Chapter 7

342 12 2
                                    

"Bakit?" Napatingala naman ako mula sa pagkayuko ng marinig yung boses ng alien na to na nasa harap ko. Bumungad sakin ang mukha, Pero tulad kanina walang ekspresyon parin ito, nakatingin sya sakin ng masama kaya tinaasan ko sya ng kilay at tinitigan sya ng -akin-lang-ang-dragaon-balls-look. Patingin tingin pa to ng masama! Tusukin ko mata nito eh.


Andito kami sa lugar kung saan hindi ko alam, hindi kaya ako taga dito. Agents of shield ka ba? Hindi sya si Ward. Basta dinala nya ko dito sa isang malaking puno, Ewan ko dito mahal masyado ang kalikasan, ibaon ko kaya to sa lupa ng buhay?


Tae ba sya? Sya yung maaya na mag usap kami tapos tinatanong nya kung bakit? Kung tanggalan ko kaya to ng kaluluwa? JuiceCoo. Papakain ko to sa mga dragon na alagad ni Jin eh.


Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanya,yung tipong pang malanding akit na sa tv nyo lang mapapanuod. Tinitigan ko syang mabuti kaso hindi ko magawa kasi sa sobrang kalandian este lapit nung mukha namin sa isat isa, naduduling na ko. Kaya naman lumayo pa ko ng konti. Mala Catwoman lang. Meoww~!


Nakita ko namang medyo nagulat sya, Nagbago yung ekspresyon ng mukha nya mukhang Na amaze na naman sya sa taglay kong kalandian este charm pala. Natawa naman ako ng konti. Umubo ako ng peke.


Bigla namang nagsalita si V kaya napatingin ako sa kanya. "Look--" hindi ko naman pinatapos si Vsa sasabihin.


"Saan?"tanong ko at hinanap si Look, mahirap na baka nilamon na yun ng mga alagad na dragon ni Jin.  Napatigil ako sa search and rescue kay look ng makatanggap ako ng malakas na batok galing sa abnormal na alien sa earth.


Tinulak ko naman sya, masakit yung batok nya ah. Hindi sya mabiro! Kainis. "Ano ba ha! Bakit ka ba nanakit?!" Sigaw ko sabay tadyak sa ehem, sa Magic Flakes Jr. Nya. Basta alam mo na yun. Wag kang pabebe.


Agd naman syang nagtatalon habang hawak hawak yung alaga nya.



Pinagmasdan ko lang sya hanggang matapos sya, Dapat lang sa kanya yan. Heh!





"We need to talk." Sabi nya nung makarekober sya. Anyare dito nasipa lang sa ano, nagi english na. Wow! Yun pala side effect nun. Matry nga minsan kay Jimin.

Napataas naman ang kilay ko, habang sya seryosong nakatingin sakin.


"About what?" Tanong ko, aba! Syempre Nag english din ako. I'm that Fab.


Lumapit sya sakin at tinitigan ang mga mata ko, ayan na naman! Warning! Warning! Lalandiin na naman nya ko. 

Okay! Ready na ko.


Hinawakan nya naman yung mukha ko at inangat, yumuyuko kasi ako. Tinatry ko kung kaya ko bang patayin yung sarili ko gamit yung baba ko kaso hindi abot, kay kabayo lang ata ang may talent nun, malandi kasi yun kaya special.


Tinatry kong sasakin yung puso ko, kasi naman. Ayan na naman yung ewan na nangyayari sa katawan ko, Isang hawak nya palang, isang titig, isang salita kaya nya ng baliwin yung katawan ko, pati na puso ko.

Just one day (Haruman) Vkook FF.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon