Chapter 2

719 13 0
                                    

MALUNGKOT sina Albert at Mr. Alcasabas. Nasa peak na ang summer season ngunit hindi man lang napuno ang kanilang limang cottages. Malimit ay isa o dalawang cottages lang ang okupado. Karamihan pa'y mga grupo ng estudyante. Pilit na nagkakasya sa isang cottage. Maraming dumarayo para maligo sa beach sa tapat nila, ngunit hindi naman doon sa kanila nakatuloy. Hindi naman nila maaring pagbawalan ang mga nagpupunta roon.

Iyong mga nakaka-afford na magbayad ay mas gusto pa ring tumira sa mas malaking resorts na kumpleto sa makabago at magagandang kagamitan.

"Hindi yata tayo magki-click," nadidiscourage nang sabi ni Mr. Alcasabas. Retired school teacher ito. Iyong nakuhang retirement benefits ang isinosyo sa resort.

Nadidiscourage na rin ang binata ngunit pinalakas pa rin ang loob ng matandang kasosyo.

"Talagang ganoon ho. Sa unang taon ng operasyon, lugi muna. Kasi, puro palabas ang pera."

Nagkapag-asa sila nang may dumating na mga estudyante mula sa Maynila. Kumuha ng tatlong cottages para para sa dalawang linggong bakasyon.

Si Albert ang nasa counter ng mag-check-in ang mga ito. Panay ang sulyap ni Albert sa babaing nahuhuli sa pila. Pinakamaganda ito sa magkakasama.

Matamis na nginitian niya ang babae ngang lumapit sa counter.

"Your name please?"

"Rina Yuchenco," sabi nito na gumanti ng ngiti sa binata. Lumabas ang cute na dimple nito sa pisngi.

"Hi, Rina! I'm Albert Almonte," pakilala niya. Sabay abot ng kanang kamay.

"I hope, you will enjoy your stay here," aniya.

"We will. Can I have my hand now?" may kapilyahang sabi nito.

Nag-blush si Albert. "Upps! Sorry..."

"It's okay," sabi naman ni Rina.

Lumabas siya mula sa counter at tinulungan ang dalaga na bitbitin ang dala-dala nitong malaking travelling bag patungo sa cottage.

Sampung magkakasama ang mga ito. Apat na lalaki at anim na babae.

Dalawa lang sila rina sa cottage ng mga ito.

Ang mga lalaki, inilagay niya sa pinakamalayong cottage. Ang kuwarto nila Rina'y sa may bungad, malapit sa opisina ng resort. Doon na rin siya nakatira sa likod ng opisina. May kuwarto siya roon.

"Hanggang anong oras ang duty mo?" tanong ni Rina.

"Twenty-four hours a day ang duty ko. Kasi hindi pa naming ma-afford na kumuha ng ibang tauhan. Kaya halos kami na lahat ang gumagawa rito."

"You mean, kuripot ang may-ari? Aba, puwede mo silang idemanda. Bawal iyan sa labor law," sabi ni Rina.

Napakamot sa ulo si Albert. "E, kasi ako ang may-ari nito... at least, ang kalahati. Si Mr. Alcasabas, iyong sumalubong sa inyo kanina, siya ang kasosyo ko."

"Talaga?" Halatang na-impress ang dalaga. "Wow! Ang bata mo naming entrepreneur!"

Lalong lumaki ang dibdib ng binata.

NAGKAKASAYAHAN sa dagat ang magkakaibigan. Nagpaiwan naman sa cottage si Rina at nakipagkuwentuhan sa kanya.

"You're very young and very responsible," puri sa kanya ni Rina nang malaman na may pinag-aaral pa siyang kapatid.

"Kailangan, e. paano kaming mabubuhay magkapatid kung hindi ako mag-iisip at magsisikap?" katwiran naman niya. Muli siyang napatitig sa magandang mukha ng kaharap.

Maliit ang mukha nito. Tsinita ang mga mata. Makipot ang mga labi, matangos ang ilong at maputi. Straight at maitim na maitim ang hanggang balikat na buhok. Mukhang malambot at madulas. Nangangati ang palad niya na haplusin iyon.

Isang Gabing Pag-ibig - Maureen ApiladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon