Sinisinta ng Buwan

10 0 0
                                    

Mula sa papawirin, nakamasid
nag-aabang sa muling pagpintig
pinupuno ang mata ng pag-asa
pag-asang masilayan ang sinisinta.

Mula sa papawirin, tanaw niya
naroon, sinisinta'y masaya sa iba
tinutupad ang mga pangarap
habang siya'y nakakubli sa likod ng ulap.

Mula sa papawirin, pumatak ang ulan
nakikiayon sa pusong sugatan
Nagningning ang mga tala
habang ang buwan ay nagpapahid ng luha.

nang Lumuha ang BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon