Jael's POV
NATATANDAAN ko pa rin ang araw na iniwan kami ng magaling kong ama. Malinaw pa rin sa aking alaala ang paghikbi ni Mama sa kusina habang nakatayo ako sa likuran niya. Naalala ko rin ang naramdaman ko noon—takot. Paano na kami mabubuhay? Kaya magmula noon, tumatak sa isip ko na kailangan kong magsumikap, subalit hindi nawala ang pangamba at kinubli ito ng aking isipan.
All this time I knew that there are hidden fears lurking inside me, and I am afraid that one day it will explode out of me. As if my mind's logical thinking was suspended, I remained holding him despite knowing that I'll berate myself later. For now... Just let me feel this peace...
"Father?! Doktora?!" Nang marinig namin ang palapit na boses ay saka ako tuluyang natauhan at parang napapasong lumayo sa kanya. "Ano pong nangyari? Narinig kong sumigaw ka, Doc!" hinihingal na saad ni Jestoni, galing sa pagtakbo.
Hezekiah's confusion was replaced with worry, he looked at me again as if he's also trying to shrug off what I did. "Ano bang nangyari sa'yo?" tanong niya.
"M-may..." Still shaking slightly, I pointed to the stairs where a figure slowly emerged from the darkness.
"Magandang gabi po," an old man wearing a green uniform greeted us, he took off his hat and he tried to look at me but his eyes shifted on the floor. "Pasensiya na po, Mam, galing po ako sa storage area sa baba, hindi ko po kayo nakita agad."
"Manong Edgar, pauwi na ho ba kayo?" tanong ni Hezekiah sa mama sabay baling sa'kin. "He's the school janitor."
Napatango na lang ako at napayakap sa aking sarili. Hindi ko alam kung dapat na ba akong mapanatag dahil akala ko kung ano na 'yung humawak sa'kin kanina. Guniguni ko lang ba 'yung sinundan kong liwanag?
"Opo, Father," sagot nito at nagpaalam nang maunang umalis.
Pagkatapos ay bumalik kaming tatlo kung saan naghihintay si Deborah at saktong dumating din si Dra.Santos na kasama si Maviel.
"Oh, Maviel!" bulalas ni Jestoni. "Saan mo siya nahanap, Doc?"
"Pumunta ako ng clinic, paglabas ko ay nakita ko siya sa hallway."
Nakayuko si Maviel, gusto ko siyang pagalitan pero nanghihina pa rin ako dahil sa nangyari kanina.
"Mainam siguro kung bumalik na muna tayo sa café," suhestiyon ni Deborah na naunang naglakad.
"I'll talk to her," dinig kong sabi ni Hezekiah pero hindi ako kumibo.
Nang makabalik kami ng Tul~la Café, katulad nang sinabi ni Hezekiah ay kinausap niya si Maviel. Nakaupo sila 'di kalayuan at masinsinan niyang kinakausap ang kapatid ko habang kami ay nakatingin lang sa kanila.
"Maraming salamat pala sa inyo sa pagtulong sa paghahanap kay Maviel," sabi ko sa kanila.
"Wala 'yon, Doc," sagot ni Jestoni.
BINABASA MO ANG
A Numinous Affair (Salvation Series #1)
RomanceIsang pari at doktor ang makikipaglaban sa pwersa ng kadiliman kundi pati na rin sa kanilang lumalagong atraksyon sa isa't isa. Will they be able to resist the temptation and complete their mission or will love be their ultimate downfall? A Numinous...