v. ang mindset ni bia
Para sa'kin, lahat ay posible. Kung gusto kong mangyari ang isang bagay, sisikapin ko talagang gawan ito ng paraan, mangyari lang ang nais kong mangyari. Katulad na lamang nong nakalimutan ko na kinabukasan na pala ang 2nd periodical test namin, at kahit na hindi sapat ang oras at imposible man kung isipin ay pinilit ko pa rin ang sarili kong mag-aral kasi ang gusto kong mangyari ay magkaroon ng malaking marka--at dahil ginawa kong posible ang akala ko ring impossible ay nagbunga naman ng mga maganda ang lahat ng pagod ko.
Chempre, hindi talaga mawawala sa tagumpay ang pagod kasi pagsisikapan dapat iyan. Wala naman kasing shortcut papunta sa walong letrang 'yan kaya wala akong choice kundi ang magsumikap, kaya ako nag-aaral ng mabuti.
Nagpapasalamat talaga ako kina nanay at tatay kasi kaya nila akong suportahan sa pag-aaral ko. Handa silang tumulong sa'kin emotionally man o financially kaya ang tanging maisusukli ko lamang sakanila ay ang makapagtapos.
Palagi kong pinapaalahanan ang sarili ko na sila ang inspirasyon ko kung bakit ako aktibo pagdating sa pag-aaral. Sila ang motibasyon ko sa tuwing gumugulo ng biglaan ang utak ko.
'Yung mga naganap sa'kin nong nakaraang mga araw? Natanggap ko na. Isa lang rin naman 'yun sa mga araw kung saan may natututunan ako, patungkol man sa academics o para sa character development ko.
Sobrang swerte ko talaga kasi nakakapag-aral ako. Swerte ako sa pamilya ko. Swerte ako kasi may paraan ako para makapunta sa maliwanag na kinabukasan.
"Ang hirap talagang maging estudyante, ano?" wika ni Kai habang kinakain ang dala niyang tinapay na may peanut butter bilang pananghalian niya daw. Handa naman sana akong i-share sakanya itong baon ko pero tumatanggi talaga siya.
"Sobra. Sunod-sunod yung mga gawain, tapos mamalasin ka pa kung walang good morals ang mga kaklase mo na pati sa group projects, pabigat sila. Tapos may iba rin yung responsibilidad mo sa bahay--ay ewan"
Tumango-tango siya "Edi. . . ang swerte ko pa rin pala kahit papaano?"
Kumunot agad ang noo ko "Ha? Anong ibig mong sabihin?"
"Kasi wala akong mga project-project na kailangang isipin?"
Sumandal ako sa sandalan ng monoblock na upuang inuupuan ko ngayon at hindi na siya sinagot.
Ngumisi siya "Hindi, biro lang. Alam ko namang masaya pa rin kahit papaano maging estudyante kahit na . . ."
Umayos ulit ako ng pagkakaupo para marinig ko yung mga huling sinasabi niya na halos pabulong na pero nabigo akong marinig 'yun.
Tyaka ko rin naalala na nabanggit niya sa'kin dati na hindi na siya nag-aaral pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit. Hindi naman sa desperada akong malaman, gusto ko lang na mag-kwento din siya sa'kin kasi hindi naman siya nagsasabi tungkol sakanya.
Nilimot ko nalang ito. "Oo, masaya. Lalo na't may kaibigan ka"
"Edi masaya ka?"
Umismid ako "Wala akong kaibigan e"
Bakas naman ang pagkalito sa mukha niya "Edi hindi ka masaya?"
"Masaya maman . . ."
"Ha?" naguguluhan na talaga siya kaya natawa nalang ako.

BINABASA MO ANG
ice cream therapy
Teen FictionBianca, who is struggling with the pressures of life, learns to cope with the stresses of high school, relationships, and being a teenager through an unlikely source: ice cream. Through a series of charming and humorous interactions with a wise and...