niya nang magsisimula na naman siya ng tsismis niya. I nudged the side of his waist. Baka mamaya ay dumugin din kami ng iba pang kapwa-tsismosa niya.
YOU ARE READING
Call from the Wind
RomantizmIN 90's YEARBOOK SERIES #1: First Installment Lorenzo Felerienzeno story. 1 of 6.