chapter 7

9 0 0
                                        

vii. si kai at si vincent?

“Thank you ulit sa regalo mo, Louis ha?” ilang ulit ko na yang sinasabi sa kaklase kong nakabunot sa'kin sa exchange gift. Sana ay hindi siya naiinip.

“Ano ka ba Bianca, walang anuman” nakangiting aniya naman sa'kin.

Paulit-ulit ko 'yung sinasabi sakanya kasi gusto kong maramdaman niyang nagpapasalamat talaga ako sa regalong bigay niya. Gusto kong malaman niyang naa-appreciate ko, sobra.

“Una na ako ha? Merry Chritmas!” aniya't kumaway muna bago naglakad paalis.

“Merry Christmas rin! Salamat talaga!” huling sabi ko rin tsaka bumalik sa classroom kung saan nadatnan ko ang classroom naming parang dinaanan ng bagyo sa sobrang kalat.

“Grabe rin yung mga kaklase natin no? Pagkatapos magsaya, kakalimutan na kaagad nila ang mga responsibilidad nila bilang estudyante” rinig kong sabi ni Vincent habang pinupulot ang mga basura sa sahig—siya lang mag-isa

“Oo nga e” tanging sabi ko at tsaka kumuha ng walis sa likod ng blackboard. For some reason ay hindi ko siya kayang iwan mag-isa dito.

“Baka may lakad ka pa, Bia? Ako na bahala dito” aniya pero inilingan ko lang siya.

“Hindi, okay lang” wala akong sinabing rason kasi wala naman talaga akong dahilan para iwan siya dito, sadyang gusto ko lang talagang tumulong.

Ako ang nag-walis, nag-arrange ng arm chairs namin sa original nitong posisyon, at ang nag-tanggal ng mga Christmas decorations sa room. Si Vincent naman ang naglalampaso at nagtapon ng mga basura.

“Malinis na rin, sa wakas” aniya't lumingon sa relo niya “Alas-kwatro na pala. Sorry Bianca ha? Nadamay pa kita dito”

“Ano ka ba Pres? Hindi mo naman kasalanang walang kakaunting human decency yung iba nating mga kaklase” biro ko na tinawanan niya naman.

“Uuwi ka na rin ba?”

Tumango ako “Oo e”

“Sabay na tayo”

Kahit na kanina pang alas-dose natapos ang mga Christmas party sa bawat section ay marami pa ring tao dito sa school kaya maingay pa rin.

“Ano nga palang natanggap mo?” tanong niya habang naglalakad kami palabas ng campus.

“Thrifty books” masayang tugon ko kasi hindi pa rin ako maka-get over, ito kasi talaga ang nasa wishlist ko e.

“Ito akin” aniya at tsaka pinakita ang nasa loob ng gift bag niya na may lamang headphones.

“Wow, si Elowen ang nakabunot sa'yo diba—”

“Bianca!”

Biglang may sumigaw ng pangalan ko nang nakalabas na kami ng campus. Paglingon ko malapit sa punong akasia ay nakita ko si Kai na nakangiti habang kumakaway.

Pero naglaho ang ngiti niya nang magtama ang paningin nila ni Vincent. Pag-lingon ko naman kay Vincent ay nagtaka ako sa ekspresyon niyang parang. . .?

“Vince—?”

“Magkakilala pala kayo?” aniya pero na kay Kai pa rin ang tingin.

“Ha? Ah oo, kaibigan ko siya”

Huminga siya nang malalim at tsaka binalik sa'kin ang tingin “Una na ako Bia ha? Salamat ulit sa tulong. See you next year” bahagya niya akong ningitian at tsaka na naglakad palayo na parang nagmamadali.

Doon ko rin napantanto na parang magkakilala sila ni Kai kasi hindi naman ako tanga para hindi mapansin 'yun.

Tumawid ako sa kalsada at naglakad patungo sa kariton ni Kai. Napansin ko kaagad na parang umiiwas siya ng tingin sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2025 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ice cream therapyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon