chapter 2

23 4 14
                                        

ii. tuwing uwian, sa ilalim ng punong akasia

"Alright class, pass your outputs in Music and Health nang matapos ko na ang pagrerecord ng grades ninyo" anunsyo ni Ma'am Ligaya pagkapasok na pagkapasok pa lang niya ng classroom namin.

Kaagad ko namang kinuha ang mga output ko sa bag na noong Sabado ko rin nagawa. Ayaw ko na kasing magprocrastinate kasi baka ma-pressure nanaman ako sa tambak na gawain.

Wala naman kaming ibang ginawa ngayong araw kundi ang mag-frequency of error lamang. Nakakapagod lalo na't kung ang nakuha mong papel ay may maliit lamang na score—chempre kung ganon ay panay ang pag-taas mo ng kamay, pero mas okay na muna 'to matapos ang nakaka-stress na mga gawain.

Natapos naman kaagad ang frequency of error namin sa MAPEH kaya maaga ring umalis ng room si Ma'am Ligaya, pero hindi naman ibig sabihin non ay uwian na, may 20 minutes pa bago kami pwede nang lumabas.

Kaagad namang umingay ang classroom namin nang tuluyan nang naka-labas si ma'am. Halos lahat ata ay nagke-kwentuhan at ang grupo nina Alice ang pinaka-maingay. Ang mga lalaki naman ay naglalaro ng kung ano mang nilalaro nila sa kani-kanilang cellphone. Meron ding mas piniling itulog na lamang ang vacant time.

Gusto ko rin sanang matulog pero dahil nga maingay itong apat na sulok na silid na ito ay imposible 'yun para sa akin, at tsaka malapit na rin naman ang uwian.

Kaya nilabas ko nalang ang secondhand na librong nabili ng Tita Riri ko noong nakaraang buwan sa isang lokal na bookshop. Nakinig din ako ng music sa headset kong hindi pa rin naman nasisira kahit na tig-singkwenta lang sa mga bangketa.

'The Heavenly Italian Ice cream Shop' ni Abby Clements ang pamagat ng librong binabasa ko ngayon. Nong nakaraang buwan pa'to pero hindi ko pa talaga nababasa. Ngayon ko lang naisipang basahin kasi alam kong mabuburyo lang ako dito ngayong araw.

Habang binabasa ang synopsis ng libro at inaadmire ang bookcover ay naalala ko nanaman si kuya na nilibrehan ako ng ice cream kahapon.

Actually, hindi mawala sa isipan ko ang pangyayaring 'yun. Bukod sa hindi ko naman inaasahan na may manglilibre sakin nong araw na'yun ay bumabagabag din sa isipan ko ang sinabi niya.

"Deserve mo 'yan, kaya you're welcome!"

Grabe lang kasi . . . nababasa niya kaya ang utak ko?

Biro lang, chempre alam ko namang hindi. Pero nakakagulat naman kasi. Paulit-ulit ko kasing sinasabi sa sarili nong sandaling iyon kung deserve ko ba talaga ang simpleng bagay tulad ng ice cream, at kung may tao bang nakakakitang deserve ko ba talaga.

At for some reason, nakita ata yun ni kuyang sorbetero.

Siguro nga ay deserve ko talaga. Sa dami ba namang stress na ininda ko masungkit lang ang mga markang 'yun.

"Alas-singko na guys! Labas na except sa cleaners!" anunsyo ng presidente naming si Skylar. At dahil hindi naman ako cleaners ay kaagad kong niligpit ang mga gamit ko't lumabas na ng classroom.

Buti nalang talaga ay maaga pinagbuksan ng gate ni kuya guard namin kaya nakalabas agad ako.

Kinuha ko naman kaagad ang wallet ko sa bulsa ng palda ko at tumungo sa kung saan ko napapansing nakatambay ang kulay dilaw na kariton na may nakasulat na Sorbetes; sa ilalim ng punong akasia na sobrang lapit lang sa campus namin.

ice cream therapyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon