Chapter 2

725 35 13
                                    

CHAPTER 2

"Ang laki  ng Noo mo." kasalukuyan kong tinitignan si V na curious na curious sa Buhok nya, Nakakatawa kasi kahit kailan napaka-alien nya. Nagme-make face kasi siya sa harap ng salamin. Kasalukuyan nyang nilalagyan yung buhok nya ng gel para tumayo.

Yung style ng buhok nya, Yun yung tipong pang manok at kung may mahulog mang butiki sa kisame siguradong patay na kaagad to.

"kookie ko, Pag malaki daw ang Noo.... Magaling daw magluto" Sabi nito. Napakunot naman ang noo ko, Natikman ko na ang luto nya. At akala ko dun na magtatapos ang buhay ko. hindi ako O.A pero hindi mo lang talaga  magugustuhan ang luto ni V.

"V tigilan mo ko." Sabi ko at humiga sa kama. nakakapagod kasi siyang tignan. Kung anu-ano ginagawa sa buhok nya, Kahit anong gawin nya sa mukha nya ganyan na talaga yan. Di na magbabago.

"Tss." naramdaman ko namang may humiga sa tabi ko at siguradong ang alien na nabubuhay sa earth ang taong yon. Aalis na sana ako kaso bigla nyang hinila ako payakap pero nakatalikod ako mula sa kanya.

parang nakabackhug habang nakahiga. Ramdam ko ang init ng hininga nya sa tenga ko at ang hindi ako makapali sa bilis ng tibok ng puso ko. Kinagat ko ang ilalim ng bibig ko, Bakit ba kinakabahan ako? Tae kasi tong alien na to eh.

Tatayo uli sana ako para makaalis kaso lalo nyang hinigpitan ang yakap nya sakin. Napaka.

"Dont move." Utos nya. Pero dahil hindi ko maexplain ang nararamdaman at feeling ko bilang isang manly na tao. Akward to. Kaya di ko sya sinunod at nagpumiglas ako para makatayo. ng makaalis na ko mula sa pagkayakap nya agad akong tumayo pero.

"aaahh~!" Tili ko, pagkatayo nya bigla nyang hinila ang braso ko at agad na hinatak pabalik sa kama. Agad nyang hiniga ako at pumatong sya sakin habang nakangiting aso. Nanlaki naman ang mata ko at mas dumoble ang tibok ng puso ko ramdam ko naman ang pag init ng pisnge ko.

Mas lalong lumawak ang ngisi nya. gago talaga tong alien an to. Napalunok naman ako ng halikan nya ang Noo ko, sunod ang pisnge ko at ilong ko.

pinagdikit nya ang Ilong namin at malipas ang ilang segundo inilipat nya ang ulo nya sa leeg ko,

Gusto ko sana syang itulak pero bakit parang namamanhid ang utak ko? At bakit nabablangko pati isip ko. Parang si V lang ang nakikita ko at tanging tibok ng puso ko lang ang tangi kong naririnig?

Napapikit ako ng maramdaman ko ang hininga nya sa leeg ko papuntang tenga ko. napakagat labi ako.

"Kookie.... ang laki ng ilong mo." Napadilat naman ako at agad ko syang tinulak. Nahulog naman sya sa sahig at tawa ng tawa. Walang hiya nabiti-- este ang bastos ng Noong to!

"HOOOYY MAS-- MAS MALAKI NAMAN ANG NOO MO!! BWISET!" Sigaw ko, at sinarado ang pinto ng kwarto nya. Bwiset kung hindi lang ako pinakiusapan ng mama nya na itutor sya eh. Haaaaayyyy. =___=

Bwiset na alien.

~~~~~~

"Jimin san tayo pupunta?" Nagdadrive si Jimin ngayon at hindi nya parin ako sinasagot, kanina ko pa sya tinatanong kung saan kami pupunta pero hindi nya ko pinapansin.

Kinulit ko si Jimin para Umoo sya. Nung una ayaw nyang pumayag kasi baka makasama daw sakin. matagal ko ng gustong malaman kung sino si V o Taehyung pero lahat ng pinagtatanungan ko. Iisa lang ang sinasabi. Mahalaga daw syang tao sakin, Bukod dun wala na kong ibang narinig mula sa kanya. Paulit ulit kong tinatanong pero Makakasama lang daw sakin pag naalala ko sya.

Tinanong ko dati si mama kung bakit ayaw nyang ipaalam skung Sino si Taehyung samantalang sya ang nagsama sakin sa puntod ni Taehyung at sya lagi ang nagsasabi na lagi ko syang dalawin kasi utang ko daw ang buhay ko sa kanya. Pero hindi sya sumasagot sa mga tanong ko.

Tinigil ni jimin ang sasakyan sa isang lumang Treehouse, Yung bubong lang yung gawa. parang hindi pa kumpleto yung treehouse.

 Eh? anong gagawin namin dito? Agad bumaba si Jimin at binuksana ang pinto para sakin.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko , Tinignan ko ang paligid at napakatahimik nito. Napakalamig din ng simoy ng hangin na yumayakap sakin. Napatingin ako sa ulap Mag sa-sunset na pala.

Hindi ako sinagot ni Jimin at umakyat sya sa treehoue, medyo mababa lang yung treehouse. Sinundan ko naman sya at umakyat din ako.

"Jimin?" Tawag ko sa kanya. mula dito ang langit. kasalukuyang nakaupo at nakatingin sa langit. Umupo din ako sa tabi nya. Katulad kanina hindi sya umimik. Hinayaan nya lang ako.

Sabay naming pinanood ang paglubog ng araw..

Hindi ko alam pero parang pamilyar sakin ang lugar na to, Parang may bagay na hindi ko maexplain. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Ano bang meron sa sunset at treehouse na to? Bakit feeling ko konektado ako sa kanila?

Nagulat ako ng magsalita si Jimin, Agad akong napatingin sa kanya na kasalukuyang tinitignan ang kulay orange-red na langit.

"Dito...  sa lugar na to....Dito ...nagpropose sayo si ..........V"

*********************

HI WALA TALAGA AKONG MAISIP HUHU XDD

PINILIT AKO NI GETTEPLAIN MAG UPDATE KAYA GANYAN :( HUHUHU XDD

Just one day (Haruman) Vkook FF.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon