CHAPTER 4

15 8 0
                                    


Alejandro's POV

"Hey, yow, Alejandrowww!" Napailing-iling ako sa taong kung bumati ay akala mo tambay sa kung saang kanto. Nanliit pa ang mata ko nang biglang humambalos sa likod ko ang kamay niya. Taeng mabango, ang bigat ng kamay ng babaeng 'to!

"Ang sakit talaga nang pambungad mo, Castiel. Semento ba ang ipinag lihi ni Tita Camile sa'yo no'ng pinagbubuntis ka niya?" Sarkastikong sabi ko sa kanya na ikinangisi niya lang, hindi man lang natinag sa panliliit ng mga mata ko. Kung mga empleyado 'ko 'to, nagsipulasan na agad makaiwas lang sa paniningkit ng mata ko.

"Di uubra sa'kin ang pagiging chinitong hilaw mo, Ale. Tandaan mo, naging crush mo 'ko no...!" Hindi natapos ni Castiel ang sasabihin niya ng takpan ko ang pahamak niyang bibig na ikinangisi niya lang. Tangina talaga! Napatingin ako sa paligid ko at saktong nakita ko ang dalawang babaeng naglalakad patungo sa opposite side ng direksyon namin ni Castiel.

Agad akong hinampas ni Castiel sa kamay dahilan para mapabitaw ako sa kanya at magtatatakbo ito sa direksyon ng dalawang babae na parang bola, tumatalbog. Napatingin ako sa isang babaeng may thick framed glasses na halos sumakop na sa maliit nitong mukha, while her, well I can say that her light brown hair that tucked into a messy bun, are natural. Naka jogger pants lang ito na color gray, habang nakasuot ng white loose shirt. Bakit ngayon ko lang ata siya nakita rito sa compound?

Napatingin ito sa'kin na agad niya rin namang binawi at ngumiti kay Castiel na ang laki-laki ng boses, naka high pitched pa, ngina, pinaglihi rin ata 'to ni tita sa megaphone. Napa-iling na lang ako at naglakad na lang, at noong papalampas na ako ay narinig ko ang sinabi ni Castiel na nakapagpahinto sa'kin saglit.

"So, kamusta ang oplan: Pagbingwit sa atensyon ni Mr. September? May progress na ba, Ms. Poet?" Napakurap-kurap ako sa narinig, hindi ko na narinig ang sinagot ng isa sa mga tinanong ni Castiel dahil may tumawag sa pangalan ko.

"Jandy!" Tanginang timing mo Rain! Sarap mong ihulog sa kanal. Namulsa na lang ako at lumapit sa direksyon niya. Naglakad agad kami tungo sa Retro, ang club dito sa Grandville.

"Jandy, bakit parang gusto mo na atang manuntok? May ginawa ka na naman ba, Hearty?" Napabitaw si Rain sa'kin at pabirong sinakal si Kier na tinawag siya sa palayaw na nagtutunog pambato raw sa pageant ng Ms. Gay. Umupo ako sa tabi ni Venice na tinitigan ako hanggang sa makadantay ang pang-upo ko sa foam ng upuan. Binigyan ko siya ng mapagbirong suntok sa hita na ikinatawa niya at binigyan ako ng isang beer na malamig.

"So, bakit mukhang bad trip ka?" Untag nito sa'kin pagkatapos ko malunok ang unang inom ko. Iniisip ko pa muna kung sasabihin ko ba sa kanya ang narinig ko sa usapan ni Castiel at dalawang babae pero 'wag muna. I'll confirm it myself first.

"May bago bang bumili ng bahay dito sa Grandville?" Taanong ko kay Venice instead. Nagtagpo ang kilay nito. "Huh? Diba dapat sa lahat ng tao, kami dapat ang mag tanong sa'yo niyan since pagmamay-ari niyo ang buong Heights? Not that we really care, though." Naguguluhan na untag ni Venice sa'kin dahilan upang maitungga ko ang beer na hawak. Sarap talaga.

"Ng parents ko, hindi pa nila ibibigay sa'kin ang mana kapag hindi pa ako nakakapag settle down." Napapalatak si Calvyn na nasa gilid ni Venice at nakikinig pala sa usapan namin.

"You and the word settle down? Parang magiging syntax error ang kalalabasan niyan. Kung sa ATM machine pa, decline o kundi freeze, kung sa panliligaw pa busted. Kung sa tanong na 'May tututol ba sa kasal?' parang ikaw na groom pa ang tatakbo paalis." Natatawa si Venice sa pinagsasabi ni Calvyn, na ewan ko ba, kahit nakaka-isang bote pa nga lang ng beer ay parang lasing na dahil sa binibitawang salita.

"At kung sa kompanya mo pa, fired..." tinakpan na ni Venice ang bunganga ni Calvyn habang natatawa parin, inabot ko naman ito ng sipa sa ilalim ng mesa dahilan upang mapa-aray ito. Sa taas kong 6'2, anong silbi ng biyas ko kung hindi ko siya masisipa lalo na't ang lapit niya lang sa abot ko. Natatawang iniwas ni Venice si Calvyn para hindi ko na ito mabatukan.

"Ano bang nangyayari dyan?" malapit nang mapikang tanong ko na ikinatawa lalo ni Venice.

"Dinelubyo." Natawa na rin ako ng tapikin ni Calvyn nang pagkalakas-lakas ang kamay ni Venice bibig nito, saka sinamaan ng tingin ang huli. "Papatayin mo ata ako," Nakangisi lang si Venice bago lumingon ulit sa'kin.

"Ayun nga, dinelubyo sya." Napakunot ang noo ko. Natawa lang si Venice nang sapakin siya ni Calvyn sa braso bago tumayo at nag paalam na papasok sa loob ng opisina ni Kier dito sa Club. Yep, Kierenz Alonzo Montemayor is the owner of The Retro. Yaman ng hayop ano? Haha.

"Hindi naman siguro baha ang tinutukoy mo sa salitang delubyo ano?" If my hunch is right...

Umiling si Venice bago ngumisi. "Babae." Sabi ni Venice.

"Sino?" Calvyn and a woman? Impossible.

"Hannaliza Sofia Guevarra," Napataas ang kilay ko bago napatingin sa direksyon nila Rain na nire-ready na ang mikropono sa mini stage. "Yup, that Guevarra. Pinsan ni Love at Heart. The badass criminal defense attorney who won the unsolved case that takes a lot of hearing way back year 2000 and the present hanggang sa mapanalo ni Liza 'yon no'ng nakaraang buwan, it buzzed on the different platforms and news, you know. Kaya delubyo para kay Calvyn 'yon." I still don't get it.

"Why she would be a bothersome to Cal? May past ba sila?" Hindi naman kasi bothered na tao si Calvyn, unbothered nga ito madalas eh.

"Let's say, the badass attorney wants him back. But with a twist." Aniya pa ni Venice habang natatawa.

Ah. Pero sino 'yong babaeng tinawag ni Castiel ng Ms. Poet? May kutob talaga ako na meron syang koneksyon sa admirer na nagpapadala ng sulat sa'kin eh.

Nginang 'yan, di ata ako patutulugin sa pag-iisip ko ngayon, ah? Tumungga ulit ako ng beer.

***

A: Early grinddddd HAHAAHHAHA morning guys! Masipag mag UD ang ferson kahit sabado lol

SERIES I: SECRETS OF A LOVE LETTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon