Chapter 30
"I am hundred percent sure he attended that event." Ani Jaero.
Hapon nang bumalik kami sa mansion. Nakakandong sa akin si Maddie at naglalaro ito sa buhok ko.
"Saan mo nakuha ang impormasyong 'yan?" Tanong ni Aragorn.
Lahat kami ay narito sa living area. Kai is in front of me while Aragorn and Deron are both on my side. Beside Aragorn is Jaero followed by Pierre. And beside him is Sierra. I told her to stay for a while dahil alam kong hahanapin s'ya ng grupo nila Ken.
Hindi ko alam kung ano ang pakay nila sa babae pero the fact that they hostage her, I'm sure sobrang halaga nito para sa kanila.
"Hindi ba ay sinabi mo sa akin Queen, kung paano matutukoy ang grupo ng lalaking 'yon? I saw one!" Ani Jaero kaya nilingon ko s'ya.
Kami lang dalawa ang nakakaalam no'n. Sinabi ko sa kanya ang palatandaan na sinabi sa akin ng tauhan ni Rand.
"Are you certain?" Tanong ko. Tumango s'ya.
"I saw the mark on his arm. Left arm." Aniya at pinakita pa sa akin ang kaliwang braso n'ya.
Bahagyang kumunot ang noo ko.
"Nga pala, Queen." Nilingon ko si Kleo nang nagsalita ito. May dala itong pinggan na may lamang tacos. Kagagaling n'ya lang sa kusina.
Nilapag n'ya sa harap namin ang tacos at binigyan si Maddie.
"Thank you po, Tito Kleo!" Maligayang anang bata.
Ngumiti lang si Kleo at ginulo ang buhok ni Maddie.
"What is it?" I asked while fixing Maddie's hair.
"Iyong kuta na pinuntahan mo noong nakaraan, nasunog." Aniya. Napaawang ang labi ko.
"Walang natira ni isang bahay. May mga bangkay ding nakuha." Dagdag n'ya.
Kunot ang noo ko at sandaling natahimik.
Bakit naman iyon masusunog? Sa pagkakaalam ko ay iyon ang pinakamatagal nilang quarters. Siguro ay aalis sila do'n at magtatayo ng panibago? Pero kung aalis sila, anong rason ng pagkakasunog din ng ilang bangkay na natagpuan?
"Bakit daw?" Tanong ni Jaxon bago kumagat sa taco na hawak n'ya.
"Hindi ko alam." Kabit balikat n'ya.
"Iyong mga bangkay, sa mga bihag ba 'yon?" Tanong ko.
Umiling s'ya at nilunok ang nginunguya.
"Hindi, Queen. Sa pagkakaalam ko, sa mga tauhan ito. Dalawang babae ang nakasama sa sunog pero hindi ito kabilang sa sinasabi mo." Aniya. Mas kumunot ang noo ko.
"May nakuhang chess piece sa ibabaw no'ng isang bangkay." Dagdag pa nito.
"Chess piece?" Tanong ni Silver at kumunot ang noo.
"Chess piece. If I'm not mistaken, iyon ang ginagamit ni Kleo Smith as a warning sa mga bumabangga sa kanya." Ani Deron.
I looked at Jaero. Kunot din ang noo n'ya at lumingon din sa akin.
"Ang ibig sabihin, si Kleo Smith ang pumatay sa kanila?" Pierre asked.
"Probably. But what could be the reason?" Aragorn asked.
Nag angat ako ng tingin kay Kai na tahimik na nakapangalumbaba. Malamig ang tingin nito sa kawalan. Tila hindi interesado sa usapan.
"I thought they're allies?" Ani Jaxon.
"Those are one of a hell weaklings in this society. I don't think a mafia leader like that Kleo Smith will need that kind of ally." Buryong saad ni Kai at pinaglaruan ang ballpen.

YOU ARE READING
I Am The Queen [On-going]
AcakAnd if someone you love have done something wrong to you, multiple times, would you forgive them? What if they did something at the expense of your peace? Would you still accept them? Heryllane Dela Cruz Aragon- a young lady wanting so bad to be saf...