BIGATING KOMPANYA ang Aguirre Enterprises. Bilang kinatawan ni Margarita Aguirre-de Vega, si Fatima ang may hawak sa pinakamataas na posisyon doon. Pero iyon ay tuwing office hours lamang. Kapag tapos na ang trabaho, umaasta siyang tulad sa isang ordinaryong tao.
"Fatima, bakit hindi ka pa nagbibihis?" sabi ng babaeng nakasilip sa kanyang opisina. "Mayamaya lang aalis na tayo, ah."
Tumayo siya sa kanyang swivel chair, saglit na inayos ang suot niyang corporate attire at saka lumabas ng opisina. "Hindi pa ako nakakapag-decide kung sasama ako sa inyo, Libby."
"What do you mean?"
"Dumating na si Tita Margarita, eh."
"So what? Dati naman nating ginagawa ang lumabas ng gabi kahit nariyan siya, di ba?"
"Yeah, pero alalahanin mo na nakainom ako nang umuwi kagabi. Baka isipin ni Tita Margarita na sumosobra na ako."
"Come on!" Siniko siya nito. "Bakit, hindi mo naman napapabayaan ang kompanya, ah? Aguirre Enterprises is doing well."
Noon naman ay papalapit ang isa pang empleyada, si Michi. Naka-casual attire na ito. "Hey! Fatima, Libby! Ano pa'ng ginagawa ninyo? Magbihis na kayo, aalis na tayo,"
salubong nito sa kanila. "Bistro RJ is waiting for us."
"Eh, ito kasing si Timay, wala yatang balak na sumama sa atin," ani Libby.
"What? Ow, come on! Ikaw pa, si Fatima Santamaria, hindi sasama sa Bistro? Imposible yata iyon, ah!"
"Look, it's still early, ano!" sabi niya.
"Pero hindi naman tayo tutuloy agad sa Bistro, eh." Humilig si Michi sa kanya. "Julius called me. Iniimbitahan niya tayo sa place niya kaya doon muna tayo pupunta. Itinanong nga niya sa akin kung sasama ka, and I said yes."
Napataas ang kilay ng dalaga. "Bakit naman niya itinatanong?"
"Obviously, gusto ka niyang makita ulit at makasama after about two years na hindi kayo nagkita."
Nagkibit-balikat siya. Sa pagsama-sama sa mga kaibigan, nakilala ni Fatima ang punk na si Julius dalawang taon na ang nakakaraan. Anak ito ng isang kilalang pulis-Maynila.
Naging boyfriend niya ito sa loob ng ilang buwan pero nang minsang magtangka itong isama siya sa motel, nagkasira sila. Mula noon ay hindi na sila nagkita.
Pagkalipas ng dalawang taon, aksidenteng nagkatagpo silang muli sa isang disco. Nagpakita ito ng interes na makipagbalikan sa kanya pero wala na siyang anumang nararamdaman para rito.
"Ano? Halika na, magbihis na tayo," pangungulit ni Libby.
"No, hindi talaga ako makapag-decide. Para kasing wala akong ganang lumabas ngayon, eh," paliwanag niya.
"Come on, hindi mo ba gustong makita ulit si Julius?" tanong naman ni Michi.
Napaingos siya. "Kung siya lang ang magiging dahilan, hindi ninyo ako makukumbinsing sumama sa inyo."
"Hmm... akala ko ba ang mga tulad niyang punk ang tipo mo?" tukso nito.
"Oo nga," susog ni Libby. "Di ba, hindi ka nagkaroon ng ibang relationship after you broke up with him? Isn't that a big sign na siya pa rin diyan sa puso mo? Baka naman ayaw mong ma-realize iyon kaya ayaw mo, or shall I say umiiwas ka na makasama siya. Natatakot ka na—"
"Wala akong kinatatakutan, okay?" putol niya sa sinasabi ng kaibigan. "Sige, para wala kayong isiping kung anuman, sasama ako."
"All right!" nasisiyahang sambit ni Libby. "So, what are we waiting for? Magbihis na tayo."
Babalik na sana si Fatima sa kanyang opisina pero isang boses ng lalaki ang pumigil sa kanya.
