chapter 6

9 0 0
                                        

vi. mr. misteryoso

Kung may magtatanong man sa akin kung ano ang pinaka-paborito kong okasyon, pasko talaga ang palagi at tangi kong sinasagot.

Kasi tuwing nagsisimula ang Disyembre, para kasing lagi kong inaabangan ang mga susunod na araw hanggang sa matapos ang buong taon. Pakiramdam ko kasi ay may magandang mangyayari.

"Nak, bumangon ka na d'yan. Alas-singko pa naman magsisimula ang misa" rinig kong bangon sa'kin ni mama habang kumakatok sa pintuan ko.

"O. . . po" inaantok pang tugon ko. Dahan-dahan akong bumangon sa pagkakahiga at tiningnan ang oras sa cellphone ko. Napaka-aga pa, 4:32 ng madaling araw.

Nag-stretching lang ako saglit at kaagad na pumili ng susuotin ko para sa unang araw ng misa de gallo. Kailangan ko na ulit atang sanayin ang sarili kong magising ng ganito kaaga.

Pagkalabas ko ng kwarto ay handa na sina mama, papa at si Beatrice. Nasa CR pa si kuya kaya naghintay nalang rin muna ako sa sala.

"Nak, bili lang kayo ni Beatrice ng pang-exchange gift niyo para sa Christmas party ninyo bukas ha? Hindi ko kasi kayo masasamahan" ani mama habang tinatalian ang bunso. Tumango naman ako bilang tugon.

"Sige po ma"

Mamaya pang alas-dos ng hapon ang pasok ni mama sa BPO company at ala-una ng madaling araw naman ang uwian niya kaya naaawa ako sakanya kasi halos hindi na siya makakatulog, pero ayos lang naman daw kasi Misa de Gallo naman ang pinupuntahan namin.

"Tapos na'ko" rinig kong sigaw ni kuya mula sa CR kaya kumaripas na rin ako don upang makaligo.

ᯓᡣ𐭩

Marami ang nagsasabi na habang tumatanda tayo, nawawala ang diwa ng pasko. Pero para sa akin, hindi iyon totoo. Habang lumalaki ako, natutunan kong mas pahalagahan ang tunay na kahulugan ng pasko; ang oras kasama ang pamilya, ang pagbabahagi ng biyaya, at ang pagmamahal sa kapwa.

Tulad nalang rin ngayon. Hindi pa nga kami nakakapasok sa mismong simbahan ay damang-dama ko na kaagad ang diwa ng pasko. Mula sa mga bentang puto bumbong, bibingka, at ube halaya sa mga bangketa hanggang sa mga bata na namamasko sa mga dumadaan na mga tao.

Pagpasok namin sa simbahan ay bumungad kaagad sa'min ang mga dekorasyon sa paligid. Dagsa rin ang mga tao pero buti nalang at may upuan pa kaming mauupuan.

Habang naghihintay na magsimula ang misa ay nilibot kong muli ang paningin ko. May nakita akong mga kakilala katulad nina Maraiah at Vincent pero hindi rin ako makalapit sa dami ng mga tao.

Habang tinitingnan ang tanawin sa labas ng simbahan ay nahagip ng mga mata ko ang pamilyar na lalaking nagbe-benerasyon sa mga santos habang nakapikit ang dalawang mata. Doon ko napagtanto na si Kai pala iyon.

"Ma, may dadaanan lang ako saglit. Babalik po ako kaagad" paalam ko kay mama.

"O sige, balik ka kaagad ha? Malapit na magsimula ang misa"

Ngumiti lamang ako't tumango at tsaka nakipagsiksikan sa mga tao, makalabas lang ako ng simbahan.

Nang medyo makalapit na ako kay Kai ay napahinto ako nang makitang umiiyak siya habang may kung anong binubulong kay St. Francis. Para akong na-estatwa dahil siguro ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang umiiyak.

ice cream therapyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon