Oh! kay bilis ng ikot ng mundo
Sikat ng araw, hudyat nang pagtakbo
Mata'y tutok sa iisang direksyon,
pag-angat at ipanalo ang kompetisyon.Ingay ng bibig at magagarang sasakyan
Sariling boses, 'di na mahimigan
Bingi sa kung ano dapat ang pakinggan
Musika ng langit, tila nakaligtaan.Makikipagtagisan sa hamon ng oras
Utak ay pagod, puso'y gasgas
Puhunan ang luha na 'di nasasaid
Nalulunod ma'y patuloy ang pagsisidNapatingala sa malamlam na buwan,
nagtatanong at nananawagan
Sa huli, mahalaga nga ba ang tropiyo?
Kung ang maiiwan ay pangalang nakaukit sa malamig na semento.

BINABASA MO ANG
nang Lumuha ang Buwan
PoesíaNag-iisa, nag-iisip, tumatangis. Nang napako ang mata sa kadiliman ng gabi saka niya napagtantong siya'y may kakampi, tinangay ng malamig na hangin ang kalungkutan puso'y napanatag nang lumuha ang buwan.