"Excuse me."
Sabay-sabay na napalingon ang magkakaibigan.
"Gerard, what are you doing here?" takang usisa niya.
"Sinusundo kita," tugon ng lalaki.
"Kaya pala ayaw na niya kay Julius, eh. May iba na pala siyang taga-sundo," bulong naman ni Libby.
"Pero hindi ang tipo niyan ang type ni Timay. I should know dahil matagal na rin kaming magkaibigan," sabi ni Michi.
Nakakunot ang noong lumapit siya nang bahagya sa lalaki. "Did I hear you right? Sinusundo mo 'ika mo ako?"
"Yes, you heard me right."
"Well, I don't know kung saan mo nakuha ang idea na gawin iyan." Nagkibit-balikat siya. "Maybe from Tita Margarita. Pero hindi mo ako puwedeng sunduin dahil hindi kita binigyan ng permiso. Besides, may lakad kami ng mga kaibigan ko. Oh, by the way, mabuti na rin at naparito ka. Pakisabi mo kay Tita Margarita na medyo mali-late ako ng uwi."
Pagkasabi niyon ay binirahan niya ito ng talikod.
"Wait!" habol nito sa kanya. "Hindi ako uuwi nang hindi ka kasama, okay?"
Muli niya itong hinarap at saka namaywang. "What did you say?" naniningkit ang mga matang tanong niya.
"I said, hindi ako uuwi nang hindi ka kasama." Ipinasok ng binata ang kamay sa bulsa ng suot na slacks at saka nagpaliwanag. "Listen, it's not my idea na sunduin ka. Si Ninang ang may utos nito sa akin."
"At bakit naman ako ipasusundo sa iyo ni Tita? She's aware that I can drive my own car. At alam ko naman ang daan pauwi ng bahay. Mas alam ko pa nga kaysa sa iyo because I grew up here."
"Iyon ay kung talagang pauwi ka na. Yes, she's aware that you can drive. Pero aware din siya na sa pagda-drive, kung minsan, kung saan-saan mo ipinipihit ang manibela."
Napadilat nang husto ang mga mata ng mga kaibigan habang halos magtagis naman ang mga ngipin niya sa inis. "Who the hell do you think you are, ha? What do you know about me?"
"I know a lot of things about you. Nakalimutan mo na ba na kaninang umaga lang sinabi sa akin ni Ninang ang maraming mga bagay tungkol sa iyo?"
Nakasimangot niyang binalingan ang mga kaibigan. "Well, Ladies, I think wala na ako magagawa. Pinadalhan na ako ni Tita ng nanny, eh. Kayo na lang ang tumuloy. Enjoy yourselves."
"Wait, Tita. Hindi mo ba kami ipapakilala sa kanya? I don't want to miss the opportunity to meet someone like him," pabulong na request ni Michi. "He's so gorgeous!"
"This is Gerard—"
"Gerard Tierra," salo ng lalaki. "Inaanak ako ni Margarita Aguirre-de Vega." Kinamayan nito ang mga babae.
Mayamaya pa ay ilan pang kaibigan niya ang nagsipagdatingan. Ipinakilala rin niya ang mga ito sa lalaki.
Tuwang-tuwa naman ang lokong ito, ismid ni Fatima sa magiliw na pakikiharap ng lalaki sa mga kaibigan niya. Dahil sa pag-irap niya, hindi niya napansin na nakabaling na sa kanya si Gerard.
"I want you to know that I am not your nanny," mahinang sabi nito. "Now, bababa na ako. I'll wait for you in the car. In five minutes, kailangang naroon ka na dahil kung hindi, pagbibigyan kita. Aalis ako at ako ang bahalang magsabi kay Ninang na ayaw mong sumama sa akin." Umatras ito ng ilang hakbang, nagpaalam sa mga babae bago tumalikod.
"See you soon, Gerard," sabi ng mga babae.
Lumingon ang lalaki, ngumiti at saka nagpatuloy sa paglakad.
"MARAMI KA PALANG KAIBIGAN," sabi ni Gerard nang nasa kotse na sila on their way home.
