CHAPTER 12

3 1 0
                                    


Alejandro's POV

Napatayo kami nang biglang tumaas ang boses ni Georgina habang may kausap sa phone nito. Hindi ko alam na may tinatago pala syang ingay, akala ko silent mode lang sya eh.

"Sige, sige. Please look out for them, papunta na 'ko. Huwag na huwag niyo turukan ng sedative si Elijah, kapag nalaman ko na tinurukan niyo 'yan ng pampatulog, siguraduhin niyong naka-impake na kayo at nakahanap ng ibang hospital na papasukan!" Nagkatinginan kami ng mga kaibigan ko. Napatingin naman ako sa posisyon ni Rain na parang naghehele ng bata sa kalagayan nilang dalawa ni Victoria.

Nagkatinginan kami ni Love na may kakaibang ngiti sa labi. Nabalik ang atensyon ko kay Georgina nang kausapin nito si Rain. Nakita ko kung paano sinipat ng mata niya ang kalagayan ni Rain bago bumuntonghininga.

"Rain, I'm sorry but please take care of Victoria. Emergency lang kasi sa hospital, I need to go there asap. Alam naman ni Castiel ang bahay ni Vicky dito sa Heights. Sa kanya ka na lang magpaturo. I need to go." Aniya bago mabilis na tumalikod at naglakad palabas ng Retro.

I was staring at Georgina's back nang may tumapik sa likod ko kaya napatingin ako sa taong 'yon. "Sundan mo na, mukha ka nang iiyak dyan eh." Pang-aasar ni Castiel bago ngumuso sa direksyon ni Georgina. "Sige na dre, kami na maghahatid kay Victoria. Puntahan mo na kung gusto mo syang sundan." Aniya naman ni Love bago umakbay kay Victoria na ngumisi lang.

"Mukhang tinamaan ka eh," Lakas mang alaska, Rain ah, parang hindi ka natamaan dyan sa babaeng nasa bisig mo. Napailing na lang ako bago sila tinalikuran at sinundan si Georgina na buti na lang ay naabutan ko pa.

I called her name and she turned to face me. "Alejandro..." Kumabog ang puso ko sa paraan nang pagbanggit niya sa pangalan ko. There's something on how she uttered my name, it's like the most natural thing for her to say.

"Bakit? May nakalimutan—?" I cut her words off.

"Ihahatid na kita sa hospital." I said. Her eyes held out confusion.

"Why?" I just want to. Pero syempre di ko sinabi 'yon.

I smiled. "Para narin makilala kita..." Well, that's one of my intention anyway. To know her.

And that's why here I am, maneuvering my car to where she's working at, with her at the passenger seat.

"Sabi mo gusto mo 'kong kilalanin? Bakit parang, nakalunok ka ng bato at di makapag-salita dyan?" I heard her say sarcastically. I smiled secretly.

"May boyfriend ka na?" I asked, syempre, di ko matiis na hindi tanungin.

"May nakikita ka ba?" She fired back. Ngayon ko napagtanto kung bakit magkaibigan silang dalawa ni Victoria eh. Akala ko opposite attracts pero parang sa kalagayan nilang dalawa ni Victoria, similarity attracts ang tirada.

"I don't know, that's why I'm askin—?" My words were cut off short because she suddenly interfere.

"Wala akong boyfriend. I was actually into someone right now," She said dahilan para wala sa planong maapakan ko ang break. Buti na lang naka seatbelt sya dahil masyadong sudden ang pag preno ko.

"Ano ba! Hindi ko pa gusto maging pasyente sa pinagtatrabahuan kong hospital!" She screamed. "Are you kidding?" Napamaang sya sa tinanong ko. Well, I'm eager to know woman.

"Kidding na hindi ko pa gustong maging pasyente? Syempre—!" Sumabat ako sa lintanya niya.

"Ang may nagugustuhan ka na?" Napakurap-kurap siya bago natikom ang labi. Tinaas niya ang kilay sa'kin. Gusto kong mapailing pero hindi ko ginawa.

SERIES I: SECRETS OF A LOVE LETTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon