CHAPTER 10

7 5 0
                                    


Alejandro's POV

"The book of poem entitled: Secrets of a Love Letter, gained multiple attention in different media platforms after the poet confirmed that all of her words in the said book are confessions for this specific person that captured and held her heart captive...here's more..."

"Ibang klase pala 'yang admirer mo. A famous anonymous poet pala 'yan eh, kaya pala nakaka-nose bleed ang mga choice of words niya, mapa Filipino o English man." Untag ni Kier na nakikichismis pala sa likod ko. Pinaalis ko sya sa likod ko habang natatawa lang siya. Tangina nito, apaka active kapag chismis.

And since it's Saturday night right now, ayun at may pa-open mic ang Retro at ang nangunguna na naman ngayon sa stage na nagmumukhang lasing ang walang iba kundi si Rain. Natatawa na lang ang ibang customer dahil sa pinagagagawa ng loko. Kulang na lang lumambitin na sya sa mic stand sa sobrang carried away niya sa kantang 'Favorite Girl' ni Justine Bieber.

"Malapit na talaga syang itakwil ng nanay namin eh," Napapailing na aniya ni Love na kakarating lang at agad na tumabi sa'kin habang nakatingin sa direksyon ng kapatid niyang akala mo ay may tf na binibigay si Kier dahil sa pagbibigay todo nito kung kumanta, nginang 'yan aakalaing may concert dito sa loob eh. At dahil supportive ang may-aring si Kier ayun at binigyan niya pa ng lighting si Rain na mas lalong ginanahan sa pag-emote habang may hand effect pa ng kamay nitong tinuturo ang random na mga babaeng narito.

"Kaya nababansagang cassanova ng nanay niyo eh," I chuckled while saying it to Love na napabuntonghininga na lang. "Tangina, wala pa 'yang amats sa lagay na 'yan. Ibang klase talaga." Namamangha na may pagkasarkastikong sabi ni Love na tinutukoy ay ang kapatid nito.

Napatingin ako sa direksyon ni Kier na nakaplastada na ang hawak na cellphone sa kamay habang pabirong inilalapit ito sa mukha ni Rain na sinakyan naman ang kalokohan ni Kier at umarte pa habang nakatutok sa mukha niya ang phone ng huli.

"Mga gago," Aniya ni Love dahilan upang matawa ako ng tuluyan.

"Uy chix! Hello mga chi—Aray Kier! Anyway, Pasok kayo, welcome sa The Retro...ayan ginawa ko na trabaho mo, ikaw pa may ganang mambatok." Rinig ang sinabi ni Rain sa mic dahilan para malukot ang mukha ni Kier at batukan ulit siya. Mga walang magawa sa buhay itong mga kaibigan ko.

"It's Castiel, Jayce. Oh, wait, who are these beautiful ladies na kasama niya?" Lumingon ako sa direksyon nila Castiel na hindi na maipinta ang mukha habang nakatingin sa mini stage kung nasaan si Rain at Kier. Nakita kami ni Cas paglinon nito sa direksyon namin dahilan upang ngumisi ito na nakapagpayamot sa'kin.

"Sino sa dalawang babae kahapon ang sinabihan mo ng Ms. Poet?" I asked her.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagkurba ng ngisi nito sa sulok ng kanyang labi.

"I know you know something, Castiel..." I added. She crossed her arms habang ang ngisi ay hindi parin nabubura sa labi niya. Parang gusto kong mangalmot.

"I do." She confirmed.

"I know who's whom, but... It's for you to find out. Tignan natin kung hindi ka maligaw." At ayun na naman sya sa matalinghagang salita niya bago ako iniwan ng mag-isa sa mini garden nang walang nasasagot sa sinabi niya.

Ang sarap niyang ipakain sa pating ni Calvyn. Tangina mo talaga Castiel!

"Hello, Love. Hello, Mr. CEO," Bati ni Cas nang makalapit sa table namin.

"Taray, maypa Love kana ngayon Cas ah, jowa mo?" Aniya ng babaeng katabi ni Cas na ikinatawa lang ni Love at Cas. Napatingin ako sa babaeng nasa likod ni Cas, she has this poker face habang nakatingin sa stage, nakita ko pa ang pag-taas ng kilay nito bago humarap sa direksyon namin dahilan upang magtagpo ang mga mata namin. She immediately avoided my gaze in a way na hindi mahahalata ng kung sino mang makakita.

SERIES I: SECRETS OF A LOVE LETTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon