Georgina's POV
"Ano balak mo sa mga bubwit na 'yon?" Vicky asked while checking the vitals of a bedridden patient. Napabuntonghininga ako. Wala sa loob na tumingin sa folder na hawak ko. "Doctora Vohn, eh, bakit naman ho kayow nakakunot-noo eh? Sayang ho ang ganda niyow," Napangiti ako dahil sa accent ng matandandang pasyente na kumausap sakin. I lowered my gaze and smiled at her.
"Ikaw, Nanay Ysa, may taglay karing pagka-chismosa eh," Untag ni Vicky habang naglalakad palapit sakin. Napahagikhik ang ginang sa sinabi ni Vicky. "Eh, sisihin niyo ga ang nag luwal saken, siya naman ang nag lihi saken sa mga marites sa amen, hindi naman akow..." Lumabas ang puntong batanggas nito na ikinatawa naman namin ni Vicky.
"Doctora Vohn, kelan ka po magkakaanak?" Napatakip ng bibig nito si Victoria, habang nasamid naman ako kahit wala akong iniinom. "Magaling ka rin sumegway nanay eh! Apir nga dyan." Bungisngis na naman ang magaling kong kaibigan bago nakipag-apir sa matanda.
"Jusko nay, wala nga po akong jowa, anak pa kaya?" I said bago naiiling na tumingin sa vitals ni nanay nan aka-record sa metal folder na hawak ko.
"Naku, areng bata ine, kailangan mo ga magka-anak na hija, malapit ka ng lumampas sa kalendaryo." Kung hindi ko lang alam na nang-aasar ang matandang 'to, malamang kanina ko pa ito nabugahan ng mga sarkastikong lintanya ko sa buhay.
"Tomo ho kayo dyan—Aray!" Ngumiti ako sa matanda habang nakakurot ang kamay ko sa tagiliran ni Vicky na walang ibang ginawa kundi ang tumawa. Kabagin ka sanang bruha ka.
"Stable naman ho ang vitals niyo..." Pero ang sakin ay malapit nang magwala. "Babalikan ko na lang ho ulit kayo para sa check up niyo mamaya," I said politely to the old woman na maganda ang ngiting isinukli sa'kin. Hinila ko na si Vicky sa suot niyang lab coat palabas sa ward ng mga matatanda.
Doon ko siya binatukan na ikina-aray niya pero nando'n parin ang pilyo nitong ngiti. "Alam mo, para kang girl version ni Rain Guevarra pagdating sa kakulitan." Nawala ang ngiti niya at inikutan ako ng mata, I chuckled.
"Don't mention that name to me. Nakakainis ang pagmumukha no'n." Aniya ng naka simangot. Naglalakad kami sa hallway ng hospital. "Gwapo naman si Rain ah," I said. Well, hindi ko naman i-de-deny ang katotohang iyon. In fact, sila magkakaibigan ang gaganda ng lahi. Alam na alam mong hinding-hindi mag se-settle sa isa.
"May sinabi ba akong ka-mukha niya si Golum?" Ayun, bumalik din ang pagkasarkastiko ni Vicky bago naunang maglakad sakin kaya hinabol ko na, badtrip eh. Hahaha.
"Doctora Vohn, Doctora Grace." Nagkatinginan kami ni Vicky nang bumungad sa harapan namin ang stressed na mukha ni Zari. "Oh? Bakit parang hinabol ka ng demonyo sa itsura mo?" Walang prenong saad ni Vicky dahilan para mapabusangot ang mukha ng nurse ko. Napakamot ako sa kilay ko. "Grabe ka naman, Doc. Hindi ba pwedeng bumagyo lang sa labas?" Sarcastic din 'tong si Zari. "Bakit di ka naanod?" Natawa na ako ng tuluyan sa sinabi ni Victoria.
"Hindi ko kinuha ang sausage mo sa fridge uy. Ampalaya ba pinapakain sa'yo sa cafeteria? Di ka ata paborito ng cook dito." Ayun lang saka kami nilagpasan ni Zari. Sinundan ko ito nang tingin at nakita kong inaayos nito ang buhok na akala mo pinugaran ng mga sisiw sa gulo.
"Itong nanay ko, gagawa-gawa ng bata sa iba, iyon pang kaugali ko." Itinikom ko ang bibig bago pa ako bumunghalit ng tawa. Napaka balasubas talaga ng bibig ni Victoria. "Uso kasi ang 'Taste your own medicine' sa motto ni Tita," She glared at my direction. "Isusuka ko pa ang putanginang gamot na 'yan. Letse!" Mataray na aniya before she flipped her long hair na nakain ko pa ang ibang hibla kaya napasigaw ako. Tumawa lang ang bruhilda.
Zariyah Margarette Gosiengfiao or no other than Zari the nurse is Victoria Grace De Franco's half sister, ako lang ang nakakaalam no'n since ako lang naman ang kaibigan ni Vicky. Kaya close na rin sakin si Zari at hindi takot sa pagmamaldita ko. She's 3 years apart from our age pero dahil nasobrahan sa talino kaya ayon, maagang naka graduate sa BIS manila.
"Doctora Vohn, Doctora Grace... may naghahanap po sa inyo sa waiting area ng hospital sa first floor." Ibinaba ko sa nurse station ang metal folder at gano'n din si Vicky. Namulsa ako sa suot kong lab coat. "Multo o bangungot? Kung ka-anak 'yan ni Barakuda, sabihin mo umuwi na kamo siya sa kaharian nila sa dagat." Napakamot ng leeg ang nurse na nakalagi sa station dahil sa sinabi ni Vicky. Meron kasing naging psyente si Vicky dati na na-inlove sa kanya pero sobra ang pagkadisgusto niya rito. It's not about the appearance of the guy dahil may itsura naman ito, sadyang ang pag-uugali nito ang ayaw na ayaw ni Vicky. Kaya nabansagang barakuda ni bruha dahil ewan ko sa kanya.
"Nagpakilala ba?" Tanong ko na lang dahil nawalan ng sa mood bigla si Vicky. Naghihintay lang ito sa sasabihin ng nurse. "Opo. Kilala niyo raw po sila. Alejandro and Rain daw po ang pangalan nila. May kasama pa po itong isang lalaki na hindi naman po ibinigay ang pangalan sa lobby." Nagkatinginan kami ni Vicky bago ako nito inikutan ng mata saka naunang maglakad patungo sa elevator ng second floor pagkatapos magpasalamat.
"Thank you, nurse." I said na ikinangiti lang nito bago dali-daling tumabi kay Vicky.
Tahimik lang kami hanggang sa makalabas kami ng elevator.
"Hindi mo naman siguro binaha ng love letter ang mail box ni Alejandro hindi ba?" Untag ni Vicky sakin. I rolled my eyes. She chuckled.
From where we are standing nakita naming ang tatlong matatangkad na lalaki na nakatalikod sa'min. Namulsa ako sa lab coat na suot bago kami lumapit sa direksyon nila.
"What are you doing here?" I asked, dahilan para mapalingon ang tatlo sa'min. Agad lumapit si Alejandro sakin kaya parang tinatambol ang puso ko habang nakatingala sa kanya.
"Kaya naman pala humirit na pumunta rito eh. Hi, I'm Caelum Venice Montresor, one of Alejandro's friend. At mukhang wala akong balak na ipakilala ni Jandy kaya ako na lang ang mag vo-volunteer." Ani Venice saka inilahad ang kamay para makipag shakehands sakin na tinanggap ko naman. I smiled. "You must be Georgina Vohn Alegre," Ang hindi ko inaasahan ay ang paglapit ng labi nito sa tenga ko.
"Nice to formally meet you, Ms. Poet..." Sa isang iglap nawala si Venice sa harapan ko habang naniningkit naman ang mga mata ni Alejandro sa kanya. Hinila pala nito palayo si Venice sakin.
"Watch the distance, Venice." Aniya ni Alejandro na ikinatawa lang ni Venice bago ako nito kinindatan. Parang lalabas na ata sa lalamunan ko ang puso ko dahil sa pagtibok nito. Shit. Shit. Shit.
Paano nito nalaman na ako si Ms. Poet?! WTF!
BINABASA MO ANG
SERIES I: SECRETS OF A LOVE LETTER
Romance"A poet's love on September..." What will happen when the strict CEO met his persistent admirer in a white lab coat and has a very sarcastic mouth to ever exist--when she's a very opposite person when it comes to what her love letters were spoken a...