Dahil hindi ako nakapag update ng matagal, gagawa ako ng sc haha.
Hindi to medyo ayos pero dyosa ako.
***
"Good morning kookie." Bati nito agad agad ko namang Hinampas sya ng unan bago tumayo at dumiretso ako sa banyo nya, dito ako natulog kagabi pero hoy! Virgin pa ko.
Agad ko namang nilock ang pintuan at naghilamos, dito daw muna ako sa bahay nila, tutal wala si mama at wala din si tita ngayon. Tutal mag isa lang kaming dalawa. Dun daw muna ako matulog sa bahay nila. Nung una ayoko sana kaso si mama nang blackmail, Wala daw internet for one year pag hindi ko sunamahan tong si V.
Paglabas ko ng banyo nakita ko naman syang nakaupo sa gilid at nakatingin sa bintana nila, mukhang out of this world na naman ang utak ng alien na to. Mukha kasing ang lalim ng iniisip eh. Ngayon ko lang narealize if nag iisip sya, ibig sahihin may utak pala sya. Wow! Bagong discovery. Pero kidding aside, mukhang seryoso sya. Lumapit naman ako sa tabi nya at umupo.
"Kookie..." tawag nya, sinandal ko naman ang ulo ko sa balikat nya at tinignan din yung kwadradong bintana kung saan makikita ang isang malaking puno na matatanaw mo mula sa bahay nila.
"Hmmm..." tinignan ko sya at nakita kong ngumiti sya.
"Kookie nakikita mo ba yun?" Tumingin naman ako sa bintana kung saan sya nakatingin kanina pa, tinanggal ko ang pasandal ko sa kanya at tumango.
"Gusto ko sana dun tayo magpatayo ng bahay, dun sa may puno na yun. Kasama ka at yung mga anak natin." Natawa naman ako sa kanya kaya pinalo ko sya. Napakaseryoso kasi ng mukha nya. As if magkakaanak kami. Tinignan naman nya ko na parang nagtataka.
"V wala akong matris." Nakangiti kong sabi, Tumango naman sya kaya tumawa ako ng malakas. Para kasing first time nyang malaman na wala akong matris. Nababaliw na naman sya.
"Gusto ko ng babaeng anak kookie. Dapat kasing ganda mo sya." Napatigil naman ako sa pagtawa at pinunasan yung gilid ng mata ko.
"Huh?" Babae? Eh hindi naman ako mabubuntis eh.
"Alam kong hindi ka mabubuntis pero mag aadopt tayo. Kung okay lang sayo?" Napatingin naman ako sa kanya. Kitang kitang seryoso sya sa sinasabi nya.
Ngumiti naman ako. "Bakit ba gusto mo ng anak?"
Ngumiti sya at binalik ang tingin nya sa puno. " para pag nawala ako, may mag aalaga parin sayo."
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nung narinig ko sa kanya yun. Hinawakan ko ang buhok nya na naging dahilan ng pagtingin nya sakin ngumiti ako at hinalikan ang labi nya.
Pinagdikit ko ang noo namin at tinitigan ang mga mata nya.
"Hindi mo naman ako Iiwan diba Taehyung?"
BINABASA MO ANG
Just one day (Haruman) Vkook FF.
FanfictionJungkook wants to remember his past, and Taehyung is a part of it.