Hayaang lamunin ng dilim ang liwanag
magpatangay sa agos sa 'yong paglalayag
Sumayaw kasabay ng bulong ng hangin
mata'y ipikit, kasalukuyan ay damhin.Walang kasiguraduhan ang bukas,
dahon sa kalendaryo ay malalagas
'wag matakot, tumingala sa buwan
isipin mong sa pag-ikot 'di ka maiiwan.Itula sa buwan ang mga pangamba
makikinig siya, 'di ka na mag-iisa
Kung lungkot lang din ang labanan
walang tatalo sa pighati ng buwan.
BINABASA MO ANG
nang Lumuha ang Buwan
PoezjaNag-iisa, nag-iisip, tumatangis. Nang napako ang mata sa kadiliman ng gabi saka niya napagtantong siya'y may kakampi, tinangay ng malamig na hangin ang kalungkutan puso'y napanatag nang lumuha ang buwan.