Chapter 5
"Ka-ano ano mo ba si Kabay--este si Jhope ha?" Tanong ko kay V, habang nanunuod kaming dalawa ng The fault in our stars sa bahay. Kasalukuyan nyang inuubos yung chips ko, kaya pinalo ko yung kamay nya at kinuha yun dahil hindi nya ko pinapansin.
"Oy penge ako." at pilit nyang kinukuha sakin ang chips pero tumayo ako at tinaas ko to, tumalon naman sya para kunin sakin yung chips na out of balance kaming dalawa, kaya nung pag agaw nya sabay kaming natumba sa sahig at nauntog ako kasi nakaibabaw sya sakin.
"Alis. Hindi ako makahinga sa baho mo." sabi ko at tinutulak ko sya pataas para makatayo sya. Taeng alien ang bigat.
pero dahil dakilang abnormal sya mas lalo pa syang nagpabigat.
"Ayoko, penge kasi ako ng chips." napsimangot naman ako dahil sa bwisit kaya sinalpak ko sa mukha nya yung chips at tumayo na sya.
"Patay gutom." bulong ko at umalis na sa sala. Naiinis ako sa kanya bwiset. Hindi nya ko pinapansin kasi maganda daw yung pelikula at binasa daw nya yung libro.
Dito sya natulog kasi wala si mama. Gusto ko lang naman malaman kung sino yung malanding kabayong yun sa buhay nya tapos hindi nya ko pinapansin? Akala ko-- Ugggh. Bahala sya sa buhay nya. Sino ba sya para alalahanin ko?
Padabog akong umakyat sa kwarto at sinara ng malakas ang pinto. Bwiset kang Noo ka. Matapos mo kong landiin ganun na lang? Hindi ito makaturingan!
*Im only humaaan~!*
agad ko namang sinagot yung phone at bumungad sakin si Jiminnie Pabo.
" Jungkoook~!" mas lalo naman ako nabadtrip nung marinig ko yung boses nya.
"Oh?"iritableng sagot ko.
"Badtrip ka?" Tanong nya, pumunta naman ako sa kama at binagsak ang katawan ko.
"Hindi."
"Sinungaling." Natawa naman ako sa sinabi nya, kilala talaga nya ko kahit kulang sya sa height.
"Gusto mong lumabas? Libre ko, nuod tayo ng sine." aya nya, hmmm.. tutal hindi naman ako pinapansin ni V at boring dito, aalis na lang ako. Tama. wait lang..
"Libre mo?" tanong ko, narinig ko naman syang tumawa sa kabilang linya.
"OO, Sige Susunduin kita dyan." Napangiti naman ako, ayaw mo kong pansinin ha.
"K." sagot ko at inend kaagad ang call.
Agad akong naligo at nagbihis. Tinext naman ako ni Jimin na nasa tapat na sya ng bahay.
Bumaba na ko at naabutan ko si V na nanunuod parin. Ganun ba kaimportante yung pinapanuod nya at ayaw nya kong pansinin.
"Lalabas ako."Paalam ko.
"Ge." Sagot nya pero hindi man lang nya ko tinignan. Ganun? Sige magsama kayo ng palabas na yan.
Lumabas na ko dahil nabibwiset ako at sinarado ng malakas yung pinto.
Nakita ko naman si Jimin at kumaway pa si pandak habang nakangiti at kitang kita ang gilagid. Pumunta naman ako sa kanya habang nakabusangot.
"Tsk," hinawakan naman nya yung mukha ko nung nakalapit ako sa kanya. hinawakan nya yung labi ko gamit yung kamay nya at finorm to ng smile. "Ayan, papanget ka pag naka simangot ka." sabi nito at hindi naman nawala ang ngiti sa mukha nya.
Hinampas ko yung kamay nya pero hinawakan ni Jimin yung kamay ko.
"Tigilan mo ko pandak." magsasalita na sana sya kaso.
"Kookie ko? Nakalimutan ko magpapabili pala ako ng-- Sino sya?" Tanong ni V, nakita ko namang napatingin sya sa kamay ni Jimin at kamay ko. Agad syang lumapit samin at nakasimangot ito.
"Kookie sino sya?" Tanong nya uli pero parang may iba sa tono ng boses nya.
magsasalita na sana ako kaso nagsalita si Jimin.
"Kookie?" nagtatakang tanong nya.
"Tss. " Naiinis na ko, kanina yung nagtatanong ako hindi nya ko pinapansin, kaya hindi ko din sya papansinin.
"Halika na Jimin."sabi ko, aali na sana kami ng hatakin ni V yung isa kong kamay hawak paren kasi ni Jimin yung kamay kong isa.
"Wag kang umalis.." Napatingin naman ako sa kanya na kasalukuyang nakatungo. pero hindi ko alam pero parang isang iglap ayoko ng umalis. pero hindi pwede naiinis ako sa kanya. tama! tigilan nya ko ng Drama nya.
hinatak ko yung kamay ko mula sa pagkakahawak ni V. napatingin naman to sakin pero umiwas ako ng tingin.
"Tigilan mo ko." sabi ko at umalis na, iniwan ko namang si V nakatungo.
Bakit ganto? ang bigat sa pakiramdam?
~~~~~~~~~~~~~
"Sino ka?" Tanong ko sa misteryosong lalake na ngayon ay nasa Treehouse. Ngumiti naman ito at bumalik ang tingin sa buwan pero pinagmasdan ko lang sya.
"Hindi mo nga talaga ako maalala?" Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya, Hindi ko sya maalala?
"Magkakilala tayo?" tanong ko, Nakita ko namang pumikit ito.
"Hindi, mas higit pa dun."panimulang sabi nya na lalong pinagtaka ko.
Dinilat nito ang mata nya at tumayo papalapit sakin, Nung magkalapit na kami nilapit nya ang mukha at ngumiti, Nilagay nya ang ulo nya sa gilid ng ulo ko at meron syang binulong
na kinabigla at lalo kong pinagtaka.
"Ako ang Fiance mo Kookie."
~~~~~~~~~~
AN:
Mahal ko si V.
Hindi muna ako makakapag update kasi walang internet sa bahay tyaka sa cellphone ako nagtype .
may V fanfic akong sinusulat. Shet! Ang LANDI ni CRUSH.
Paplugg XDD
BINABASA MO ANG
Just one day (Haruman) Vkook FF.
ФанфикJungkook wants to remember his past, and Taehyung is a part of it.