"Marami nga," ani Fatima na sa labas ng bintana ng kotse nakatuon ang paningin. "Actually, hindi lang iyong mga nakita mo na kausap ko ang mga kaibigan ko. Marami pang iba."
"Sila ang kasa-kasama mo sa mga lakad mo?"
"Yes. Katulad ng sinabi ni Tita Margarita, happy-go-lucky ako. Inaamin kong kung saan-saan ako nakakarating kaya marami akong mga kaibigan."
You ' re not my type kung ganoon, naisip ng binata. Sa kilos, pananalita at pananamit, napuna nito na talagang moderna siyang babae. Kabilang sa mga babaeng sa sarili nitong paniniwala ay hindi nito pag-aaksayahan ng panahong kaibiganin man lang.
"Bakit ba ako naisipang ipasundo ni Tita Margarita?" tanong ng dalaga pagkuwan.
"Baka daw maisipan mong pumunta sa kung saan at gabihin ka sa pag-uwi. Marami siyang gustong ipagbilin sa iyo. Kung hindi ka niya makakausap ngayon, hindi ka na rin niya makakausap bukas dahil maagang-maaga ang alis namin."
Lihim siyang napangiti. Mabuti naman at aalis na ang isang ito, aniya sa sarili.
"Galit ka ba sa akin dahil sa nangyari kagabi?" pagkuwa'y tanong nito.
Umismid siya. "Alangan namang matuwa pa ako roon."
"Pero hindi ko iyon kasalanan. I have already explained my side."
"I don't believe you, do you know that? Sinadya mong matulog sa kuwarto ko," akusa niya. "At alam mo na babae ang may-ari n'on dahil punung-puno iyon ng stuffed toys. Isa pa, puro gamit na pambabae ang naroroon."
"Nawalan na ako ng panahon na pansinin pa iyon. As I said, pagod na pagod ako. Nang umalis kami ni Ninang sa Bacolod, kababalik ko lang noon galing sa one week kong paglilibut-libot sa Iloilo. Wala akong pahinga kaya nang makakita ako ng kama, walang ibang pumasok sa isip ko kundi ang matulog."
Parang nang-iinsultong tinawanan niya ang lalaki. "Kawawa ka naman. Eh, bakit nag-aksaya ka pa ng panahong puntahan ako sa opisina. Sana, namahinga ka na lang." Lihim siyang ngumuso pagkasabi niyon.
"Oh, I would rather have done that if I had a choice," sarkastikong saad nito. "Kung hindi utos ni Ninang, walang-wala sa isip ko na sunduin ka."
"Lahat ba ng utos niya sinusunod mo?" ingos niya. "Mabuti hindi nagrereklamo ang asawa mo."
"Bakit? Nagrereklamo ba ang boyfriend mo sa mga iniuutos sa iyo ni Ninang?"
Umismid siyang muli. "Wala akong boyfriend."
"Wala rin akong asawa, ni girlfriend," mahinang banggit nito.
"Mapili ka sigurong masyado," nasabi niya.
"Oo. May pamantayan ako."
"Really? At ano naman ang criteria mo sa pagpili ng babae?" Alam niyang hindi niya dapat na itinanong iyon lalo na at hindi pa naman masasabing talagang magkakilala na sila nito, pero na-curious siya.
"Ang gusto ko'y tulad ng mama ko," simpleng tugon nito. "Mabait, mahinhin, simple. Iyong babaeng-babae in the real sense of the word."
Lumabi siya. "Naku! Mahihirapan kang makakita ng ganyang babae."
"Eh, ikaw? Bakit wala ka pang boyfriend? Sa dami ng mga kaibigan mo at ng taong nakakakilala sa iyo, wala man lang bang nag-a-attempt na ligawan ka?" Pagkasabi niyon ay sumulyap ito sa kanya.
"Marami nga, eh." Hindi siya nagsisinungaling sa puntong iyon. "Wala lang akong matipuhan."
"Mapili ka rin pala kung ganoon."
"Medyo," kibit-balikat niya. "Pero hindi mabigat ang criteria ko gaya ng sa iyo. May mga ilang bagay lang akong iniaayaw sa lalaki. Tulad halimbawa ng masyadong pormal at seryoso. Nakakaalangan silang mga klase ng tao."
Kabilang sa mga taong tinutukoy niya si Gerard at alam nito iyon. Kung ganoon, talagang magka-opposite kami ng babaeng ito, naisasip nito.
PULOS TUNGKOL SA NEGOSYO ang ipinagbilin ni Doña Margarita kay Fatima. Walang katiyakan kung kailan ito makakabalik. Pero kahit hindi pa siguradong maisasama nito ang napawalay na anak, ipinaayos na nito ang isang kuwarto sa mansion.
Pag-alis ni Gerard, nagagawa na niya ngayong ngumiti kapag naalala ang una nilang encounter. Nakangiti nga siya nang mapasukan ni Libby sa kanyang opisina. May hawak itong pumpon ng mga bulaklak.
"Hmm... may dahilan ba ang ngiting iyan?" bungad nito.
"Siyempre, alangan namang ngumiti ako nang walang dahilan. May naaalala lang ako," bigkas niya. "Para kanino ang mga bulaklak na iyan?"
"Para sa iyo raw. Nakasalubong ko 'yung nag-deliver sa labas ng office mo. Ni-receive ko na para sa iyo. Kanino ba ito galing? Doon ba sa kasama mo kahapon?"
"Imposible. Nasa Bacolod na iyon ngayon." Inabot niya ang bulaklak. "Kay Julius galing," aniya nang mabasa ang message.
Gumuhit ang excitement sa mukha ng babae. "Really? Taong iyon, hindi nagkasya sa pasabi."
"Anong pasabi?" kunot-noong ulit niya.
"Well, as you know, magkakasama kami kahapon. He asked me to tell you na gusto ka raw niyang i-date!" May kasamang tili ang pagkukuwento nito.
Umingos siya. "Dapat sinabi mong hindi ako sasama sa kanya kahit na saan."
"Bakit ko naman sasabihin 'yon? Ang sinabi ko sa kanya ay kung bakit hindi ka nakasama sa amin kahapon. Sinabi kong may ibang sumundo sa iyo. By the way, saan nga pala kayo nakarating n'ong sundo mo kahapon?"
Pinandilatan niya ito. "Saan? Eh, di sa bahay."
"You mean, hindi ka niya dinala sa kung saan?" mukhang dismayadong turan nito.
"Ano ba'ng akala mo sa akin? Palagay mo ba, kung dadalhin niya ako sa kung saan, sasama ako sa kanya? Hindi, 'no! Besides, hindi mo ba narinig? Inutusan lang iyon ni Tita Margarita na sunduin ako."
Nagkunwa si Libby na nanlumo. "Oh, sayang naman. Mukha pa namang bagay kayo sa isa't isa."
Napataas-kilay siya. "What? Paano mong nasabi?"
"Tingin ko lang," nakakibit-balikat na tugon nito, pagkatapos ay makahulugang tumingin sa kanya. "Tell me, do you like him?"
"Hindi, ah!" mabilis na tanggi niya, sabay tayo at naghalukipkip. "Conservative ang taong iyon. At wala sa akin ang katangian ng ideal girl niya. Isa pa, hindi na iyon babalik dito sa Manila. Tinutulungan lang naman niya si Tita Margarita. Kapag tapos na ang tungkulin n'on, mananahimik na iyon sa Bacolod."'
"So... di bumalik ka na lang kay Julius," mungkahi ng kaibigan.
Saglit niyang tinapunan ng sulyap ang mga bulaklak at saka napaismid.
![](https://img.wattpad.com/cover/372696828-288-k509837.jpg)
BINABASA MO ANG
My Heart Belongs To You - Estrella Montenegro
RomansaNapahumindig si Fatima nang makapa niyang may kasiping siya sa kama. Napamulagat siya sa nakita-lalaki! Katabi niya sa kama ang isang lalaki! Oo nga't lasing siyang umuwi kagabi pero wala siyang natatandaang may nakita o nakilalang lalaki sa bridal...