CHAPTER 3
Jeon Jungkook's P.O.V.
"Ano na naman ba yun Taehyung ha?" Masungit kong sabi sabi sinamaan sya ng tingin. Uwian na namin at agad bumungad sakin ang Mukha nito paglabas ko ng Gate.
May dala pang bulaklak at chocolates. Tss. Patay na patay na talaga sya sakin. Pero ayaw ko parin sa kanya. Hindi kaya ako bakla.
Tama straight ako no~!
Manly ako, Kahit takot ako sa multo at madalas akong tumitili pag nagugulat. Takot din ako sa madidilim na lugar tyaka sa uod tyaa---
teka, Ano bang pake ko? Eh, basta manly ako.
Tinignan naman ako neto na tila nagtataka. Tss. Nahiya pa, Hindi sa makapal ang mukha ko. Kaso sabi nya diba naLove at first sight sya sakin. Kaya confident ako.
Nagbuntong hininga ako at nilahad ang kamay ko para kunin yun, Basta kasi alam kong para sakin yun.
Nagtaka naman ako ng tinitigan nya lang ako.
So tinatamaan sya ng hiya ngayon? Matapos nya kong halikan at yakapin ngayon pa sya nahiya? meron palang hiya ang mga alien?
"Psh. Wag ka ng Pakipot, Dali akin na hindi ko naman itatapo--" hindi ko naman natapos yung sasabihin ko ng biglang sumigaw si alien at tumakbo papuntang kaliwang direksyon.
Walang hiyang malaking Noo. Hindi nya ko pinansin?
Letse.
"J-HOOOOOOOPEEEEEE~" Sigaw nito kaya naman rinig na rinig ko yun. Automatiko namang napataas ang kilay ko, Kilala ko si Jhope pero hindi ko alam na close sila ni Alien.
"Taehyung~!"Malambing na sabi ni kabayo este ni Jhope, Sabay nagyakapan . Nice ang ganda ng view na nakikita ko ngayon isang Alien at isang kabayo na nagyayakapan.
Wait nagyayakapan?
Tinignan ko sila mula sa malayo at kitang kita ko yung gilagid ng hayop na kabayong yun, (Hindi sa mapanglait akong tao pero mukha syang kabayo. Pramizz.Mas Fab-- Wait ano?) Kung makangiti din tong noo na to kulang na lang mapunit yung labi nya. Bwiset.
Napacrossed arm naman ako ng makitang binigay ni V yung chocolates at Flower kay Jhope.
Aba? aba? Para sakin yun ah?
Bakit nya binigay kay Jhope yun? ano yun? Hindi pwede! sabi nya ako lang ang future wife este Husband nya. (Hindi ko gustong maging asawa nya.. Pero sakin lang sinabi ni V na magpapakasal kami. Well hindi din yun sigurado... pero ..basta!) Dapat ako lang ang bibigyan nya ng Flowers at Chocolate.... Kasi... Favorite ko yun.. OO tama.. Mahilig ako sa sweets.
![](https://img.wattpad.com/cover/23251390-288-k728646.jpg)
BINABASA MO ANG
Just one day (Haruman) Vkook FF.
FanficJungkook wants to remember his past, and Taehyung is a part of it.