PROLOGUE

39 10 1
                                    

Trigger Warning: Curse words ahead

Alejandro's POV

"Tignan mo si Jandy our friendship, may nakuha na namang love letter sa secret admirer niya!" Nang-aasar na aniya ni Venice bago ako tinapunan ng tansan na nasa mesa. Natamaan pa ako nito sa noo, dahilan upang samaan ko sila nang tingin. Ang mga walang kwenta kong mga kaibigan ay nagsitawanan lang.

"Magpahanggang ngayon ba, hindi mo pa rin alam kung sino ang nagpapadala sa'yo nang nakakadugong mga love letters na 'yan?" tanong naman ni Calvyn habang ginawa na atang tubig ang beer. Hindi naman halatang adik sa alak ang isang 'to, pero kahit ata ilang beer na nasimot nito hindi parin nalalasing, nangangatok nga lang sa hindi niya bahay.

"Jandy, gusto mo i-shout out natin kung sino man 'yan?!" Napatalon sa mga kinauupuan nila si Venice, Love, Kier, at Calvyn dahil sa biglang pagsasalita ni Rain sa mikropono kung saan sya sintonadong kumakanta. "Tangina mo ka, Rain! Baka tuluyang umambon sa labas dahil sa'yo!" Sigaw ni Love na kapatid niya sabay tapon sa direksyon ni Rain ng tansan.

"Love, lasing na ata si Heart." Nakangising sabi ni Venice kay Love na magpahanggang ngayon ata ay hindi magawang tanggapin ang ipinangalan ni tita Amore sa kanilang dalawa dahil sa pagkakasalubong ng kilay niya. "Tigilan mo' ko, Venice." Aniya ng huli na ikinahalakhak naman nito.

Gusto kong matawa sa hitsura ni Love. Yes, lalaki po si Love. Para lang aware kayo. "Tangina niyo! Tigilan niyo ang pagtawag sa'kin sa first name ko!" Doon kami natawa sa sinabi niya bago ito tumayo at pinuntahan ang kapatid na kulang na lang ay maglupasay sa sahig habang kinakanta ang birit song ng AEGIS na Ulan.

"Tanginang Heart, parang nagkakulili ata tenga ko sa pagka sintonado niya." Kinakalikot pa ni Kier ang tenga niya. Natawa si Venice bago bumaling sa'kin. Hindi pa pala ako nakatakas sa isang 'to.

"Akala mo may kawala ka?" Nakangising saad ni Venice bago bumaba ang mga mata nito sa love letter na nasa table. Nagkibitbalikat ako.

"Inang chismoso ka," sabi ko dahilan upang matawa si Kier at mangisi naman si Venice. Wala talagang balak na tantanan ako eh. "Hinding-hindi ka niyan tatantanan, Jandy." Aniya ni Calvyn bago tinungga ang beer na hawak.

Tinignan ko ulit ang love letter saka napatingin sa dulo ng papel. Hindi pinapansin ang pangungulit ni Venice at ang pag-iingay nila Rain at Love sa mini stage.

"...A poet's love on September," I whispered.

Sino ka ba?

SERIES I: SECRETS OF A LOVE LETTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon