Chapter 3 po ng " KUYA KO!! " :-)
Ang hirap Mag isip ng kadugtong ng part 2 nito kaya pasensya na po kung hindi maganda !!
comment nalang po sa mga gusto magpa dedic at gusto magbigay ng idea para mas mapaganda ang story natin :)
Enjoy Reading guys :)Chris's P.O.V
Naglalakad ako ngayon sa hallway ng grade 9. Grabe nakakairita, pano ba naman, may baklang pahara hara sa daan. Nakakasira lang ng araw isipin na sa unang pasukan ganon agad yung bubungad sa araw mo.
Sino ba namang di maiinis dba?- - - FLASBACK - - -
Nagmamadali akong pumasok ng school dahil medyo na late ako ng gising. Pano ba naman, inaasahan kong gigisingin ako ng katulong namin dahil nga sa unang araw ng pasukan pero HINDI !! Nakalimutan daw nya kaya ayun. medyo late ako.
Pagdating na pagdating ko palang sa school , medyo nahirapan ako hanapin ang section na papasukan ko dahil transfery lang ako sa school nato.Btw, ako nga pala si John Christoper Cuevas o mas kilala sa pangalang " CHRIS ".
17 yrs old and now in grade 10 here at my new school o DGANHS kung tawagin ng ibang estudyante sa school na to.
Nag iisang anak ako. Napalipat ako sa school na to dahil na rin sa trabaho ng tatay ko.habang naghahanap ako ng section ko, nakaramdam ako ng pagsakit ng pantog.
NAIIHI AKO !! kaya naman nagmamadali akong maghanap ng Cr para umihi.
sa pagmamadali ko di ko napansin na may kasalubong ako kaya BOOGSH !!
nagkabanggaan kami." Ano ba? Tumingin ka kasi sa daan!! " Sigaw ko dto.
" Bakit? tumitingin ka rin ba sa dinadaanan mo? kasi kung Oo, edi sana naiwasan moko ! " sarkatiko naman nitong sagot !
" tss, wala akong panahon sayo bakla " balik tugon ko naman dito dahil nararamdaman ko na mas naiihi na ako , dala na rin siguro ng pagtakbo at pagbubungguan namin.
pero sa di ko inaasahan, lumapit pa ito sakin na may nakakalokong ngiti. At nang makalapit sya sakin ay muli syang nagsalita
" wag kang mag in'aso. You're Just a piece of sh*t compare to me. " sabi nito sakin at sa di ko inaasahang pagkakataon. Tinuhod ako nito sa bandang B*lls ko na nagbigay sakin ng sobrang sakit !!
" oh yan, quits na tayo sa pagbangga mo sakin ;-) have a good day Mr, Bullsh*t "
sabay talikod nito at lakad na parang nang aasar pa.
Wala akong nagawa kundi ang Magtatalon.
Grabe talaga ang sakit !! nakalimutan ko bigla ang dahilan kung bakit ako nagmamadali, ang pag ihi ko." Hey FAGGOT !! " sigaw ko dito habang patuloy naman ito sa paglalakad sabay habol dito ng kasama nito, mukhang nagulat din ang kasama nito sa nagawa nito sakin !!
hindi ko inaasahang may makakagawa sakin non." Babawi ako sayo bakla , Hintayin moh lang " Muling sigaw ko ngunit tinawanan lang ako nito ng malakas !!
- - - END OF FLASHBACK - - -
grabe, NAKAKAINIS TALAGA. Hindi ko inaasahang may makagagawa nun sakin sa unang pagkakataon at isang BAKLA PA !!
Hindi naman sa pagmamayabang pero wala ni isa sa dati kong school ang nakagawa sakin non o kahit makasagot manlang ng pabalang gaya ng ginawa nya.
Hindi pwedeng hindi ako babawi sa kanya.
" Magkikita din tayo at dun ako babawi sayo. "
sabi ko sa sarili ko.
at muli ay lumakad nako papunta sa dulo ng hallway ng grade 9 building. Dun lang kasi ako may nakitang public Cr.Pagdating ko sa Cr ay agad na din akong umihi dahil sa sakit ng pantog ko.
Kasabay ng paglabas ko ng Cr ay ang pagtunog ng bell hudyat na simula na ng klase kaya muli ay tumakbo ulit ako ng mabilis para masiguro na mas mauuna ako sa 1st subject teacher namin o ang adviser namin.