Masarap ang hangin na dumadampi sa balat ko. ramdam na ramdam ko ang lamig sa tinatambayan kong lodge sa school, nag hihintay ako sa oras ng klase ko dahil first day of school ngayon.
Isa akong baguhan na studyante sa high school na aking piniling pasukan, galak na galak ako dahil ngayon lamang ako nakalabas ng lugar namin dahil strict ang aking tatay at nanay.
Simula kasi nung isilang ako ng mama ko ramdam na ramdam ko naman ang kanilang walang pantay na pag mamahal sakin.
May nakakatanda din akong kapatid na lalaki na isa ding napaka protective, may tiya na mabait, lolo at lola na puro pag mamahal simula bata kami ng kuya ko.
Ako nga pala si Edelle Mary Zerrudo, 12 years old palang ako nung mag simula akong makaramdam ng totoong pag-ibig. Hindi ko alam noon kung pag ibig ba ang aking nararamdaman o isa lang puppy love dahil sa aking edad.
Hindi ko din maiiwasan na husgahan nyo ako dahil sa napaka-bata ko pang edad ay nakakaramdam na ako ng pag mamahal.
Kasama ko ang mama ko na mag punta sa school dahil baguhan lang ako at siya ang nag tuturo sakin kumpaano o saan ako pupuntang room.
"Anak?"
Lumingon at Tumingin ako sa kanya ng makinig kong tinawag nya ako mula sa likuran ko, nakita ko siyang dala ang isang buko juice galing pala siya sa pag bili.
"Mama ikaw pala"
Iniabot niya ang plastic na baso na may lamang buko juice at kinuha ko iyon sa kanya at nakita ko sa gilid ng mata ko na umupo siya sa tabi ko at inilapag ang dala-dala niyang bag.
"Anak galingan mo sa pag-aaral ha, gusto ni papa mo na pag butihin mo ang pag-aaral mo" sabi sakin ni mama
"Opo mama itatatak ko po yun sa isip ko alam ko naman po ang pag hihirap niyo ni papa sa pag bubukid para lang mapag aral nyo kaming dalawa ni kuya"
Lumingon sakin si mama at ngumiti "Nak hindi namin ni papa nag hahangad ng mataas na grado ang mahalaga saamin kayo ay matuto at makapasa"
Saglit na tumingin si mama sa kanyang cellphone. "Tara na mag aalas-syete y medya na nak ihahatid na kita sa room mo"
Tumayo na kaming sabay ni mama at tinahak namin ang first year building kung saan dun ang classroom ko. Nakikita ko ang napaka daming estudyante sa labas na nag kakagulo dahil malapit na ang flag ceremony. Takbo,lakad, jogging na ang ginawa ng ibang estudyante samantalang kami ni mama ay nag lalakad na parang nasa buwan.
Nakarating na kami sa building kung saan ang room ko pala ay nasa second floor, kulong ang building ng first year na kung saan nasa gitna ang stage para siyang naka letter U ang pagkakagawa ng building na pumapalibot sa malawak na stage at sahig.
Nakikita ko rin na may mga estudyante na bumibili na agad sa school canteen ng makakain nila kahit napaka-agap pa, may mga estudyante naman na may dala-dalang folder at envelop ba plastik at doon nakalagay ang bond papers at iba pang school materials na gagamitin.
"Anak maiwan na kita dito ha? I-text mo nalang kami ni papa mo pag labas kana ng school." Sabi ni mama.
"Opo mama itetext ko nalang po kayo maraming salamat po" ang sagot ko.
Humalik si mama sa aking pisngi at noo at saka nag paalam na aalis na sinundan ko ang papaalis na katawan ni mama hanggang sa mawala na ito sa aking paningin.
Lumingon ako sa itaas nakita ko ang nga estudyante na nakatambay sa taas habang nakatingin sa ibaba siguro nangingilala din ng mga bagong estudyante. Nakita ko rin ang dalawa kong kaklase na lalaki noong elementary na si Clarence at Jerome na nag hahabulan hindi ko naman sila close kaya pinag sawalang bahala ko nalang sila at nag patuloy sa pupuntahan ko.
BINABASA MO ANG
Love Beyond the Timeline
Genç KurguLove transcends the boundaries of time, even doesn't remember, their love remains strong and true.