Gula-gulanit sa paglalakbay
sa direksyon ng hangin, doon patatangay
Naghahanap ng pag-aaruga
namamalimos ng pang-unawaMunting ibon, biglang bumagsak
Agad sinalo ng walang paghamak
ginamot ang sugatang pakpak
pinahiran ang dugong pumapatakKahit pa sarili'y di magamot
nagdala ng ngiti sa kabila ng lungkot
Madilim na ulap, haharangan
kahit pa mabasa at lunurin ng ulanNgunit nang natutong lumipad
naiwan akong mag-isa sa pugad
uhaw, gutom, at sugatan
nag-aantay ng pag-uyam ng buwan.
BINABASA MO ANG
nang Lumuha ang Buwan
PoetryNag-iisa, nag-iisip, tumatangis. Nang napako ang mata sa kadiliman ng gabi saka niya napagtantong siya'y may kakampi, tinangay ng malamig na hangin ang kalungkutan puso'y napanatag nang lumuha ang buwan.