Alejandro's POV
Napahawak ako sa sintido ko habang pakiramdam ko hindi nauubos ang laman ng beer na tinutungga ko. Dumampot ako ng tansan saka ito binato sa direksyon ni Rain na agad naka-ilag at saka ngumisi sakin. Kupal, lalasingin pa ata ako nito.
"May balak ka bang mag simula ng WW3 sa ginagawa mo Rain?" Hirit ni Venice sa kung saan bago nito tinampal ang braso ko saka umupo sa tabi ko. "Himala ata at wala ka sa kompanya mo ngayon?" Untag pa ni Venice sakin saka kumuha ng malamig na beer sa case. Nasa The Retro na naman kami.
"Woah, ano't namumugad ka sa club ni Kier ng ganitong hapon at tirik na tirik pa ang araw sa labas?" Sabi ni Love na kakapasok lang sa loob ng club. Sinuntok nito ang hita ni Rain na ikinatawa lang ng damoho. "Ikaw, paglalamayan ka talaga namin ng wala sa oras sa pinaggagagawa mo sa buhay mo eh." Untag ni Love sa kapatid nito. They all know kung paano ako kapag nalalasing. "Ayaw ko pang dumalaw ng kaibigan sa mental pag nagkataon." Ayoko nang i-elaborate ang nangyayari sakin kapag lasing ako. Makuha kayo sa sinabi ni Venice. Tsk.
"May gusto lang akong i-confirm," Sabi ni Rain na agad nakuha ni Venice ang ibig sabihin. Magaling talaga sila kapag nangongolekta ng tsismis talaga eh.
Kumuha ng beer si Venice bago binigay sakin. "Ah, sige inom ka pa dre," Wala akong matinong kaibigan.
"Sabihin niyo nga sakin bakit ko kayo naging kaibigan?" Namamangha rin ako madalas sa pasensya ko eh, sobra na sa pagkaka-stretched kahit hindi naman naka-garterized. Hahaha, tanginang wala sa hulog na joke. Lasing na ata ako eh.
"Kasi nagsagawa tayo ng blood compact noong mga bata tayo, na kahit baliw ang kapatid ko mananatili tayong solid, kahit madalas syang gas." Tumawa kami dahil sa sinabi ni Love. Nakuha agad namin ang ibig niyang sabihin sa birong 'yon.
Nalukot ang mukha ni Rain bago tinignan nang masama ang kapatid. "Bakit ako?! Hindi ako lutang! Si Calvyn lang 'yon uy!" May lumipad na spartan na tsinelas sa mukha ni Rain na ikinagulat namin. Napa-aray ang damoho sabay takip sa namumula niyang mukha. Nagtawanan kami nang sumulpot sa kung saan ang mukha ni Calvyn na kahit pintor na bihasa ata di kayang i-pinta ang mukha niya.
"Dinamay mo na naman ako, Rain." Alam na namin kung sino ang nambato ng spartan sa mukha ni Rain kahit wala pa syang sinasabi. Patuloy ang ingay namin dahil sa mga angil ng tropa nang biglang may sumigaw.
"Uy! Ang ingay niyo! Dinig na dinig kayo sa labas," Bulabog ni Cas na tinignan lang namin, iyong tingin na parang may limang ulo pang tumubo sa kanya.
Si Rain ang unang nakabawi. "Wala ka naman sigurong kilala na pabulong kung tumawa ano?" Cas rolled her eyes bago inihagis sa'kin ang isang papel. A familiar type of paper. Napasipol si Venice sa tabi ko habang nakangisi naman sila Rain.
"Di ka talaga tinitigilan ng admirer mo eh," Sabi ni Calvyn. Tinapik naman ako ni Kier sa balikat. "Hindi kaya si Castiela ang admirer mo, Jandy?" Sabay-sabay ang iginawad na masamang tingin sa kanya ng mga kaibigan namin kaya nanlaki ang mga mata ni Rain.
"Gusto mo ipalunok ko sayo 'yang mga nagkalat na tansan sa table niyo? Kating-kati na akong tuluyan ka eh," Sarkastikong banta ni Castiel kay Rain na agad na drain ang dugo sa mukha. Kakulay niya na ang sukang nakapreserve sa bahay ni Mommy eh. Pinigilan namin ang tumawa sa itsura ni Rain.
"Edi mag shut up na lang ako. Mga walang taste ka-bonding," Bulong ni Rain na parang di naman bulong dahil narinig naman namin.
Pakiramdam ko, nawala bigla ang amats ko dahil sa hawak kong papel ngayon.
"Saan mo nga pala 'yan nakuha?" Tanong ni Calvyn sa kanya. Naging tahimik si Venice sa tabi ko na napansin naman ni Rain at Love. Kitang-kita ko na ang next target ng mga kolokoy.

BINABASA MO ANG
SERIES I: SECRETS OF A LOVE LETTER
Romansa"A poet's love on September..." What will happen when the strict CEO met his persistent admirer in a white lab coat and has a very sarcastic mouth to ever exist--when she's a very opposite person when it comes to what her love letters were spoken a...