iv. ang paborito niyang ube ice cream at ang bagong kaibigan
Alas-sais na pero hindi pa rin ako naka-uwi. Hindi naman dahil wala akong masakyan, ayaw ko lang muna talagang umuwi ngayon lalo na't namamaga itong mga mata ko.
“Sigurado ka bang hindi ka na muna uuwi? Madilim na o?” tanong ulit ni kuyang sorbetero. Kanina niya pa ito sinasabi pero paulit-ulit ko rin naman siyang sinasabihan na: “Okay lang, ayaw ko pa kasi talagang umuwi”
Hindi na siya umimik ulit pero ilang sandali lang ay nag-salita ulit siya.
“I-chat mo nalang pamilya mo—mag-aalala mga 'yun, panigurado”
Nilipat ko ang paningin ko sa kalsada at tsaka huminga ng malalim. Ano namang i-rarason ko kung bakit late akong uuwi? Na namamaga pa rin ang mata ko sa kakaiyak ko at dahil ayaw kong mag-alala sila kaya mamaya pa ako uuwi?
Ay ewan. Ayaw ko rin namang mag-sinungaling kay tatay, at mas lalong ayaw kong sabihin 'yun kay kuya.
Pero tama siya, baka nga mag-alala sina tatay lalo na't madalas namang maaga akong umuwi kaya wala akong ibang choice kundi ang mag-sinungaling kahit ngayon lang.
From: Bianca
hello tay! malelate po ako ng uwi ngayon kasi dadaan na muna ako sa national bookstore para bumili ng pang-project po. uwi na rin po ako mamayang 7At pinindot ko na rin ang 'send' matapos ang pabalik-balik kong pagbasa sa chat na sinend ko kung kapani-paniwala ba ito.
Binalik ko ang cellphone ko sa bulsa at tsaka lumingon ulit kay kuyang sorbetero na ngayon ay tahimik lang ring pinag-mamasdan ang mga dumadaang sasakyan.
Huminga ako ng malalim na sapat na para basagin ang katahimikan namin. Napalingon siya sa'kin dahil dito.
“Uhm, malapit lang ba bahay niyo dito?” tanong ko, hindi ko nga lang alam kung bakit ko ba naitanong ang bagay na'yun sakanya pero wala na akong magagawa, natanong ko na 'e.
Tumango siya, “Medyo, taga-Dela Cerna ako e” sagot naman niya kaya napahinga ako ng maayos.
“A-Ah, ganon ba?”
“Bakit mo nga pala natanong?”
Natigilan ako. Bakit nga ba? Hindi ko rin alam, kusa nalang na lumabas mula sa bibig ko.
“W-Wala naman--I mean, curious lang kasi mukhang late ka ring uuwi ngayon. Delikado na kasing umuwi kapag madilim na”
Bahagya siyang natawa “Mas delikado para sa'yo kasi babae ka kaya kailangan mo nang umuwi”
Umiling nanaman ako sakanya “Ayaw ko nga po munang umuwi”
“At bakit nga?”
“Kasi nga namamaga pa rin ang mga mata ko”
“O e ano naman?”
“Mag-aalala sila!” napalakas na ani ko sakanya. Natigilan rin naman ako nang hindi siya nakapag-salita pagkatapos ng sinabi ko.
“Okay ka lang ba? Sorry, napalakas—”
“Hindi, okay lang. Ako nga dapat ang mag-sosorry” Inayos niya ang pagka-upo niya sa bike ng kariton niya. “Nakakatawa lang isipin na hindi man lang sumagi sa isipan kong kahit na pamamaga ng mga mata mo ay mag-aalala pa rin ang pamilya mo”
Hindi naman malalim ang sinabi niya pero parang puno ng lungkot ang bawat salitang binibigkas niya.
“Hindi naman totoo 'yan. I mean, sinabi mo rin naman kanina na kailangan ko nang umuwi kasi nga mag-aalala ang pamilya ko”

BINABASA MO ANG
ice cream therapy
Teen FictionBianca, who is struggling with the pressures of life, learns to cope with the stresses of high school, relationships, and being a teenager through an unlikely source: ice cream. Through a series of charming and humorous interactions with a wise and...