FUMIKO'S POV:
--
PASALAMPAK na naupo ako sa mahabang sofa matapos naming makauwi mula sa Arena kung saan ginanap ang Fuse Flight Dimentia.The management decided to take a break and continue the game the day after tomorrow because of what the Titanium did of using a map hack scheme.
Hindi nila maiiwasan ang parusa lalo na't masyadong aktibo umano ang organizers sa mga ganitong usapin. Sayang nga naman ang pera ng bawat kompanya na inilalaan sa manlalaro kung idadaan lang din sa dayaan.
"Damn! I feel exhausted because of those asshole." Reklamo ni Aries nang maupo ito sa single couch dito sa sala.
Noong ko lang napansin na tila nabawasan ang gamit sa paligid namin pero hindi ko na lang yun pinagtuunan ng atensyon.
Naupo naman si Asher, David at Yakuji sa tabi ko habang si Bugoy naman ay sa arm rest ng sofa naupo. Sina Kuya Chase, Kuya Marion, Kuya Jobert ay nanatiling nakatayo at sina Ate Mika at Ate Alessa ay dumiretso sa kusina.
"Hindi sila makakatakbo sa ginawa nilang pag-map hack. Unang araw pa lang gumawa na sila ng kalokohan at malamang gagawa ng paraan ang management ng Fuse Flight Dimentia para mapatalsik ang grupo ng Titanium." Ani ni Kuya Jobert.
"Hindi pa rin sila natututo. Ilang warnings na ba ang iginawad sa kanila? Mukhang ito na ang huli." Napapailing na sambit naman ni Kuya Chase.
"Tapos isisisi sa amin na kami ang gumamit ng map hack? Tanga ba sila?" Gigil na sambit naman ni Aries.
Unang sabak pa lang namin sa laro, ganito na agad ang bumungad sa amin. Paano pa kaya sa mga susunod na araw lalo na't preliminary competition pa lang naman at tiyak na matatagalan kami bago makabalik para sa semi-final.
"They thought we can't get a counter attack and they think Fumiko didn't notice their tricks. Umpisa pa lang alam ko nang may mali."
"Oo nga. Buti na lang matalas ang mata ni Fumiko."
Napangiwi na lang ako sa mga katagang binitawan nina Bugoy at Asher.
"Anyway, Fumiko. How did you learn to build a counter for a map hack scheme?" Baling sa akin ni Kuya Chase na mukhang nagkaroon ng interes sa map hack block ko.
"I used to play some random games inside the computer shop before I meet Bugoy and Aries. They don't about those codes dahil wala naman akong pinagsasabihan kahit na ang mentor ko dati. Kusa ko na lang yun napag-isipan habang pinag-aaralan ang bawat portal ng mobile o computer games man."
Noong turuan kasi ako ni Damon ng computer games, doon ako nagka-interes na pag-aralan ang pasikot-sikot ng portal at sa kung ano ang maaring maging cause ng cheating sa loob ng laro. At yun nga, hindi ko inaasahan na magagamit ko ang counter attack sa map hack scheme ng kalaban.
"Mabuti na 'yong kami lang ang nakakaalam at hindi pwedeng lumabas ito sa publiko. We should protect Fumiko from any harm if Titanium finds out that they got block from the map hack scheme at nabuko sila ng management."
"Actually, marami akong alam na code tungkol sa pasikot-sikot ng laro but I don't wanna use it para lang manalo ang grupo. I want to play fair and square at hindi ko matatanggap na may lumapastangan sa mundong pinapangarap namin." Wika ko.
Ayoko sanang ipaalam sa kanila ang mga nalalaman ko but since they are my friends, I think I can share some knowledge on how to build a strategy while inside the game. Mas gusto ko kasing nasa mismong laro ako bago ako gumawa ng hakbang para mag-counter attack sa kalaban.
"So, what should we do now that we are already got the ticket for another stage inside the Fuse Flight game?" Ani ni Asher na mukhang trip niyang huwag manggulo muna dahil nasa seryoso kaming usapan.

BINABASA MO ANG
Clever Game
Romance[BLOODFIST SERIES 7] Fumiko Yamamoto has always dreamed of becoming a professional gamer, a passion that consumes her every waking moment. Living in a vibrant neighborhood dotted with computer shops and arcades, she spends countless hours honing her...