Chapter 25
Hindi pa man ako nakakalabas ay may pares ng sapatos nang tumigil sa harap ko.
Agad kong kinuha ang dagger at hinanda ang sarili.
"Wala na sila. Lumabas ka na dyan." Nagpintig ang tenga ko ng marinig ang boses na iyon.
Kung hindi ako nagkakamali ay kasama s'ya nila Ken.
I gritted my teeth and was about to get out when a pair of woman's feet showed up from the back of truck.
"Paano kung matunton nila ako."
"H'wag kang mag alala. Wala na sila. Hanggang dito na lang kita matutulungan." Aniya at inalalayan ang babae. I saw how they kissed each other like as if it was their last chance.
Napaawang ang labi ko.
Nakita kong tumakbo ang babae palayo. Nang masigurong nakalayo na ito ay umalis na din ang lalaki.
Pinakiramdaman ko muna ang paligid bago lumabas at mabilis na tumakbo sa direksyon kung saan pumunta ang babae.
Nakita ko s'yang tumayo mula sa pagkakadapa at muling tumakbo.
Nilingon ko ang pinanggalingan ko at sa malayo ay nakitang may mga lalaking tumatakbo papunta sa direksyon ko.
Nanlaki ang mga mata ko at agad na tumakbo ng mabilis palayo.
I eyed the woman and ran towards her as fast as I can.
Hinila ko s'ya at lumiko papunta sa direksyon na pamilyar sa akin.
"Please, h'wag mo akong ibalik sa kanila." Pakiusap n'ya sa akin habang pilit na nagpupumiglas.
"Stay still and shut the fuck up!" Mariing ani ko sa babaeng umiiyak.
"Ayun!" Putok ng baril ang nag udyok sa akin para mas bilisan ang pag takbo.
"Mahuhuli nila tayo!" Aniya at humagulgol na naman.
Agad ko s'yang hinila sa damuhan at tinakpan ang bibig.
"Don't make a noise." Bulong ko.
Narinig ko ang yapak ng mga lalaki na lumagpas sa kung nasaan kami.
"Fuck! I lost them!"
"Sino ang kasama n'ya?" Tanong ng isang lalaki.
"Hindi ko alam. Mabilis tumakbo iyong babae. Tingin ko ay kabisado n'ya ang lugar na ito."
"Hindi. Wala pang nakarating dito nang nakaalis ng buhay." Boses iyon ni Ken.
"Maliban sa isa." Dugtong n'ya. Napapikit ako ng mariin.
All this time. He knew I was in danger and he never bothered to rescue me because he wants me dead.
Fuck him!
"Sino?"
"Hindi n'ya kabisado ang lugar na ito. Kabisado n'ya ang gubat." Ani Ken. Napayuko ako.
Alam niya kung saan ako galing. Alam n'ya na nabuhay ako sa bundok. And he knew I will survive in places like this.
I belong in forests. It is my home. And he knew that.
"Sino ang nagpatakas kay Sierra?" Isang lalaki ang nagsalita.
"I saw Garret." Anaman ng isa pa.
"W-What? Bakit ko gagawin 'yon?" Dipensa ng lalaki kanina.
The girl shifted her weight so I held her still.
"Bumalik ka do'n. Nakita kitang hawak ang kamay ng babae." Giit ng lalaki.
"Is that so?" Ani Ken.
Ramdam ko ang pagbigat ng paghinga ng babae.

YOU ARE READING
I Am The Queen [On-going]
AcakAnd if someone you love have done something wrong to you, multiple times, would you forgive them? What if they did something at the expense of your peace? Would you still accept them? Heryllane Dela Cruz Aragon- a young lady wanting so bad to be saf...