bawat patak ng ulan animo'y musika
nanghahalina't nag-aaya
na damhin ang hampas ng hangin sa mukha
hayaang manuot sa balat ang patak ng paglayaminsan gusto kong payong ay takasan
tumakbo't maglaro sa ilalim ng ulan
matisod man ay wala akong pakialam
gusto ko lang maramdaman ang kalayaansa pagkakapiit sa rehas ng kasalukuyan
gusto kong kumalas kahit minsan
na parang batang nagsasayaw sa ulan
'di alintana kung madapa't masugatanminsan gusto kong lumaya ng panandalian.
BINABASA MO ANG
nang Lumuha ang Buwan
PoetryNag-iisa, nag-iisip, tumatangis. Nang napako ang mata sa kadiliman ng gabi saka niya napagtantong siya'y may kakampi, tinangay ng malamig na hangin ang kalungkutan puso'y napanatag nang lumuha ang buwan.