iii. ang academic life ni
bianca acosta“Kuya! Tulungan mo naman ako!” sigaw ko kay kuya mula sa likuran ng bahay habang binabanlawan ang mga labahan namin.
Kaagad naman siyang tumungo dito sa bakuran pero naka-simangot habang hawak ang cellphone niya. “Ano?”
“Isampay mo'to o! Kung hindi, isusumbong kita kay na nay—”
“Sus! Kaya mo na'yan!”
Bago pa man siya bumalik don sa kwarto niya ay kaagad kong ginamit ang threat card ko na exclusive lang para kay kuya.
“Sige ka! Kung hindi mo'ko tutulungan, sasabihin ko kay Ate Deli na hindi ka maasahan sa bahay, e alam mo naman na ayaw ni ate ng mga ganon kaya for sure, hihiwala—”
“Oo na! Ako na! Dinadamay mo pa bebeluvs ko dito!” inis pero natatawa rin naman niyang ani sabay kuha sa baldeng nasa tabi ko't nagsimula nang magsampay.
Mabait naman talaga itong kuya kong 'to, tamad lang minsan pero kapag binabanggit ko naman ang girlfriend niya ay nagiging motivated siya.
Ganon ba talaga 'yun? Kapag may jowa, magiging motivated ka? Ganon din kasi ang napapansin ko sa iba--sa movie man o sa totoong buhay. Tulad nalang ng kuya ko ngayon na kahit nagsasampay ay naka-ngisi na parang baliw at malamang sa malamang ay iniisip niya si Ate Deli.
Inlove talaga siya, ano kaya pakiramdam ng. . . ganon?
I mean, hindi naman sa gusto ko ring magkaroon ng jowa kasi hindi ko naman kailangan 'yun para magkaroon ng motibasyon sa pag-aaral ko. Sina nanay at tatay naman kasi palagi ang enerhiya ko upang magpatuloy.
Pero hindi ko pa rin maiwasang ma-curious kung ano nga ba talagang pakiramdam. Hindi ko rin naman pwedeng itanong kay kuya kasi malamang ay aasarin niya lang ako.
Siguro ay mas mabuti nalang na huwag ko na lang isipin ang mga ganong bagay at ituon nalang ang atensyon ko dito sa nilalabhan ko.
Nang matapos ko na sa wakas ang paglalaba ay naligo kaagad na nagbihis ng simpleng tshirt at pants. Magpapractice kasi kami para sa zumba na iprepresent namin sa lunes bilang peta sa PE. Active recreation kasi ang lesson namin at naisipan ni Aimee, na leader namin, na zumba nalang daw ang gagawin namin.
Buti nalang talaga ay hindi namin ka-grupo si Alice kasi sigurado akong magpapabida lang yun at i-iinsist kung anong gusto niya na wala naman talagang ambag.
Naisipan ni Aimee na sa skwelahan lang kami magpa-practice kasi pinapayagan naman kami ng guard na pumasok kahit na walang pasok basta ay may parent's consent kami. For practicality na rin kasi ang skwelahan din naman ang pinakamalapit sa bahay namin.
“Kung ka-grupo pa natin si Vergara, ipipilit niya panigurado na doon tayo sa Baccay Gym magpa-practice porket malapit lang sakanila, e tayo?” rant sakin ng ka-grupo ko ring si Maraiah habang nakaupo sa bleachers ng gym namin at naghihintay sa iba pa naming ka-grupo.
Halos lahat ata sa section namin ay inis na inis kay Alice kesyo feeling entitled, bida-bida at sipsip, at totoo naman ang mga salitang iyan tungkol sakanya pero hindi ko pa rin muna nilalagyan ng konklusyon. Tulad nalang ng pagtawag sakanya ng sipsip kasi malapit siya sa mga teachers--sa tingin ko kasi ay kaya ganon kasi mostly sa teachers namin ay auntie niya kaya napalapit na rin siya sa iba.
BINABASA MO ANG
ice cream therapy
Genç KurguBianca, who is struggling with the pressures of life, learns to cope with the stresses of high school, relationships, and being a teenager through an unlikely source: ice cream. Through a series of charming and humorous interactions with a wise and...