Parang hinila pabalik ang kampana
pabalik kung kailan lahat nag-umpisa
Kung kailan unang nakilala ang mukha ng pag-ibig
Kung kailan unang tumigil ang puso sa pagpintig?Aha! Presko pa sa memorya,
Nakangiting hinihimas mga manok na alaga
habang kami'y namamalimos ng aruga
Magdamag siyang titig sa mga baraha
pero kami'y 'di man lang makamusta
Sa aming munting dampa siya'y aligaga
pero sa kandungan ng iba'y nagpapakasasa
Pero kahit minsan walang luha sa mata ni mama
Siya'y patuloy sa pagpadyak ng lumang bisekleta
Pag-ibig sa kabila ng lihim na pagdurusa.Tandang-tanda ko rin ang unang pagkabigo
Araw gabi'y sa pluma at libro nakikipagbono
Inaasahang makikita niya ang kinang ng tropiyo
Ako'y nakangiting naghihintay sa magarbong entabaldo
Isa...dalawa...tatlo...
mabilis ang pagpihit ng bawat segundo
mag-isang tinahak ang matarik na hagdan
maraming tanong, 'di ko maintindihan
sa kabila ng natamong papel ng karangalan
humakbang pababa na mata'y luhaan
sa isang sulok, paslit na puso'y nanlumo
ganito ko naramdaman ang unang pagkabigo.
BINABASA MO ANG
nang Lumuha ang Buwan
PoetryNag-iisa, nag-iisip, tumatangis. Nang napako ang mata sa kadiliman ng gabi saka niya napagtantong siya'y may kakampi, tinangay ng malamig na hangin ang kalungkutan puso'y napanatag nang lumuha ang buwan.