Chapter 1

1K 44 27
                                    

Chapter 1

Jeon Jungkook POV

"Tigilan mo nga ko V~!" Saway ko sa isang lalakeng panay ang sunod sakin.

"Tsk, Fiance mo na ko, Kaya dapat lang ihatid kita." Sabi nito sabay kindat sakin. Sinamaan ko naman sya ng tingin.

Haaaay. Anong gagawin ko para hindi na ko sundan ng Alien na to?

Tumakbo na lang kaya ako?

ooyy pwede..

Kaso nasa kanya pala yung Bag ko =___=

Tahimik lang ako habang naglalakad, At hinahayan ko syang Dumaldal.

Hindi ko sya pinapansin kasi naiinis ako sa kanya.

Feeling nya napaclose namin.

Nagulat ako ng bigla nyang hawakan yung kamay ko,

Napatingin naman ako sa kanya.

"Oy- Bitawan,-Manyak ka~!" Sabi ko at pilit na tinatanggal yung paghawak nya sakin.

Ngumiti naman ito at binitawan ang kamay ko.

Pero bigla naman nyang hinawakan yung braso ko at hinila kaya naman napayakap ako sa kanya.

Walang Hiyang V to, Itutulak ko na sana sya ng Hinigpitan nya pa lalo yung pagkayakap nya sakin.

Ramdam ko naman yung hininga nya sa leeg ko, Bwiset ka V~!

hindi ko alam pero hindi ako makagalaw, gusto ko syang tulakin, pero parang nahawa na ko sa alien na to. Parang wala ako sa sarili at niyakap ko sya pabalik.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nya at lalo nyang hinigpitan ang pagyakap nya sakin.

Shet Hindi na ko makahinga.

Ang landi ko =__=

"naniniwala ka ba sa Love at First sight?...." Tanong nya.

Hindi naman ako kumibo. Ramdam ko ang pag init ng pisnge ko sabay ang Pagbilis ng tibok ng puso ko.

Tinanggal naman nya yung Ulo nya sa leeg ko at umarap sakin.

Ngumiti at nilapit ang mukha nya sa mukha ko, Hanggang magkadikit na ang ilong namin.

"Kasi nung nakita kita, Naniwala na ko sa Love at first sight."

...................................................

Nagising ako ng pawis na pawis . Panaginip lang pala. Yung ulo ko Sumasakit na naman.

Agad akong pumunta sa Cabinet para kunin yung Pain killer na iniinom ko, Tuwing sumasakit yung ulo ko.

Agad ko namang tinawagan si Jimin, Sabi nya kasi sakin tuwing sasakit ang ulo ko tawagan ko sya, Agad naman tong sumagot.

"Hello?" sabi nito sa kabilang linya, Halata namang bagong gising sya.

"Ji-jimin." Tawag ko. Bigla namang sumakit ulit ang ulo ko. Para syang pinupukpok ng martilyo. Hindi ko namalayan umiiyak na ko.

"Shit. Jungkook. Saglit lang pupunta na ko dyan." Halata namang nalarma sya, Hindi ako makasagot, Walang lumalabas sa bibig ko.

AAAgghh. yung ulo ko. Mas sumasakit pa.

Mayamaya narinig kong bumukas yung Pinto at agad agad pumasok si Jimin. May dala sya pero hindi ko alam kung ano yun. May spare key sya ng bahay ko.

"Jungkook. Jungkook" yun yung huli kong narinig ko bago ako nawalan ng malay.

'

Minulat ko ang mata ko at bumungad sakin ang puting kisame, Nasa hospital pala ako.

Ginala ko ang mata ko at bumungad sakin ang natutulog na si Jimin habang hawak hawak ang kamay ko.

Napabuntong hininga naman ako. Nag-alala siguro sya.

Ito yung pangalawang beses na sumakit yung ulo ko, Yung lalake sa panaginip kong tinatawag kong V. Tuwing napapaginipan ko sya sumasakit yung ulo ko.

Sabi ng Doktor sakin dati wala naman akong sakit na malala. Epekto daw yung pagsakit ng ulo ko kapag may napapaginipan ako na hindi ko maalala ngayon. Sabi ng Doktor, May posibilidad na maalala ko pa yung mga hindi ko maalala.

"Gising ka na pala." Napatingin naman ako kay Jimin na gising na at naghihikab.

"Napaginipan mo na naman ba sya?"Tanong sakin ni Jimin agad naman akong tumango. Tumayo naman ito at ginulo ang buhok ko.

"Nauuhaw ka ba? kukuha din kasi ako ng tubig." Tumango naman ako.

Pagkalabas ni Jimin. sakto namang tumawag si mama. Halata namang nag-aalala sya kaya sinabi ko okay lang ako. Buti na lang at kumalma sya. Dadaan daw sya mamaya para bisitahin ako. At natapos na yung pag uusap namin kasi Lowbat pala ang cellphone ko.

Napatingin ako ulit sa puting kisame at pinikit ko ang mga mata ko.

V, V, V, V, Kim Taehyung?

Iisa lang ba kayo?

at totoo ba yung nasa panaginip ko, Fiance kita?

Kailangan kong malaman kung sino Ka V.

Narinig kong bumukas yung pinto at pumasok si Jimin.

Tama, kailangan kong maalala kung sino sya.

"May--" Hindi ko pinatapos si Jimin at agad ko syang tinanong.

"Kilala mo si V di ba? Tulungan mo kong maalala sya uli."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N: Dedicated to kay ShxnHH~!

Baby VKook~shipper ka din diba Hahaha LOL.!

mahal ko si V~!

Just one day (Haruman) Vkook FF.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon