i. layunin: malalaking marka
Nang sa wakas ay naka-uwi na ako ng bahay ay kaagad akong nagbihis at nilinis ang study table ko para naman maging productive ako sa pag-aaral kahit papaano.
“Bia! Lutuin mo muna yung isda na nasa ref! Papatulugin ko muna 'tong si bunso” tawag ni nanay sa akin mula sa sala. Gusto ko sanang sabibin sakanya na kay kuya muna niya muna ipagawa ang simpleng pag-prito ng isda, pero alam ko naman na ang susunod na mangyayari kung sasabihin ko 'yan--malamang sa malamang ay i-rerebut nanaman ni nanay na kesyo makakapag-hintay pa naman daw ang mga gawaing pang-eskwela ko kaya kung gusto naming may mai-ulam ay sundin ko na lang siya.
Aba e oo, na-vivision ko na ang magaganap at ang conclusion lang nito ay gulo; kaya ano ang safest response para kay nanay ko?
“Sige po ma”
. . . sige na lang.
Pagkatapos mag-prito ay kumain na kami. Pagkatapos kumain ay ako ang naka-toka sa pag-huhugas ng pinggan. Pagkatapos maghugas ay pinakuha ni nanay ang mga sinampay na hindi pala simunod ni kuya kanina. Pagkatapos kunin ang lahat ng 'yon ay tinulungan ko ang bunso namin sa assignment niya.
Alas-nueve na nang sa wakas ay naka-balik na ako sa study table ko. Gustong-gusto ko sanang mag-pahinga na muna pero time is gold ika nga, at tsaka palaging nasa racing ang oras--kaya kaagad kong binuksan ang laptop kong pinaglumaan na ng panahon, ilang minuto pa kasi ang palilipasin ko nang tuluyan na itong bumukas.
Habang naghihintay ay kinuha ko ang pointers ko at boom! Para bang sumabog ang utak ko sa dami kong kailangang aralin!
Walong linggo kasi sa bawat quarter kaya walong lessons sa walong subjects ang pinoproblema ko. Pero dahil dalawang araw naman ang periodical test namin at sa sa Lunes pa naman ang exam namin ay dalawang na subject muna ang aaralin ko ngayon, mas mabuti na 'to kesa sa wala akong ma-aral, o sa masayang lang ang oras.
Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko kasi yun lang naman ang makakaya kong gawin sa ngayon. It's either mag-aaral ako't magpupuyat o mababa ang markang makukuha ko--at ayaw ko non, kaya sige, pipilitin ko nalang.
Hindi naman masyadong maliit ang bahay namin kaya kaming tatlong magkakapatid ay may sarili na kwarto, iba rin kina nanay. Desente rin naman kasi papaano ang trabaho ni tatay, ganon rin si nanay pero hindi ibig sabihin non ay makukuha namin kaagad ang mga nais namin. Mahirap pa rin naman kami kaya upang maka-tulong kahit papaano kina nanay at tatay ay ang pag-aaral nalang talaga ang only option ko.
Pero okay lang, alam ko naman na at the end of the day, mapapalitan rin ng magandang bunga tong mga pagsisikap ko. Matatagalan nga lang, pero mas okay na'yun kesa sa wala akong ginawa, 'di ba?
ᯓᡣ𐭩
“Huh? Wala bang dala si Alice?” irita pero kalmadong tanong ko sa isa ko ring ka-grupo na si Jonathan. Gusto ko sanang mag-alburuto sa inis kasi kakasimula pa nga ng araw na'to ay may problemang ipanasa sa'kin kaagad ang magaling naming leader.
Sa lahat ng napaka-importanteng bagay sa mundo, yung blue folder with fastener pa talaga ang nakalimutan niya e siya na nga itong sabi ng sabi sa GC na siya na raw bahala non, tapos ngayon, sa'kin niya pa ipapasa ang problema niya?
“Wala daw Bia e, nakalimutan niya raw”
“Nakalimuta—?!”

BINABASA MO ANG
ice cream therapy
Teen FictionBianca, who is struggling with the pressures of life, learns to cope with the stresses of high school, relationships, and being a teenager through an unlikely source: ice cream. Through a series of charming and humorous interactions with a wise and...