prologue

30 4 0
                                        

prologue : ang babaeng stress na

"Yung part mo, i-send mo mamaya sa GC ha? Bukas na ang deadline non kaya kung gusto mong masali sa members, wag kang magpaka-tamad"

Gusto kong sabihin sa pagmumukha ni Alice (na leader namin sa research), na ang kapal naman ng mukha niya. Kung makapagsalita kasi siya ay para bang hindi ako ang nagsuggest ng research topic at title na hindi man lang niya magawa ng tama kahit siya naman itong leader.

Kung marunong lang talaga akong i-express itong mga nararamdaman ko, baka kanina pa ako nakipag-away sa babaeng 'to. Pasalamat siya hindi ako war freak.

"Sorry, Alice. Nabusy lang kasi ako sa paggawa ng isa pa nating project sa Filipino e—"

"Sis, nakaya ko ngang pagsabay-sabayin lahat ng mga pinapagawa sa'tin ng isang linggo kaya wag mo sa'king gawing rason yan" pagputol niya sa sinasabi ko na para bang nakakabilib 'yun.

E kung tutuusin, pinapagawa niya lang naman talaga sa mga kaklase naming sunod-sunuran niya yung iba niyang activities. Ang sarap niya talagang gantihan.

"Pasensya na. Ipapasa ko na mama—"

Ayun, hindi ko pa nga natatapos ang sasabihin ko ay bigla nalang siyang humarurot palayo. Ang bastos, sobra!

Okay, kalma lang Bianca! Hindi siya worth the galit mo.

Huminga pa muna ako nang malalim at tsaka bumalik sa ginagawa ko kanina na naudlot dahil sa biglaang pag-sulpot ni Alice.

Kinukulayan ko ngayon ang poster na ipapasa namin mamaya sa Araling Panlipunan. Hindi ko kasi nakulayan kagabi kasi nga ay nag-focus ako sa project namin sa Filipino, hindi ko na nakayanan kaya ayun, nakatulog ako.

Napapagod na ako.

Tapos nakidagdag pa ang Alice na'yun.

Bago pa man dumating si Sir Anonuevo na teacher namin sa AP ay natapos ko na rin ang ginagawa ko.

Tas nagsimula na ulit ang klase. Ganon pa rin naman, may ipapasang gawain, maglelecture ang guro, minsan may biglaang quiz, tas may ipapagawa nanaman.

Katulad ngayon, panibagong project ang ipapasa namin sa Miyerkules pero sa MAPEH nanaman, ang mapait pa ay individual.

Makakaya ko pa ba to? Sa dami ng pinapagawa sa'min, madalas ko nalang pinapangarap na sana naging pusa nalang ako. Alam mo 'yun? Tamang tulog, kain at meow-meow lang? Walang gawaing kailangang tapusin at walang responsibilidad na kailangang gampanan.

"Goodbye class—Oh, before I forget. I would like to remind all of you na November 30 na sa Lunes which is the start of your 2nd Quarterly Assesment. Same schedule which is 12-5 PM so please prepare"

Para bang bigla akong natamaan ng kidlat dahil sa gulat kasi talagang nakalimutan ko na sa Lunes na rin pala talaga ang exam namin!

Sa dami ko ba namang iniisip, ang exam pa talaga na'yan ang nakalimutan ko! And worse, wala pa akong na-ireview na subject ni isa! At kahit na may weekends pa naman, hindi pa rin talaga sapat 'yun!

Gustong-gusto ko nalang talagang bigla na lamang maglaho sa mundo. Gulong-gulo na kasi ang isipan ko kung paano ko ima-manage ang oras ko. Hindi lang naman kasi pag-aaral ang gawain ko sa buhay; ang dami ko pa kayang responsibilidad.

At tsaka ano ba! Gagawin ko pa yung parte ko sa research namin kasi kung hindi ay tutuka nanaman ang bibig ni Alice lalo na't sa RRL pa naman ako naka-toka! Jusko Lord, mukhang hindi ko na po kaya!

Kaya nang nakalabas na ng classroom namin si Ma'am Ligaya ay kaagad na rin akong kumaripas papuntang gate. Nang tuluyan na akong nakalabas ng campus ay naalala kong hindi pala ako masusundo ni tatay kasi OT siya ngayon sa trabaho niya kaya no choice, mag-lalakad nalang ako!

Nakaka-irita talaga! Kaya nga ako kaagad na umalis sa classroom para maka-uwi nang maaga't kaagad na masimulan ang mga gawain ko, pero hindi ata uyon sa akin ang araw na ito ngayon.

'Okay Bianca, kalma ka lang self. Magiging okay rin ang laha—'

Bigla akong nahinto sa paglalakad nang makarinig ako ng tunog ng kalembang kinakaway-kaway. Pag-lingon ko sa kabilang bahagi ng kalsada ay nahagip ng mata ko ang kulay dilaw na kariton ng dirty ice cream. Hindi ko masyadong makita ang mukha ni manong na nagtitinda pero dahil sa malakas niyang pag-papatunog ng kalemba niya ay pati akong problemado ay napalingon rin sakanya.

Napabuntong-hininga ako. Bigla tuloy akong nagke-crave ng ice cream. . .

Kukunin ko na sana sa bulsa ko ang natitirang pera ko nang bigla ko na ring nasampal ang sarili ko na para bang ibinabalik ang sarili sa reyalidad.

Ewan ko ba, pakiramdam ko kasi, kung bibilhan ko ang sarili ko ngayon ng ice cream ay hindi ko naman deserve. Wala pa kasi akong nagagawang makabuluhan para i-treat ang sarili ko.

Di bale na, gagawin ko nalang talagang inspirasyon ang ice cream na'yan para naman kapag natapos ko na ang mga pending na mga gawain ko at maipasa ko kahit papaano ang exams ko ay masasabi kong deserve ko'tong ice cream na'to.

☆⋆。𖦹°‧★

your votes and comments are highly appreciated! <3

ice cream therapyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon